First Encounter IX

43 4 0
                                    

BAEKHYUN'S POV

"Oh, shoot!! Nasaan si Tao?" narinig kong sabi ni Chanyeol. Nakaramdam agad ako ng panic. Kung sino pa ang first time na pumunta dito, yun pa ang nawala!

Kasalukuyan kaming nasa Hongdae kasama sina Chanyeol, Tao, Kris, Sehun at syempre, ako!

Binalingan ko si Kris. "Hyung, where's Tao?"

Worried ako nitong tinitigan at nagkibit balikat. "E-ewan ko. Akala ko--"

"Baka naiwan siya dun sa shop. Alam ninyo naman yung si Tao. Pag na-engrossed sa isang bagay, nakakalimot na."

Npatingin ako sa sumingit na yun-- si Sehun. What he said made me snap.

"Tama, Sehun! He could be there!"

Pagkasabi ko nun, naglakad agad ako para bumalik dun sa shop pero napatigil ako nang tawagin ako ni Chanyeol.

"Bakit?"

"Why don't we go there together kesa sa ikaw lang ang pupunta? Baka pati ikaw, mawala." - Chanyeol

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat... "Yeol, okay na yung ako na lang ang babalik dun para hindi tayo magkasalisihan, di ba?" I said, giving the four of them a smile.

Natahimik sila at nagkatinginan lang... "I guess that was a yes." sabi ko at saka tumalikod para balikan si Tao.

Yung batang yung talaga! No wonder madali siyang maligaw. Makakita lang kasi siya ng kahit anong magustuhan niya, mahirap para sa kanyang balewalain yun. Most of the time eh, halos lahat ng bagay, nakakuha ng atensyon niya.

"Nasn ka nang panda ka??"

Ipinasok ko sa bulsa ng coat ko ang mga kamay ko dahil sa lamig. Nakapa ko dun ang phone ko =.=

"Of course I can call him." naka-face palm kong bulong. Why haven't I think about calling him?? Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Tumigil ako sa paglalakad at nag-dial sa phone ko... Sagutin mo naman sana Tao... We were all worried. Baka sa sobrang pag-aalala, masipa ko siya. Lalo na siguro kapag nalaman ito ng iba, particularly, ni Suho. Lagot yung si Tao.

1... 2... 3... 4... 5 attemps. Still, wala pa din. Ano bang nangyari dun kay Tao???

Nag-umpisa na uli maglakad. Pabilis nang pabilis hanggang sa naging takbo na. Medyo malayo na din kasi kami sa shop nung mapansin naming hindi pala namin kasama si Tao.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang akong natumba at ngayon eh, halos nakahiga na ako sa malamig na semento.

Ano bang nangyari? Ang sakit ng balakang ko. Yun kasi ang unang bumagsak.

Inikot ko ng tingin ang paligid ko pero nahinto ito sa isang babaeng humahangos papunta sa direksyon ko. Why was she in a hurry? Nakatingin pa din ako sa kanya nang lampasan niya ako.

"Y-yung skateboard ko!!"

Yun ang narinig kong sabi niya nug napadaan siya sa akin. So she was worried about a skateboard?? Great. Akala ko kung ano na. Naramdaman ko ulit ang kirot sa balakang ko. Hinimas ko ulit ito at sinundan ng tingin ang babae. Palapit siya sa isang nakataob na skateboard. Nasa tabi ito ng isang drum sa gilid ng restaurant. Kung anuman ang sumunod pa niyang ginawa eh, wala na ako dun. After all, ang paghahanap kay Tao ang pakay ko dito at hindi ang panuorin siya. Kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada at nag-focus kay Tao. Baka mamaya niyan, magkasalisihan pa kami.

"A-ah, teka!"

Kasunod ng pagsigaw na yun ay ang isang mariing paghawak sa braso ko. Paglingon ko nakatayo na sa tabi ko ang babae kanina. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now