He Lied

11 1 0
                                    

*
SEHUN'S POV

"Oh, Sehun!" -Jrace

"Whole name talaga, noona?" Natawa naman ako sa sinabi niya at saka pumasok sa loob ng kwarto namin ni Suho-hyung. In his bed, I found hyung sleeping. Buti at hinayaan niyang alagaan siya ni Noona. He needed to get well. Hindi man halata pero nag-aalala talaga ako kay Gramps. He was still my loving hyung who spoils me a lot. Nakakabakla man, mahal ko yan.

"Noona?" natatawang sambit niya sabay kuha ng tray mula sa akin kung nasaan ang pagkain at gamot ni hyung. May fruits din yung kasama at gatas para healthy at bumilis ang paggaling ni hyung nang maibili na niya ako ng bubble tea. Inilapag niya yun sa bedside table at humarap sa akin.

Napahawak naman ako sa batok ko sa hiya. "U-uhm, bawal ba kitang tawaging noona?" alanganin kong tanong.

"Hindi naman pero... mas matanda ka sa akin, Sehun, I mean, oppa. 95-liner lang ako pero ako pinakamatanda sa amin," she explained.

Hindi ko namalayang napa-pout ako sa sinabi niya. It may look like I don't care pero habang tumatagal, kahit labag sa loob ko, I was getting used to them until I felt something inside my chest when the girls weren't around. Parang may kulang at kahit napakaingay na ng mga hyung ko, parang ang tahimik. The exact reason why I followed them yesterday.

My train of thoughts were interrupted by a light tap on my head. Napaangat ako ng tingin and saw her smile at me.

"But if you insist, pwede naman. Hahaha."

Ngumiti ako pero mabilis lang para hindi niya makita. Nakakahiya pa rin sa kanya na makita ang ganitong side ko. Afterall, I still think of them as strangers. Oo, sanay na ako sa kanila pero may kung ano sa akin na pumipigil na magtiwala sa kanila. Remember our plan? Alam ko namang parte ng plano namin ang ginagawa nila Lulu at Baek-hyung kina Xhelle at Julie. I mean, push na push sila rito tapos sila pa yung hindi susunod at magba-backout. Di ba? Besides, si Chen-hyung nga ay busy sa pakikipag-friends sa kanila lalo na dun kay Jessie. Binigyan pa nga niya ng nickname. Hahaha. Galing nga ni hyung. Hindi halata na may plano kami.

Wait. Speaking of Jessie, nasaan nga pala yun? Kanina pa yun wala. Maski yung iba, walang ideya kung nasaan yun. Let me clarify things. Hindi ako nag-aalala, okay? Concerned lang ako kasi mag-isa lang siya at---Okay, fine. Nag-aalala na ako. Mahanap nga yun nang may magawa ako.

-

"Alam kong naiilang ka pa rin dahil sa nangyari kahapon pero seryoso ako sa mga sinabi ko, Lizzie. Gusto kita."

My ears perked up with the sound of that princess' name. Lumalim ang kunot ng noo ko nung nag-sink in sa akin kung kaninong boses yun. Paanong hindi ko makilala yung boses na yun, eh, kahapon ko lang yun huling narinig? Idagdag pa na inis na inis ako rito? Sino pa ba, edi yung feeling sweet na gilagid na si Suga? Ano bang ginagawa nito sa teritoryo ko?!

"Shiz! Ampangit."

Huminga pa nang malalim si Aso---short for asukal---at nagsalita na naman. Makapag-spray nga mamaya ng disinfectant. Nahaluan ng hininga niya yung hangin, eh.

"I-I... I is knowing you is awkwarding to me because of happened yesterday but myself is serious to my said, Lizzie. I likes you."

Impit akong natawa sa parang Google translate niyang english. Like seriously? Yun ang sasabihin niya kay Princess? Baka mabasted siya nang wala sa oras. Hahaha. Kawawa siya kapag ganun.

Habang busy pa si Aso sa pagsabunot sa buhok niya dahil sa frustration, nagpalinga-linga naman ako sa buong salas, hoping to find that thing. Buti at walang tao. I wonder where those peasants went? Mga walang pasabi. Tsk.

