Trainees' Orientation I

62 4 0
                                    

XIUMIN'S POV

Maybe some of you were wondering kung bakit hanggang ngayon, ako pa rin ang nagna-narrate ng kwento. Oh, well. As I've said, nakakaadik ang atensyon so eto uli ako. ^____^v

Anyway, nasa loob kami ng elevator ngayon kasama ang tatlo pang member ng EXO na sina Kai, Tao at Lay. Magkakatabi kasi kami kanina sa upuan kaya kami na ang nagsabay-sabay. Sa pagkakaalam ko, sina Chen, Suho, Baekhyun at D.O ang magkakasama at sina Sehun, Chanyeol, Luhan at Kris naman sa isa.

Mabilis na natapos ang meeting namin with LSM. Could you imagine? Trainors na kami at ng girl counterpart pa ng group namin. Ngayon nga, eh,  kasalukuyan na kaming papunta sa designated room ng bawat isa. Bukod kasi naming imi-meet ang trainee namin. Yes, each one of us had his own trainee. Yung profile nun ang nasa loob ng folder. Medyo pasuspense ulit si LSM kasi walang picture na nakapaloob dun. All I know was her name: Ellie. She was 18 and she can dance, sing and rap. Tama naman yung sinabi ni sonsaengnim na yung trainees ay m-in-atch sa amin based on their skills. I had a feeling na magkakasundo kami.

"Hyung, saang floor ka?" baling sa akin ni Tao na nasa tapat ng mga button.

Muli kong tiningnan yung nakasulat sa isang papel na kasama rin nung folder at tumingin kay Tao. "3rd floor lang."

"Malapit lang pala. Yung sa akin, sa 8th pa." -Lay

"Akin, sa 10th." - Kai

"Mahuhuli pala ako. 15th pa ako, eh." - Tao

I chuckled. "Malayo-layo ka pala kumpara sa amin."

"Kaya nga, hyung." Bigla tumingala si Tao at tumitig sa akin. "Dito ka na pala, hyung."

Bumukas ang elevator. Mabilis akong nagpaalam sa kanila at lumabas na.

"Easy-han mo lang, hyung," Tao joked.

Natawa ako sa sinabing yun ni Tao. "Kayo rin."

I shook my head and walked towards the room assigned to me. Kanina pa kaya nandun yung trainee ko? Hala. I needed to hurry up.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng dance studio, nag-bow agad ako. "Sorry. Kanina ka pa ba?"

Mula sa pagkakayuko, the girl lifted her head and stared at me. "H-hindi naman-- X-Xiumin?"

Dinadaya lang ba ako ng paningin ko o talagang nakikita ko ngayon yung fangirl ko na nakilala ko kahapon?

"U-uhm. A-Anje, right?"

Tumango siya. Nakakatuwa naman. Parang kanina, kakasabi ko lang na may pakiramdam akong magkakasundo kami and voila! Si Anje pala ang ite-train ko.

Agad akong nilapitan ni Anje. "D-don't tell me ikaw ang trainor ko?"

I laughingly shrugged at her. "I think so."

Nginitian niya ako. I smiled back and ruffled her hair. Bigla kong naalala na Ellie pala ang name na nasa folder. Oh, well. Baka Anjellie ang whole name niya. Anyway, I was really glad siya ang trainee ko.

"H-hyung?"

Awtomatikong napalingon ako sa may pinto. Standing there was Chen. Nasa mukha nito ang pagkaguluhan--na lalong naging evident nang binalingan nito SI Anje.

"Ikaw?!" magkasabay na sabi ni Chen at Anje. So, they knew each other. Pero.... paano?

"What are you doing here, Chen?" I asked. Naisip kong pigilan na ang namumuong tensyon sa dalawa. Na syang pinagtakahan ko. Para kasing galit na galit sila sa isa't-isa.

Chen faced me. "I should be the one asking you that, hyung?"

Nun kumunot ang noo ko. "Of course I am here to meet my trainee. Eh, ikaw? Bakit ka napadaan? How did you know I was here?" Sunud-sunod kong tanong.

Umiling ito at parang gulat na gulat pa. "I didn't know. Besides eto ang room na nakasulat dito sa papel.."

