chapter 23

1.8K 29 3
                                        

* Mr. NERD meets Ms. NERD

- are they compatible?

Written by Purple Raindrops

C H A P T E R 23

* pasensya, late ud. Busy eh. Newies, salamat sa nagsponsor sa akin. Dahil sayo kaya nakapagUD ako. Salamat Ms. Nida! Mwah! :)))))

*Enzo's Pov*

Ang gwapo ko talaga! Wew. Kahit may gf akong nerd eh ang dami pa ding nagkakandarapa sa akin. Haha. Grabe lang talaga! Konting tiis na lang mga chikabebe at makakapiling nyo na ako. :D Konting sandali na lang at makakawala na ako sa nerd na to. Tiis tiis lang muna!

Pasipul sipol akong pumasok sa Westbridge habang pinapaikot sa daliri ko ang key chain na para sa kotse ko. Binaba ko rin ang ray ban ko na nasa noo ko at tinapat sa mga mata ko.

" Wowowo! *adik tunog ng pito:D dapat witwew eh pero iniba ko* " gamit ang kaliwang kamay, bahagya ko namang tinaas ang bag pack ko. Napadaan ako sa nagkukumpulang mga babae at ngumiti sila sa akin. Di ko maiwasan wag tugunin yun, ngumiti din ako sa kanila at nagflying kiss pa ako. Narinig kong tumili sila. Psh! Sanay na ako sa ganun! Sa pogi kong to? Sino di mahuhumaling di ba? Pa add nga pala sa fb, casanova_enzo.perez@y.c haha. Accept agad kita! :D Please lang! *hipo ng ilong gamit ang hintuturo* Wag ka na luminya sa mga nagkakandarapa sa akin pag nakita mo ang pagmumukha ko. Dumadami kayo eh. Anyway, back to the moment na naglalakad ako. Pagkalagpas ko sa mga babae, biglang sumulpot si Anna na apo ni Marie na pamangkin ni Lelet na anak ni Baby na kumamot sa puwet ni kurikong, de joke lang, si Ayu lang. Himala, nag-iisa, di kasama ang mga alipores nya.

I smirk. Balak ko sanang lagpasan sya pero hinarangan lang nya ako at nagsalita eto.

" Alam ko sekreto mo! " malanding sabi nito at kontodo ngiti habang pinapasadahan nya ang malalapad kong muscle gamit ang kamay nya. Hinawakan ko yun at ngumiti ako ng nakakaloko then kinuha yung kamay nya.

" Anong sekreto naman yun at kelangan mo pa talaga akong harangan? "

" Well, *sabay ikot sa akin* yung sekreto na yun ay tungkol sa nerd na lagi mong kasama.. " hmm? Ano na namang pakulo to? Tsk. Desperate para mapansin.

" Alam mo Ayu, busy ako ngayon eh. Kung wala ka namang matinong sasabihin, eh mauna na ako sayo. Sige --- "

" Alam kong pinagpupustahan nyo lang si Courtney! Narinig ko yun sa barkada mo accidentally. " ang mga hakbang na dapat ko sanang gawin ay di ko nagawa. Napatigil ako at humarap sa kanya. Nakita kong nakacross arm syang ngumingiti sa akin.

" Anong ibig mong sabihin? "

" Oh come on Enzo. Stop acting na di mo naintindihan ang sinabi ko. Obvious na obvious naman ang sinabi ko eh. Di mo naman talaga gusto si Courtney. Lahat ng mga nangyayari ay isang pagpapanggap lang! Nice acting Enzo. Napaniwala mo na sana ako eh. " pumalakpak sya ng mahina at tumawa.

Di talaga maingat tong sina Ice at Jude sa pagkwekwento, nalaman pa tuloy ng babaeng eto ang pustahan namin. Haist. What now?

" So, what do you want at sinasabi mo to sa akin? Bat di mo sinabi sa kanya? " i said sarcastically.