"Hey, peasant!" sigaw ko rito na nagpalingon sa kanya sa akin.

He had this shocked expression on his face, eh, ano bang kataka-taka na nandito ako? Ako nga dapat ang magulat, eh. Pero nawala yun nang ihagis ko sa kanya ang kaninang hinahanap ko.

"Oh Sehun! Ano ito?" tanong niya sa akin with a puzzled look.

What was with people and they kept on calling me with my full name? I rolled my eyes and stared boringly at him. "Dictionary. Duh!"

"A-anong gagawin ko rito?"

"Try to eat it. Maybe that could help you with your, uhm, English," sabi ko sabay chuckle.

Mabagal akong naglakad papunta sa kanya at dun mas naging evident ang expression ng mukha niya. He was glaring at me. I smirked.

"Aw, sorry. Hindi ka nga pala masyadong nakakaintindi ng English. Ita-translate ko ba yung mga sinabi ko para maintindihan mo?"

I knew I sound so sassy right now but what could you expect from a brat like me? I wanted to show this Suga guy na mali siya ng taong binangga.

I saw his jaw clench. Nagtaas lang ako ng kilay. He was pissed off. So was I.

"Sa pagkakatanda ko, mas matanda pa rin ako sayo, Sehun." Ibinaba na niya ang dictionary na binato ko kanina sa kanya sa inupuan niyang silya at tumayo. "Kung magsalita ka, parang hyung kita, ah."

"At sinong may sabing kino-consider kitang hyung?" I crossed my arms on my chest and met his fiery stare.

Hinawakan niya ang batok niya sabay tingin sa akin. "Ano bang problema mo sa akin, Sehun?"

"Wala. Mukha bang meron? Tinutulungan pa nga kita sa pag-i-english, eh. You know, I mean, alam mo hindi ka pwedeng makipag-usap nang ganyan kay Lizzie. Nakakahiya." Umiling-iling pa ako.

"May galit ka ba sa akin kaya ka ganyan?! Inano ba kita?"

I gave him my signature cold stare and spoke. "You are aiming at my possession, Min Yoongi. That is the problem."

Ang kapal ng mukha at nag-chuckle pa. Konti na lang, maihahampas ko na ang dictionary sa mukha niya. Kasing kapal niya, eh.

"What made you say Lizzie is your possession? She isn't even yours to start with."

I wasn't surprised with the ice-cold voice I heard from him. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba mahina siya sa English? What happened? Nagsisinungaling ba siya kay Princess?!

"Surprised, eh? To tell you what, I speak in English as fluent as you. Maybe a lot more fluent. It just happened that I am too shy to even speak to her like that. Satisfied with my explanation? Huh, brat?"

It was now his turn to smirk samantalang ako ay inis na inis na. "Still, you lied. Lizzie doesn't deserve a liar like you."

"You are a liar yourself, Sehun. Pretending not to care and notice when in fact, your eyes always bear to Lizzie alone."

Natameme ako dun. How dare he speak as if he knew everything?! Kainis!

"Shut up! Lizzie is mine so back off."

Natigilan ako sa sinabi kong yun pero hindi ko ipinahalata. Those words came out unexpectedly na maging ako ay nagulat.

Umiling naman siya. "Just like what I said, she isn't yours, Sehun. We're both her biases but you get to be with her a lot. An advantage for you but with that attitude of yours, I don't think I should be threatened."

Bigla niya akong tinalikuran at naglakad papasok ng bahay. I just stared at him as if I was throwing daggers towards his back. Nakakainis.

"Wait, I forgot to say this," wika niya sabay harap uli sa akin. "I think it's safe to say that Lizzie will be mine, Sehun. Thank you for the talk. It is an honor to be your rival. May the best man win."

Muli itong tumalikod at pumunta sa may kusina. I was left standing outside the door, feeling beyond annoyed. I was furious. Subukan lang talaga niya. Nakalimutan ba niyang brat ako? I get everything that I want by any means possible.

And when I say Lizzie is mine, I was dead serious about it.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now