He then showed a piece of paper similar to mine. It read: 3, dance studio.

Gulat kong tinitigan si Chen. "H-how come? Eh, yan din yung nakasulat sa'kin eh," I hissed and hastily pulled the paper in my folder. "Look. 3, dance studio."

He gazed at it for a couple of seconds taposay binalingan ako. "Hyung, it must be 5, not 3."

Tinitigan ko yun ng mabuti. Shiz, tama nga si Chen. 5 nga yun, hindi 3. Handwritten kasi yun. Mukhang 3, eh.

I hesitanty looked at Anje. Nakakahiya. For sure, she somehow held on to the thought na ako ang magte-train sa kanya. Hindi talaga sya si Ellie.

"S-sorry, Anje. Nagkamali ako ng basa, eh. And Chen..." I then looked at him. "Ikaw na ang bahala kay Anje."

When Chen nodded as a yes, maybe that was the time I should leave.

"Sige. Una na'ko."

Tinungo ko na ang pinto pero bago ko yun isara, tiningnan ko si Anje. She was frowning; halatang hindi nya nagustuhan ang nangyari. I just gave her a grin nd closed the door. Siguro naman, yung Ellie na ite-train ko, eh, katulad din ni Anje. Sana nga.

Nang makarating ako sa dance studio ng 5th floor, nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siguro magagalit yung trainee ko, di ba? Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob. I was about to utter an apology when I heard a woman's voice. Niluwangan ko ang pagkabukas ko ng pinto.Isang babaeg nakatalikod at palakad-lakad ang nakita ko. That must be Ellie. Papasok na sana ako nang tuluyan nung bigla naman itong nagsalita ulit.

"Hi, trainornim! Please be good to me."

My brows knotted. Uhh...anong meron?

She then grunted. "Hindi. Masyadong pa-cute. Uhm... Ikaw ba magte-train  sa akin? Umayos ka, huh?"

That made me raise an eyebrow. Seryoso, nagpa-practice ba sya ng approach sa akin?

"Ugh. Ang angas ko naman nun. Tss. What would I say?" - Ellie

Umupo pa siya sa sahig sa desperasyon. Magpakita na kaya ako?

I quietly cleared my throat, yung tipong sa sobrang hina, eh, maski ako, hindi ko narinig na ginawa ko yun. "Don't pressure yourself too much, Ellie. Okay na sa akin yung 'Hi.' lang."

That probably brought her senses back. Halata kasing natigilan siya. She literally froze.

"U-uhm. Sorry. Did I frighten you? 'Nga pala, I am your trainor--"

She then turned to face me. It would be an understatement kung sasabihin kong nagulat ako. I was terrified upon seeing Ellie's face. Were my eyes tricking me? No. It couldn't be.

"IKAW?!" magkasabay pa naming sabi.

Well, she was none other that the girl who snatched my very precious baozi. Oo, siya mismo. Yung baozi snatcher na yun.

She shakingly pointed a finger to me. "I-ikaw ang magte-train sa akin?! How  come?"

Huminga muna ako nang malalim bago siya sagutin. Kung makapag-react naman kasi siya, parang siya lang ang may ayaw sa mga nangyayari.

"LSM assigned us to. We have no choice but to follow him."

I swore I saw her lip twitch. Aba, hindi lang siya ang may karapatang mag-express ng pagkainis niya, nu.

Tinitigan niya ako nang masama. "Magpapapalit ako--"

"That is kung pwede," putol ko sa sasabihin niya. "Why don't you just accept it? Tingin mo ba, ikaw lang ang may ayaw?"

Wala siyang sinabi. Instead, she kept on staring-- no glaring-- at me.

Then, something popped in my mind. "Don't worry. Babantayan ko nang mabuti ang mga baozi ko para hindi ka na ma-tempt kunin yun, okay?" I then smirked at her.

Nanlaki ang mga mata niya sa inis. I fought the urge to laugh. Wow! I think magugustuhan ko ang mga mangyayari. I couldn't wait to start the training para makita ko pa ang itsura ni Ellie kapag naiinis, naiirita, naaasar at nagagalit. Knowing that those were because of me. Priceless.

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon