"Nakita kita kanina nakatakip ka sa bibig mo tapos ang bilis pa ng lakad mo kaya sinundan kita, ayos ka lang ba?" Kita kong alalang tanong ni Yazzi.
Ngumiti ako at tumango, "Oo naman, wag mo kong intindihin, minsan kasi nababaliw ako HAHAHAHAHA!" Pagtatawa ko para mawala ang inaalala niya.
Natawa naman siya, "Ah, HAHAHAHA! Hinahanap na kayo ni Daddy e, may pag-uusapan pa daw kayo," aniya.
"Oo sige, tara na, sabay na tayo bumaba," ngiti ko at nagsabay na nga kaming bumaba.
Parang nanikip ang dibdib ko sa pagpipigil ko ng iyak na dapat ay ibinuhos ko nalang.
Ang hirap talagang magpigil ng totoong nararamdaman... shit.
Joy's POV
Napaiwas nalang ako ng tingin ng makita ang nakakalokong titig sa akin si alikabok habang kagat kagat ang labi't nakangisi pa.
'Ampota! Grr...'
"Oh, Lea? Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap," sabi ko ng tumabi siya sa tabi ko.
Nginitian lang ako nito bago umiwas ng tingin at kumuha ng mga papel at nagtitingin doon. Kumunot naman ang noo ko sa iniasta nito.
"Lea..."
"Ayan, nandito na pala kayong dalawa," tatanungin ko pa sana si Lea kung anong problema ng mapalingon nalang ako kay Tito Dwight.
Agad naman akong natahimik ng makita ang seryoso rin nitong awra kanina pa.
Kinakabahan tuloy ako.
"Ikaw. Ikaw. Oo, ikaw. Kayo, kayo. Alis. Umalis muna kayo, iwanan niyo kaming tatlo," utos ni Tita angry bird at pinagtuturo ang mga lalaking kasama nila.
"Ha? Bakeeeeet?"
"Boss, teka nagmml ako."
"Lah, gago ang lag! Bobo!"
"Teka, boss, sige na mag usap na kayo, sarado tenga namin, promise."
"Bobo! Tanga tulungan niyo ko hoy! Pinagtutulungan na ko tangina niyo!"
"ISA!" Malakas na sigaw ni Tito na ikinatigil ng lahat.
"Alis muna kayo jan, dali na," si Tita Nazi na ang nakiusap at nagsorry naman 'yung iba sa boss nila bago sila isa isa na umalis.
"Dre, baka naman takutin mo sila..."
"Dali na, alis na ang dami pang satsat!" Inis na talagang sambit ni Tito at salubong na salubong na ang kilay niya.
'Woah... now I know why he became an angry bird.'
Nagtipon tipon doon sa hagdan at sa kabilang kwarto sila malayo sa amin at tuluyan na ngang naiwan kaming tatlo nila Tito at Lea dito sa salang puno ng mga computer.
Napatingin naman ako kay Lea na parang walang pakielam kaya naman kinalabit ko siya at hindi manlang tumitingin sa akin.
"Huy, Lea. Galit ka ba sakin?" Tanong ko na.
"Ha bakit naman? Hindi a," sagot niya.
"E bakit kanina ka pa hindi namamansin jan?" Tanong ko.
"Sshh..." aniya ng lumalit si Tito sa harap namin at naupo at napatingin naman ako sa malayo at nakitang nandoon si alikabok, nakatitig na naman.
'Amporkchop.'
"May hindi pa kayo sinasabi," panimula niya.
Nagkatinginan naman kami ni Lea na para bang nagkaintindihan na kami ngayong oras na ito at nabitawanan na niya ang papel na kanina niya pa binubuklat buklat.
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
Chapter 33: Sorry
Start from the beginning
