The Much Awaited Date

11 0 0
                                    

*
HYEONSU'S POV

Wow. Just wow. Sinong mag-aakala na magkakaroon pala ako ng ganitong exposure sa kwentong ito to the extent na may sarili pa akong POV? Astig! May abs kasi ako. Hahaha---

"Sir, excuse me po. Tapos na po ba kayong kausapin ang sarili ninyo? Kanina pa po kami nakatayo rito, aba!"

Base sa tono ng boses at sa lakas ng pagkakabatok sa akin, mukhang alam ko na kung sino ang nagsalita. Napangiti ako at tumingala.

"Grace! Omoo~ Pati ikaw, Xhelle! Annah! Ellie! Lizzie! Julie! Na-miss ko kayoooo---"

"Kailangang i-mention kami lahat?" pataray na sabi ni Annah.

I laughed. "Syempre. Special kayo, eh. Ulo kayo!"

"Buti naman at nag-alok ka. Masakit na ang mga pala namin kakatakbo para lang makapunta rito on time!" Grace ranted.

Si Jrace yan. Grace lang tawag ko sa kanya kasi sabi niya dati, naiinis siya kapag Grace angvtawag sa kanya imbes na Jrace. Pang-asar ko sa kanya yun hanggang sa nagtagal, nasanay na ako at siya rin.

Choreographer ako sa SMEnt. for almost five years na. Lampas one year na ako dun nung i-assign ako ni LSM na i-train ang mga bagong trainee niya. Since medyo bago pa lang ako nun, tuwang-tuwa ako sa break na yun lalo na nung nalaman kong pupunta pa ako ng ibang bansa para dun. At yung bansang yun ay ang Pilipinas at ang mga ite-train ko, obviously ay sina Grace.

Yan. Alam ninyo na siguro kung paano ko nakilala at naka-close sina Grace, nu? Now, balik tayo sa story.

Dahil sa pagra-rant na yun ni Grace, pinisil ko yung ilong niya at bilang ganti, hinampas naman niya ang braso ko. Ahihi. Ang sweet talaga ni Grace.

Oo na. Crush ko yang babaeng yan. Kahit na napaka-harsh at brutal niya, gusto ko siya. Three years na 'to, eh. Simula pa nung i-train ko sila pero malinaw naman sa akin kung ano lang ako sa kanya. Bestfriend. </3

Pero okay lang yun sa akin. Basta masaya si Grace. At kung ang magpapasaya sa kanya ay si Taetae, edi go. Hahaha. Madali lang namang kausap yung alien na yun. Pinsan ko kaya yun.

Oh, nagulat kayo, nu? Totoo yun. Promise. Kim Hyeonsu name ko at Kim Taehyung naman yung si V. Hyung niya ako at close naman kami kaya hindi ako nahirapan sa date na ito. Hoho.

Speaking of that alien, naiinip na kaya yun? Hindi siguro. Wala yata sa vocabulary niya yung inip, eh. Hahaha.

"Okay, girls. Ready na ba kayo? Tara na."

*
3RD PERSON'S POV

Iginiya ni Hyeonsu ang anim sa isang private room pero habang papunta dun...

"Alis na tayo dun? Baka biglang lumabas si Yesung! Gusto ko siyang nakita." -Lizzie

"Liz, hindi pa tayo aalis. Ano ka ba? Pupuntahan natin si V." -Julie

"Kinikilig na agad ako! Waaahhh!" -Xhelle

"Daig mo pa si Jrace, ah. Hahaha. Isusumbong kita kay Luhan!" -Annah

"Hahaha! Oo nga, Xhelle! Teka. Si V lang kay nandun? Sana lahat sila. Ow em, Park Jemeeeeen~" -Ellie

"Bulong pa more. Rinig naman kayo hanggang dito." -Jrace

Magkatabi lang kasi si Jrace a Hyeonsu na siyang mga nangungunang maglakad. Nakaramdam naman ng niya yung apat. Kahit naman makapal ang mukha nila ay may manners naman sila kapag nasa public places. Isa pa, tiklop sila kay Leader Jrace.

