Something in Common I

91 4 0
                                    

SUHO'S POV

At dahil natapos na namin yung guesting namin sa isang show, naisip kong maglakad-lakad. Tutal, parang may sariling mga lakad naman sila. Si Sehun, lumabas para bumili ng bubble tea. Kris-hyung just disappeared without anyone knowing. Sina Baekhyun at Chanyeol naman, ewan ko kung saan pumunta. Nagutom naman si Xiumin-hyung at lumabas din. Tao, Chen and Lay also went out. Napakabait na mga bata. Tama ba namang basta na lang umalis? Tss. =___= Nainggit tuloy ako. Unfair naman kung sila lang. So I decided I might as well do the same. Naiwan naman si Luhan-hyung kasama yung mga maknae na sina D.O at Kai. At least, may magbabantay sa dalawa.

Ewan pero biglang pumasok sa isip ko si LSM-sonsaengnim. Naisip ko tuloy, bakit hindi ko na lang siya puntahan para makapag-usap kami kahit saglit. Ang tagal na kasi naming hindi nag-uusap. Mga isang oras na. Hehe.

On my way, may isang mataba at maliit na nilalang akong nakita sa pathway. It was somehow wriggling and I found it cute. Awtomatikong napangiti ako. Hindi na ako nagdalawang-isip at nilapitan ko agad yun.

"Hello, kiddo." bati ko rito at saka binuhat yung aso. Yes, aso siya at babae. Cute! Napansin kong may leash siya. Nakawala siguro 'to o kaya kumawala.

Pinagmasdan kong mabuti yung aso. Tingin ko, pomeranian 'to. At base sa boots nitong pink, jacket na white at sequined leash, babae ang may-ari nito. Luminga-linga ako. The whole pathway was surprisingly empty. Nasaan ang amo nito?

"Saan ka galing, hmm? Dadalhin kita sa amo mo."

The dog just rested its head on my hands. Napangiti ako. It's so cute.

"Kung walang nagmamay-ari sayo, can I just take you home? Maraming mag-aalaga sayo dun. Ano bang pangalan mo?"

"Chichi??"

I rose on my feet and turned around. Isang babaeng humahangos ang bumungad sa akin. When our eyes met, natigilan siya. Tapos, unti-unting bumaba yung tingin niya dun sa asong hawak ko. Bigla siyang ngumiti at patakbong lumapit sa akin.

"Chichi," she said as she got the dog from me.

Sa totoo lang, nanghinayang ako. I somehow wished no one would claim it. I really wanted to keep the dog.

"S-sayo pala yan."

Nun niya ako naisip titigan. That gave me the chance to look at her. Nakasuot siya ng white sleeveless shirt, loose pants at rubber shoes. Ngayon ko lang siya nakita, ah. New trainee kaya?

She suddenly froze then bowed 90˚. "H-hi, Suho-oppa!"

Natawa ako sa reaksyon niyang yun. Still, I managed to bow, too. "Hello. Aso mo pala yan. Anong pangalan--"

"Chichi." Tapos niyakap niya yung aso niya.

Tumango ako. "Eh, yung name ng aso?"

"Ah, name ko ba yung tinatanong mo kanina?" she asked with a shy smile. "I'm Venus and this pretty dog here is Chichi. Say hi to oppa."

Pinagmasdan ko yung aso. Tinahulan niya ako nang isang beses. I bet that was how it says hi. Na-miss ko tuloy bigla si Byul. That was my dog, by the way.

"Cute," comment ko dun sa aso. Ilang beses ko na ba 'to natawag na cute? Eh, ang cute naman kasi talaga.

"I made it to a point it would be."

Si Venus naman ang tiningnan ko ngayon. She was looking at her dog with tenderness like the way I looked at Byul and other dogs. Pakiramdam ko tuloy, pareho kaming dalawa. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya in the way she handles dogs. Yung engrossed ka sa mga alaga mo at hindi mo na napapansin yung nasa paligid mo? Ganun. The way she stared at Chichi, it was like there were just the two of them here. Nakalimutan na nga yata niyang nandito pa ako, eh. I hated that I have to ruin that moment pero gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang kaibiganin.

"Ngayon lang kita nakita rito, Venus. I guess you are new here. Trainee ka ba?"

Maybe that got her attention. Halata kasing nagulat siya dahil natigilan siya at tumingin bigla sa akin.

"Ah, yes, oppa. One week pa lang kami rito sa South Korea tapos first day of training ngayon," sagot niya

Tumango ako at nginitian siya. "Welcome then. Mag-enjoy ka lang, Venus, huh? Don't take things too seriously. Hindi naman masama kung gagawin mong light yung atmosphere kapag training." I chuckled.

"Besides, if you have passion for what you're doing, nothing is tiring and exhausting."

"I agree with you oppa. Thanks sa motivating words. Don't worry. I'll work with the best that I can. Time will come, makakasama ko din kayong mag-perform on stage." Then she stared at me with determination in her eyes.

I felt a sharp prick in my chest. This didn't just remind me of Byul; she also reminded me of my trainee days. Those seven years was unforgettable for me. Kung hindi ko naranasan lahat ng yun, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ahh!" - Venus

Nilingon ko bigla si Venus at sakto namang nakatingin din siya sa akin.

She bowed. "Suho-oppa, sorry pero kelangan ko nang bumalik dun. Hinahanap na siguro nila ako."

I returned her bow. "No. Ayos lang, Venus."

"Salamat pala sa encouraging words. I'll keep them in mind. Bye, oppa!"

She immediately stormed away. Nang hindi ko na siya matanaw, napailing na lang ako at ngumiti. Na-miss ko tuloy yung mga ginagawa namin dati kapag training. Agh. So much for reminiscing. Mapuntahan na nga lang yung sadya ko.

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon