Girl in my Dreams

14 1 0
                                    

*
D.O's POV

I smiled in fascination as I laid my eyes on the lovely and quiet road before me. It was also an empty one for that matter. Perfect.

Alam kong ang OA ko kasi porke nandito ako, eh, tuwang-tuwa na ako. Well, ganun talaga, eh. Bakit ba? Hahaha. Kidding aside, masaya na talaga ako sa ganito. Since we became artists, we missed everything we do as ordinary people, especially strolling around. Yung walang camera'ng nakatutok sayo, yung walang fangirl na lalapit at susunod sayo, yung walang sasaeng na manununggab na lang bigla... Ugh. Those days. Puro pagre-reminisce na lang kami, eh. Nakakalungkot lalo. Kaya nga being here, right at this very moment tapos mag-isa pa ako, everything was really perfect! I felt so free, so lucky, so---

"D.O!"

I then felt a pair of arms embracing me from behind. Agad na bumakas ang pagtataka sa mukha ko. Sino ang lapastangang 'to na inistorbo ang freetime ko? Bakit may payakap-yakap pa? FC, ganun?

Pero bago ko pa maisatinig ang mga tanong kong yun sa isip, humigpit ang pagkakayakap sa akin ng kung sino mang babaeng 'to. Sisitahin ko na dapat siya pero wala namang lumalabas na salita sa akin. Tinangka kong tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin pero pagkadampi ng mga kamay ko dun sa mga kamay niya, nakakapagtakang hinawakan ko pa ang mga yun. Lumakas tuloy ang loob nung babae at hinigpitan pa ang yakap. Why did I even do that, in the first place?

Sa pagkakalapat ng katawan ng babae sa likod ko, I felt different. I didn't feel angry or even irritated. Instead, it felt great. Na para bang ang tagal ko nang hinihintay ang yakap niyang 'to. Weird but I wanted to reach out to her and hug her twice as tight as that of what she was giving me.

"S-sorry," I heard her mutter in between sobs.

That seemed to be the sign for me to do what I wanted. Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinila siya papunta sa harap ko. Nun ko siya niyakap nang mahigpit. I had the urge to kiss her right then and there pero pinigilan ko ang sarili ko. I didn't even understand what exactly was going on tapos gagawin ko pa yun. A hug was enough. A kiss was too much.

"S-sorry, ngayon lang ako," sabi niya sabay sniff.

Kusang kumilos ang mga kamay ko at pumunta sa pisngi niya. I slowly lifted her face and met her gaze. Malabo yung mukha niya but staring straight at her eyes, I sensed that I knew her.

Nginitian ko siya. "Wala yun, okay? Bakit ka ba umiiyak?" natatawa kong puna sa kanya.

Okay. That came out naturally. Ni hindi ko nga naisip ang mga yun, sabihin pa kaya? Tsk. Why do I feel that I have no control of everything, even my own body?

Isang sniff na naman ang narinig ko sa kanya. Awtomatikong nilagay ko ang thumb ko sa ilalim ng mga mata niya at pinahid ang mga luhang nandun.

"A-akala ko kasi, u-umalis ka na, eh. Late na nga ako, tapos wala ka pa dun," paliwanag niya.

"Wala talaga ako dun kasi nandito na ako. I'm waiting for you."

Siya naman ang ngumiti dun sa sinabi, hindi, nasabi ko. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap sa pakiramdam. It was as if my heart was touched with a warm hand.

"And I came."

Siya naman ang humawak ngayon sa pisngi ko. At first I thought hahawakan lang niya yun tulad nung ginagawa ko. Pero nung maramdaman kong bahagya niya akong hinihila palapit sa kanya, naalarma na ako. Hahalikan ba niya ako?

Sa sobrang gulat at taranta, pumikit na lang ako. Napadilat lang ako nang may naramdaman akong kung anong mainit sa pisngi ko. Teka, hinalikan nga niya ako...


Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now