Kiss Heals

9 1 0
                                    


*
CHEN'S POV

"Guys!"

Napaangat ang tingin ko mula sa phone ko nang marinig ang boses ni Umin-hyung. Hinihintay ko kasi yung reply ni Cheska. Kanina pa kami magkatext, actually. Pupuntahan ko nga sana siya sa beach kaso ayaw niya. She wanted to be alone so hinayaan ko na lang. She promised to make kwento naman when she comes home, eh. Haha. Conyo pa.

Napansin kong tumigil ang lahat sa ginagawa nila at gulat na tumingin kay hyung. Paano ba naman? Tumuntong siya sa center table sa living room para kunin ang atensyon naming lahat. Worth it naman dahil lahat kami, nakatingin sa kanya ngayon. Teka. Kelan pa naging attention seeker si hyung?!

Tumikhim siya at ngumiti. "I actually wanted to say this since last night but I didn't have the chance. Pero dahil umuwi na naman sina V at Suga, ngayon ko na---"

"Hyung, ano ba kasi yun?" singit ni Chanyeol. Nainip na siguro sa haba ng introduction ni hyung. Dami pa kasing sinasabi, eh. Hahahaha.

He laughed. "Sige, sige." Huminga siya nang malalim at muling ngumiti.

I nervously licked my lips. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan yung sasabihin ni hyung.

"XiuAn is real! We're finally official," masayang anunsyo ni Umin-hyung with matching talon pa at ngayon ay nakababa na mula sa mesa.

"WHAT?! XIUHAN?!" -Luhan

"Landi nitong usa'ng 'to. XiuAn, hindi XiuHan! Hindi na nahiya sa akin, eh." -Xhelle

"Haha! Sorry na, kabibe." -Luhan

Hindi ko na inintindi ang landian ng LuXhelle at nanlalaki ang mga matang tumingin kay hyung. My jaw literally dropped when those words finally sunk in my head. XiuAn? Xiumin at Anje? Sila na? Kelan pa? A-akala ko ba... Akala ko ba ako yung... y-yung mahal ni Anje?

Para akong nabato sa kinauupuan ko habang yung iba sa amin, lumalapit na sa dalawang taong ngiting-ngiti ngayon. The whole living room was filled with nonstop congratulations and wishes. Lahat sila, nakangiti at masaya pero ako, nanunuod lang sa kanila.

It wasn't that I am not happy for them pero kasi... yung love letter ni Anje. Why would she give me one if it was Umin-hyung that she loves? Hindi ko maintindihan, eh. Ano bang gustong mangyari ni Anje? The first thing, she confessed to me. The next thing I knew, she was dating hyung. Napailing na lang ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Without second thinking, tumayo ako at lumapit kay Anje. Wala na yung mga nakapalibot sa kanya at lumipat kay Umin-hyung. She was all smiles pero nung nakita niya siguro yung seryosong mukha ko, her smile faded. Napansin ko ring napalunok siya. Was she afraid?

I gave her a smile, a forced one for that matter. "Congrats, Anje! Kayo na pala ni hyung."

Alanganing ngumiti si Anje. Her eyes shone in delight pero parang lalo lang akong naasar dun.

"Oo, Chen. Kagabi---"

"So anong ibig sabihin nung love letter na binigay mo sa akin?" tanong ko habang blangko ang expression ko sa mukha.

Nanlaki yung mata niya. "C-Chen, nag---"

"Oh, well. Don't bother explaining. Wala naman akong pakialam," I said, dismissing her. "I don't know what your plans are in doing this, Anje, but I am glad I didn't give in. Congrats na lang sa inyo ni hyung."

I didn't let her talk and immediately walked out. Dire-diretso lang ako palabas ng bahay and since they were all busy with the new couple, walang nakapansin sa akin. Good thing, actually. Baka kasi may magtanong pa.

Once Upon a Time in South KoreaМесто, где живут истории. Откройте их для себя