" Kung sasabihin ko sa kanya, di rin naman maniniwala yun. Baka isipin pa nya, sinisiraan kita sa kanya. "

" Okey okey! Oo, pinagpupustahan lang namin sya. So ano? Bakit ba? "

" Masyado kang hot. " lumapit sya sa akin at hinawakan ang jacket na suot ko. " Masyadong mainit ulo mo. "

" Ang dami mong patutsada. Bakit di mo na lang kasi sabihin ang gusto mo? "

" Alam mo ang gusto ko! Gusto kong maging tayo, not as fling o panandalian lang, kundi seryoso. " muntik na akong matawa sa kanya. Sabi ko na nga eh, she's so desperate. Ginamit pa talaga ang pustahan para maangkin ako. -_-

" Tsk. Tsk. Ganun ka ba talaga kadesperado Ayu? Kahit anong mangyari, di tayo maging magsyota tulad ng gusto mo. Go! Tell her about that pustahan, wala akong pakialam! "

" Talaga? Alam kong confidence ka dahil alam kong di sya maniniwala sa akin eh paano kung sabihin kong lahat ng pinag-usapan natin, nakarecord sa cp ko? " bigla nyang nilabas ang cp nya sa bag nya sabay sa pagplay ng pinag-usapan namin. Shit! Andun pa ang linyang inamin ko talaga ang totoo. Inagaw ko sa kanya yun pero tinago nya lang.

" Uh uh! No way. Sige, kung nabibigla ka, pwede mong pag-isipan. I'm giving you one day to think, text me kung nakapag-isip ka na.. " :) ngumiti sya. Ngiting demonyo at tumalikod sa akin.

Nakatayo lang ako dun at minamasdan ang pag-alis nya. Anong gagawin ko? Pumayag sa gusto nyo? O hayaan syang sabihin ang totoo at iparinig ang convo namin? Tutal ibrebreak ko di naman sya eh, bat ko pa patatagalin. Pero sa kabilang side ng isip kong nagsasabing wag hayaan, dahil masasaktan si Courtney.

Geez! Kelan pa ako naging concern sa nararamdaman nya? What a packing tape! Di ko alam ang gagawin ko ngayon. Ano nga ba? Nak ng tokwa naman oh! Bat pa kasi nalaman ni Ayu ung pustahan, naging kumplikado lang ang nangyayari. Bwesit! Masasapak ko talaga ang dalawang yun eh. Shit!

*Courtney's Pov*

I was walking alone papasok ng Westbridge nang parang narinig ko ang boses ni Enzo. Mukha may kausap sya. Di ko mapigilang wag mageavesdrops sa kanila. Curiosity kills talaga. Nakita ko, tama ang hula ko, si Enzo nga at kausap si Ayu. Seryoso silang nag-uusap. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Alam kong mali ang ginagawa ko pero di ko mapigilang di makinig eh. Sorry Enz.

" Oh come on Enzo. Stop acting na di mo naintindihan ang sinabi ko. Obvious na obvious naman ang sinabi ko eh. Di mo naman talaga gusto si Courtney. Lahat ng mga nangyayari ay isang pagpapanggap lang! Nice acting Enzo. Napaniwala mo na sana ako eh. " para akong napako sa kinatatayuan ko sa narinig ko mula kay Ayu. Ano ibig nyang sabihin? Anong pagpapanggap?

" So, what do you want at sinasabi mo to sa akin? Bat di mo sinabi sa kanya? " narinig kong tanong ni Enzo. Bigla akong kinabahan. Ewan ko ba! Para akong natatakot sa maaari kong marinig.

" Kung sasabihin ko sa kanya, di rin naman maniniwala yun. Baka isipin pa nya, sinisiraan kita sa kanya. " sagot naman ni Ayu.

" Okey okey! Oo, pinagpupustahan lang namin sya. So ano? Bakit ba? " teka? Pinagpupustahan? Ako? Ako ba ang tinutukoy nila? Di ko na naintindihan ang iba nilang pinag-usapan kasi nagfocus na ako sa pustahan na sinabi ni Enzo at pati pagbanggit ni Ayu ng pangalan ko.

The next thing i knew, papalapit na ako kay Enzo na nag-iisang nakatayo with misty eyed.

" Enzo.. " humarap sya sa akin at kita ko ang gulat sa mukha nya.

" Swe.. Sweetcake! Kanina ka pa ba dyan? "

" Oo. Enzo, totoo.. totoo ba ang mga narinig ko? " di ko na napigilan ang mga luha ko. Kusa na etong lumaglag sa pisngi ko.

~ ahem! Bitin much! :D pasensya sa error. Di professional eh. :)))o Silent readers me pigsa sa puwet. :D joke! Idedeny pa ba ni Enzo? Abangan. :)

Mr. NERD meets Ms. NERD - are they compatible?(COMPLETED)Where stories live. Discover now