Something in Common IV

61 4 0
                                    

LUHAN's POV

Dahan-dahan akong lumabas ng pinto. Pati pagsara nun, ganun din. Maski paghinga ko, wag lang mapansin nila D.O at Kai na lumabas ako ng dressing room. Mahigpit kasing bilin ni Suho na wag akong umalis dahil nga walang makakasama yung dalawa. Eh, what can I do? Gutom na gutom na ako. I never dreamt of dying because of starve, okay? Kaya kakain muna ako. Saglit lang naman yun. Baka di pa nga mapansin nung dalawa na umalis pala ako. Parehong mga busy sa phone, eh. Nasaan ba kasi yung iba?

I was a couple of meters away from the dressing room when I heard a familiar tone. Kinuha ko agad ang phone ko at tiningnan yun.

From: Suho

Is everything alright there? Bumalik na ba yung iba?

I knew it. Medyo paranoid talaga 'tong si Suho. Ma-reply-an na nga at baka sumugod yun dito sa pag-aalala at pag-iisip.

Matapos mag-reply, ibinulsa ko na ang phone ko at nag-umpisang maglakad papuntang cafeteria. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong mapatigil. My eyes narrowed into slits as I intently looked at the girl walking towards my direction. That proud glint in her eyes instantly reminded me who she is.

Wait... Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Ah, Xhelle. What is she doing here? Pati ba naman dito, makikita ko siya? Tss. Why do I have to cross paths with her again?

Revenge...

I smirked. Oo nga naman. Nagpaplano nga pala kaming gumanti sa mga nang-inis sa amin. Wow! Things were going the way we wanted to.

Nun naman siya napatingin sa gawi ko. I saw recognition passed her eyes. For a second, she stood still pero maya-maya, bigla siyang tumalikod.

I cocked an eyebrow. Makaiwas naman 'tong babaeng 'to. Nabasa siguro yung nasa utak ko na revenge. Bwahahahaha!

"S-sorry po! Sorry. Sorry po talaga."

Ibinalik ko ang tingin ko kay Xhelle. Her back was now facing me habang paulit-ulit siyang nagba-bow sa nakabangga niya.

"Yan kasi. May paiwas-iwas ka pang nalalaman. Nakabangga ka pa tu--"

Naputol ang sasabihin ko nung unti-unti kong nakilala yung nakabangga niya. I seriously had goosebumps. Eh, who wouldn't feel this way kung katulad ni Miss Jung ang makikita mo?

Bukod kay LSM, si Miss Jung ang isa mo pang dapat katakutan. She was the typical old maid: masungit, strict at palaging mainit ang ulo. Yung tipong araw-araw 'to may period to think na menopause na dapat 'to. Maski sino, ilag dito and proud to say, I was one of them.

"You careless b-- Do you know who you bump into?"

Miss Jung's eyes seemed to spit fire. At kahit hindi ako ang sinasabihan nun, hindi ko pa rin maiwasang matakot at kabahan. Literal kasi na nag-eemit ito ng dark aura.

"Sorry po." Nag-bow uli si Xhelle.

Tsk. If I were her, hindi na ako sasagot. Grabe talaga ang lakas ng loob niya. Hindi man lang siya nangingiming sumagot kay Miss Jung.

"Hindi ko naman po sina--" pagpapatuloy niya pero naputol din ng dahil nagsalita agad si Miss Jung.

"I was asking you kung kilala mo ako. I don't remember myself asking for your explanation," sabi ni Miss Jung habang nakapameywang.

I didn't know why pero natawa ako nang mapatingin ako sa reaksyon ni Xhelle. Maybe in the way she opened then closed her mouth. Or in the way her face flushed in embarrassment. In either way, nakakatawa pa rin siya. Imagine, yung babaeng kasing taray niya, napapatiklop din pala at ni Miss Jung pa. Eto na ba ang revenge na sinasabi ko. Grabe, ang bilis naman. Hindi man lang ako na-inform pero okay lang. At least now, we're even.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now