That Should be me

8 1 0
                                    


*

LAY's POV

Yeah. That's what makes you special...

That's what makes you special...

Special...

Special...

I automatically smiled as I recalled what I said to Jessie a while ago. I actually didn't know what got into my head when those words went out of my mouth. Nadala lang siguro kasi ako ng eksena namin. Nahuli ko kasi siyang titig na titig sa akin. Her intent stare got me so distracted, making me forget all about my music.

Ganung-ganun din kasi kami rati ni Zhaoxi. I would sing and play a song for her and she would just look at me and smile. Napangiti ako sa naalala kong yun. Maybe that was why I acted so lovingly with Jessie a while ago. Hindi naman pwedeng si Jessie mismo ang dahilan nun. Naalala ko lang si Zhaoxi sa kanya. She looked like her, acted like her and talked like her.

Yes, that had to be it. And speaking of her... Namimiss ko na si Zhaoxi ko!

"Lay."

Nakangiting mukha ni Suho-hyung ang nakita kong nakasilip sa medyo bukas ng pinto ng kwarto ko. "Suho-ssi! May kelangan ka?" tanong ko rito pagkalapit sa kanya. Nun ko napansing kasama pala niya si D.O. Nginitian ko ito.

"Maggo-grocery kami ni Soo. Sama ka?" alok ni hyung.

My eyes shone. "Sige ba! Wait lang." Agad akong kumuha ng coat mula sa closet ko at lumapit sa kanila. "Tara!"

Pagkababa namin, nagtaka ako kasi ang tahimik. Konti lang ang tao sa salas at kapwa may sari-sariling mundo. Napakibit-balikat na lang ako at sumunod kina hyung.

"Jessie!"

My ears perked up with the sound of my trainee's name. Na-recognize ko rin ang boses na yun: si Chen Chen. Hindi na ako nagtaka. The two was inseparable the past few days. Mukhang sobrang close na nga nila since naging trainor ni Jessie si Chen.

"Kung mamasyal tayo, sasama ka ba?" -Chen

Mamamasyal? Ako at si Jessie, mamasyal sa amusement park? Parang... Parang ang saya nun! The idea got me so excited kaya patakbo akong pumunta sa kusina kung saan nanggaling yung boses ni Chen.

"Naku. Tinatanong pa ba yan, Jongdae! Syem---"

"J-Jessie!" medyo hingal kong tawag sa kanya.

Natigilan si Jessie at gulat na napatingin sa akin. Chen was really there pero bakit nung dumating ako, parang sumimangot 'to? Ah, hindi. Guniguni lang yun. Tama.

Jessie's cheeks turned into a light shade of pink. Ganito rin siya kanina nung hinawakan ko ang kamay niya. At kung hindi ako nagkakamali, I think yun mismo ang nasa isip niya ngayon.

"Yixing-ah! B-bakit?" tanong ni Jessie.

Napakamot ako ng batok at ngumiti sa kanya. "A-ah, kasi... M-may nakalimutan akong sabihin sayo kanina. Eh, b-baka makalimutan ko ulit kapag mamaya ko pa sinabi. Uhm, yayayain sana kitang mamasyal bukas. T-that is, k-kung free ka. O-okay lang kung hindi."

But it would be great kung papayag ka.

"I-I would love to, Yixing-ah!" -Jessie

Hindi ko na napigilang ngumiti nun. "S-sige! Uhm, alis na ako, huh? B-baka hinihintay na ako nina hyung."

When she nodded, umalis na rin ako at sumunod kina hyung na naghihintay na sa akin sa may gate. They both had that worried look on their faces.

"Akala namin, nakalimutan mo na'ng sasama ka sa amin, hyung." -D.O

The image of Jessie smiling crossed my mind. Lumawak tuloy yung ngiti ko. "Muntik na."

*
CHEN's POV

I gritted my teeth in irritation. Kahit anong iwas ang gawin ko, pilit na sumisiksik sa utak ko yung malaking ngiti ni Cheska habang sinasabi niyang pumayag na siyang sumamang mamasyal kay Lay-hyung bukas. Eh, aish lang. I asked her first, di ba? Hadn't hyung showed up, I would be the one she'll spend the whole day tomorrow with. Handa na kaya lahat! I also made an itinerary for us. Ni-ready ko na rin ang wallet ko at para sure sa gastos namin bukas, binabalak kong hiramin ang black card ni Suho-hyung. Pati susuotin ko, ayos na rin.

Mapait akong napangiti. Those preparations were all wastes of time. Lay-hyung came and I was suddenly out of the picture. Ako ng bestfriend, di ba? Cheska must prioritize me. Unahin ba naman ang date niya sa bias niya kesa sa magiging lakad pa lang sana niya kasama ang bestfriend niya? Nakakapagtampo nang sobra. Promise!

"A-ah, kasi... M-may nakalimutan akong sabihin sayo kanina. Eh, b-baka makalimutan ko ulit kapag mamaya ko pa sinabi.

Those were hyung's exact words a while ago. If that was a normal situation, kinantiyawan ko na sana siya kasi napakamaliLAYmutin niya pero hindi, eh. Kaya nga nakasimagot lang ako hanggang matapos silang mag-moment ng bias niya. Nawala na rin ako sa mood nun so I didn't bother telling her my plan. Hindi na rin naman matutuloy. Sayang lang.

Kinuha ko na lang ang teddy bear ko at niyakap yun. Since wala si Min-hyung dahil tinangay na naman ang trainee kong si Anje, dito na lang ako sa kwarto at magmumukmok. Si Cheska? Ayun, tumakbo agad ng kwarto niya pagkaalis ni Lay-hyung para maghanda ng isusuot niya. Tss.

Hinarap ko yung teddy bear sa akin at nag-pout. "Ang swerte ni hyung sa fangirl niya, nu? Sana may ganun din akong fan. Dapat kasi ako na lang yung bias niya. Gwapo rin naman ako. Maganda rin naman ang boses ko. Yung pagsasayaw ko---"

Natigilan ako dun. Yun ba yung dahilan at fangirl siya ni hyung?

"Tina-try ko naman yung best kong sumayaw, di ba? Di ba?"

Tss. Bakit ko ba kinakausap si TB? Short yan for teddy bear, okay? Yun nga. Bakit ko ba siya kinakausap? As if naman sasagot siya. Haay, Jongdae.

"P-pero sana... Sana nakalimutan na lang talaga ni hyung yun, nu, TB? Hah. Selfish ko ba? Sige, binabawi ko na yun. Wag mo akong isumbong, TB, huh?"

Niyakap ko na lang ulit si TB at pumikit. Itutulog ko na lang 'to.

After two seconds...

Dumilat ulit ako at bumuntong-hininga. "P-pero... Sana nga, nakalimutan na lang talaga yun ni hyung. Ako sana yung excited ngayon. Tss. Siguraduhin lang ni hyung na mag-e-enjoy si Cheska kundi... Haay. Tulog na nga, Kim Jongdae!!!"

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now