First Encounter VII

62 4 0
                                    

D.O's POV (@ YongSan station)

Nagulat na lang ako nung bilang pinatay ni Suho-hyung ang tawag. Ilang beses pa akong nakarinig ng pagbahing. May sakit kaya siya o si Kai? Nah.. Imposibleng si Kai yun. Papunta pa nga lang si hyung sa office na pinaghihintayan nito sa mga alaga nito. Eh, sino kaya yun? Ano din kayang nangyari kay Suho at pinutol niya ang tawag?? Kung sakaling may napindot lang yun, tatawag yun ulit. Pero hindi eh... Hmm... Nag-aalala na tuloy ako.

"Argh! He is fine. I'm fine. The world is fine. No need for me to be paranoid."

Nag-umpisa na akong maglakad papunta sa cinema ng YongSan. E-enjoy-in ko na lang ang panunuod ng movie. Sabi ni Luhan-hyung, enjoy the mayo. ^^v

Dire-diretso akong naglakad papunta sa entrance ng cinema. Napangiti agad ako. Hindi ko pa man alam kung anong pelikula ang papanuorin ko, excited na ako!! Ang tagal ko na kayang hindi nakakapanuod ng movie dito. I kinda miss those times.

Nung matapat ako sa ticket machine, namili agad ako ng papanuorin at nung makapili na ko, I instantly clicked on it.

"18,000 won, huh? San naman kaya ako uupo? Mas okay kung sa gitna. Ah oo... Sa gitna nga. Hindi masyadong malapit at hindi masyadong malayo."

In-insert ko ang card ko dun sa machine at maya-maya lang, lumabas na ang ticket at ang card ko. Isang click pa at tumalikod na ako.

"T-teka! Okay na ba yun?"

At dahil hindi ako mapalagay, hinarap ko ulit ang machine at nag-click sa screen.

"Do you really know how to use that?"

Napalingon ako bigla sa may likuran ko. Isang babaeng medyo maliit sa akin ang nakatayo dun. Her arms were crossed at her chest at nakataas pa ang kilay.

"O-oo naman."

"Eh bakit ang tagal-tagal mo dyan? Kung hindi mo yan alam gamitin, pwede naman kitang tulungan. All you have to do is ask."

"Thanks but no, thanks. Marunong naman ako--"

"Marunong ka naman pala eh. Pwedeng pakibilisan?? In case you didn't noticed, may gusto ding bumili ng ticket bukod sayo."

Natahimik ako sa sinabi niyang yun. Pasimple ko siyang tinitigan. Ang taray naman nito. Siya lang naman ang nakapila sa likuran ko at isa pa, parang ilang minuto pa lang ako dito, ah.

"A-ah, sorry. Hindi ko naman--"

"Kung tapos ka na, kindly move aside. Bibili din ako ng ticket, eh."

I step backward and walk past her. Grabe naman yun mambara. Dinaig pa ang mga hyung at dongsaeng ko sa EXO. Napangiti tuloy ako nang maalala ko sila. Hindi bale, makikita ko naman sila pag-uwi ko.

That was when I saw something that made me hold my breath---a photo zone! Lumapit ako sa malaking screen na yun. I want to take a picture!

"Uhh... P-paano ba 'to?"

Lumayo aako nang ilang hakbang at itinaas ang mga kamay ko. Hindi naman nag-capture. Lumayo pa ako lalo at itinaas uli ang mga kamay ko. Wala pa din. Ugh.. -.-" Seriously, how does this thing work?

"Hindi ka ba marunong magbasa, Do Kyungsoo?? This is not available. Meaning, may sira ito at under maintenance."

Nanghihina kong ibinagsak ang kamay ko at lumapit sa itinuro nung babae sa ticket machine, di ba?

"Ugh. What were I'm doing?"

"Pinagmukha mo lang namang ewan ang sarili mo."

I veiled my frown with a straight face and thanked her before turning my back on her. Mahirap na, baka maulit yung nangyari kanina at barahin niya ako.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now