Déjà Vu

12 1 0
                                    

*
D.O'S POV

I closed my eyes and bit my lip as I ran my fingers through my hair. Nawalan na ako ng pakialam maski pa nasa public place ako at natanggal na ang hood ng jacket ko sa ulo ko. Malaki ang tendency na may makakilala sa akin pero wala yun sa concern ko ngayon. What bothers me a lot was that girl. That Loi.

I admit, sinadya ko ang pagkakadapa niya kanina. Hinarang ko ang paa ko pagkadaan niya sa tapat ko nung pumunta siya ng kusina para uminom ng tubig. I didn't know what got into my mind to do that. Ang tanging alam ko lang at ayaw ko siyang umalis. Simula kasi kahapon nung gisingin niya ako for lunch ay hindi pa kami nakakapag-usap nang matino. I talk, she nods. I ask, she answers as brief as possible. At alam ko ang dahilan. It was because of Xhelle. Again.

I won't deny the fact that it was Xhelle that I like, not only as a trainee but also as a girl. Hindi ko naman maiwasang isipin na nagseselos dun si Loi. Siya ang trainee ko pero laging si Xhelle ang bukambibig ko. May point ako dun, di ba?

Na-guilty ako sa mga nagawa at nasabi ko, actually. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako ka-unfair kay Loi. Yun ang mismong rason ng pagpatid ko sa kanya kanina. Gusto ko kasing bumawi. Medyo hard nga lang yung paraan ko. Hehe.

Kaso... Paano ako babawi sa kanya kung hindi ko siya mahagilap? Tss. Kanina lang, kasama ko siya (na para ring hindi). Paano, kinakausap ko siya pero parang wala siyang naririnig. Tapos paglingon ko sa tabi ko, wala na pala akong kasama. Kaya ngayon, hinahanap ko siya kahit wala akong kaide-ideya kung nasaan siya. Paano ako babawi sa kanya kung wala naman siya?!

Sa panic ko, tinanggal ko na pati ang face mask ko at luminga-linga sa paligid. Kinakabahan na ako! Paano kung napahiwalay pala si Loi sa akin kanina? Alam kong first time niya lang pumunta dito. Hindi kaya naliligaw na siya? Lumakas ang kabog ng dibdib ko dun. Malalagot ako kina Suho-hyung at Jrace!

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at naglakad-lakad. Bakasakaling nandito lang siya sa isa sa mga shop na nadaanan namin. I crossed my fingers as I ignored people's stares. Marahil ay may nakakakilala na sa akin pero sana... Sana kahit ngayon lang, pabayaan muna nila ako.

I was dangerously close to calling Suho-hyung out of desperation when I felt my phone vibrate in my pocket. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil ngayon ko lang naalala ang cellphone ko. Umiling ako at kinuha iyon mula sa bulsa ko.

From: Trainee Loi

Saglit lang, oppa. Hintayin mo ako.

Para akong nabunutan ng tinik sa nabasa ko. Buti na lang talaga. Kung hindi, baka napaiyak na ako. Seriously.

Muling umikot ang paningin ko. Nandito lang siya sa area'ng ito. Pero saan?

As if on cue, I heard a door being noisily opened. Agad naman akong napatingin dun at nagtama ang mga mata namin ng babaeng lumabas sa ice cream parlor sa tapat ko. May dala siyang dalawang chocolate ice cream sa magkabilang kamay niya. Ang hindi ko inasahan ay ang malaking ngiti sa labi niya.

Hesitantly, ngumiti rin ako at lumapit sa kanya para salubungin siya. "L-Loi! T-there you are."

"Sorry, natagalan ako. Mahaba ang pila sa counter, eh," sabi ni Loi sabay abot ng isang ice cream sa akin.

Alanganin ko naman iyong tinanggap. "O-okay lang. S-sana sinabi mo na lang n-na gusto mo ng ice cream para ako na lang ang bumili a-at hindi ka nahirapan sa pagpila." Hindi ko na napigilan at nag-pout na ako habang sinasabi yun.

I was taken aback when I saw her expression changed. Wala na ang ngiti sa labi niya at mariin na yung magkalapat. Nakakahiya mang aminin pero kinakabahan ako sa kaseryosohan ni Loi ngayon.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now