"Tadaaa~" sigaw ni Hyeonsu matapos buksan ang pintong hinintuan nila. Napa-facepalm naman ang lima. Nakakahiya talagang kasama si Hyeonsu.

Naunang pumasok si Jrace sunod yung apat na kapit-bisig na dahil sa hindi makontrol na feels at sa huli ay si Hyeonsu. Nangunot ang noo ni Jrace. Wala namang tao sa loob. Tanging mga silya at isang mesang may konting sira lang ang nandun. Tama ba ang napuntahan nila o isa lang malaking JONGDAE ang lahat? Parang gusto tuloy manapak ni Jrace ng choreographer na may abs.

"Nasaan si V?" -Ellie

"Bwisit ka talaga, Hyeonsu! Pinagtitripan mo yata ako!" -Jrace

"H-hindi, Grace! Pagdating sayo, seryoso ako. Mahal kita, eh! Aish, nasaan ba yung alien na yun?" -Hyeonsu

Akmang susuntukin na ni Jrace si Hyeonsu nang may kumulbit sa kanya. Nang lingunin niya yun ay awtomatikong lumuwang ang hawak niya sa kawawang si Hyeonsu at tuluyan na itong binitawan.

"Hiiiii~! Ikaw ba si Jrace?"

Wala sa sailing tumango si jrjrace at tulalang nakatitig sa kausap niyang ngiting-ngiti.

"Ako naman si V, Taehyung for short," sabay offer ng kamay.

Tulala pa ring tinanggap yun ni Jrace. Turn naman ng apat na matulala nang walang ano-ano, may lumitaw na lima pang lalaki sa likuran ni V.

"Nakakahiya ka. Baliktad yung sabi mo," sita ni Namjoon aka Rap Monster kay V pagkatapos itong batukan.

Napabitaw naman sa handshake si V at nagkamot ng ulo. "Sareeh, okay? Sareeh. Tss. Hyung naman, eh. Binatukan pa ako. Nakakahiya."

"Ikaw ang nakakahiya. Tss." Bumaling na sa limang babae si Rap Mon. "Hi. Pagpasensyahan ninyo na si V. Alien, eh. Rap Mon pala."

"Kilala na namin kayo," pabebeng sabi ni Annah.

"Ganun pala. Edi, upo na tayo at kumain na! Kanina pa ako gu---"

Bago pa man matapos ni Hoseok aka JHope ang sinasabi niya ay tinakpan na ni Seokjin aka Jin ang bibig niya. Tahimik namang napatawa ang limang pabebe.

"A-ang ibig niyang sabihin, umupo na tayo para mas makapag-usap tayo nang maayos. Hehe." -Jin

"Nakakahiya ka talaga, JHorse-hyung. Tsk. Tsk. Tsk." -Jimin

"Since busy na kayo at wala na kayong paki sa akin, aalis na ako. Grace, balitaan mo ako, huh? Bye. Love you!" -Hyeonsu

Nang magsara ang pinto ay lumapit na silang lahat sa mesa (Buti na lang at konti lang ang sira.) at umupo. Bukod syempre ang may tunay na date, ang VRace. Naks, may OTP name agad. Si Lizzie naman, kahit na masaya sa nangyayari ay nakukulangan pa rin. Hindi kasi kumpleto ang BTS. Kulang ng swaeg.

Nun naman pabalyang bumukas ang pinto at lumabas ang isang pagong. Nanlaki ang mata ni Lizzie. This is it is it is it! Ang gilagid na puno ng swaeg, Yoongi aka Suga. Pwede ring Pats.

Nakatungo ito at inaayos ang damit nito. "Swaeg, mga panget! Panis ba almusal natin kanina, Jin-hyung? Sakit ng tiyan ko, eh."

At dun nito inangat ang ulo nito. Yung singkit nitong mata ay lumaki at isa-isa silang tiningnan. Mas matagal nga lang nitong tinitigan ang pulang-pula at gulat na si Lizzie.

"Lizzie?"

At dahil dun, may instant date na naganap.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now