"Uhm?"
'Sino ba 'to?!'
(Ate Sappi!)
Mabilis pa ata sa kidlat na napabangon ako sa dahil sa pamilyar at iisang kilalang boses na narinig kong iyon!
"Deandean?! Baby?!"
(Ate Sappi huhu...)
"O-omygod... baby! N-nasaan ka?! A-ayos ka lang ba?!"
(Ate Sappi tulong mo ako ikaw huhu...)
"B-baby--- sshh... t-tutulungan kita, omygod! Nasaan ka, baby?!" Hindi makapaniwalang sambit ko talaga at bumaba sa kama saka lumabas ng kwarto ni Yazzi para ibalita ito sa kanila.
"Baby? P-paano ka nakatawag? Baby? Nasaan ka? Sagutin mo, please--- Lea! Lea! Manang!" Pagtatawag ko dahil parang ang tahimik ng paligid.
(Ate Sappi---)
"Hh!" Agad akong napatigil sa paglalakad kasabay ng pagsinghap ko ng maputol ang sinasabi ni Deandean dahil sa narinig kong tunog ng baril!
"Baby?! Omygod, baby?! Hello?! Deandean?!"
Bigla akong nagpanic at nagmadali na ako sa paghahanap sa iba.
"Lea! Manang! Gosh!" Napahilamos nalang ako sa mukha ko ng marinig na naputol na 'yung linya.
"Manang! Lea! Yazzi!"
"Alikabok!"
"Oh... hello there," salubong ang kilay na nilingon ko naman ang nagsalitang iyon at laking gulat ko nang makita kung sino iyon.
"T-tita Alice..."
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa sinambit ko dahil sa ngayon ko na nga lang ulit siya nakita at alam kong sa simula palang ay kagagawan na niyang lahat ito pero nagawa ko pa siyang tawaging tita!
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Pagtawa niya ng malakas.
"Really?" Natatawang dagdag niya pa, "Did I really heard that word... tita? HAHAHAHAHAHAHAHA!" At natawa na naman siya.
Dahil sa tawa niyang iyon ay lalo akong nagalit at hindi na napigilang mapakuyom ang dalawang kamao ko. Kaunting kaunti nalang ay mawawarak pa ang cellphone na kapit ko.
"Tatawagin mo pa kaya akong tita kapag nakita mo 'to?" Nakangising aniya at naglabas ng baril kaya lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko.
'N-nasaan na ba sila?!'
"Look..." ngising dagdag niya pa at sobrang daming nakaitim na lalaki ang lumabas dala dala ang mga kasamang kong hinahanap ko!
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko silang duguan at agad hinanap ng mga mata ko sina Lea, Manang, at alikabok!
"J-joy..." agad kong nilingon ang nagsalitang iyon at nakita ko si Lea na kapit kapit ng isang lalaki at batid kong hirap na hirap na si Lea dahil sa dugong lumalabas sa bibig niya.
'A-anong nangyari... kanina?!'
"Hinding hindi niyo 'ko mapapabagsak, sweetie..." nakangising sabi na naman ni Alice habang hinihimas ang hawak niyang baril at nakita ko pa kung paanong kinaladkad nung lalaki ang nanghihina ng si Lea palapit sa tabi ni Alice!
"L-lea---" naputol naman ang sasabihin ko ng makita ko rin si Manang na ganoon rin ang lagay!
"M-manang!" Sigaw ko at lalapitan ko na sana siya nang biglang,
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
Chapter 45: Cry
Start from the beginning
