Trainees' Unfolding

30 3 0
                                    

*
3RD PERSON's POV

The moment Suho placed the foods on the table, they suddenly grew quiet. Galing siyang kusina kung saan nagtulungan sila ni D.O mag-prepare ng mga kakainin nila para sa movie marathon. Malungkot nga ito, eh. Simula kasi nung mag-walk-out bigla si Kai, eh, hindi nagkausap ang dalawa. Hindi na kasi humiwalay ang negrong yun kay Chanyeol. Kawawang bata.

Anyway, this was their second time to have a movie marathon this week. Syempre, suggestion yan ng gwapong leader na si Suho. Napansin kasi niyang dun lang nagkakasundo ang lahat. Kahit naman wala na siyang ibang ginawa kundi manaway at ma-paranoid, inoobserbahan niya rin ang mga "anak" at "alaga" niya.

Karugtong pa rin ito ng birthday celebration ni Julie. They literally spent the whole day having fun. Nagkwentuhan sila, nagtawanan, kumain, sumayaw, kumanta, nag-asaran, kumain ulit, nag-selca, kumain pa ulit at nagpahinga. Nung ngangabels na lahat ay tsaka nag-suggest si Suho. Hindi naman siya binigo ng mga ito. Eto nga at mga nakaharap na sa TV ang lahat.

"Yung drinks, dadalhin ni D.O dito," nakangiting sabi niya.

"Bakit naman yan yung mga pagkain?!"

Kumunot ang noo niya nang makitang si Annah ang nagreklamong yun. Tinitigan niya yung mga pagkain: pizza, nachos, fries at popcorn. Wala naman siyang makitang problema sa mga inihanda nila. In fact, nagutom pa nga siya sa ginawa niyang yun.

"Problem?"

Sumimangot ito. "How am I suppose to eat those? Puro cheese!"

"What's wrong with the cheese?" tanong ni D.O na kasalukuyang naglalapag ng drinks sa mesa.

Lalong itong sumimangot. Si Jrace, na katabi nun ni Annah, ay sumabad na sa usapan.

"Hindi siya nakain ng cheese." -Jrace

Wide-eyed na binalingan niya ang trainee niya. Did he hear it right? Hindi ito nakain ng cheese? Seryoso?

Mukhang hindi lang siya ang nagulat sa kagulat-gulat na rebelasyong yun tungkol sa isa sa mga trainee. All his members bore this shocked expression on their handsome faces. Ang iba namang trainee ay nakangiti lang. Halatang in-expect na ng mga ito ang reaksyon nilang yun.

"Ano na'ng kakainin ko?" -Annah

"Uh, Annah?" Si Tao 'to. "You can have this." He saw him offer the marshmallows the panda was munching on.

Hindi na nagulat si Suho sa narinig niyang yun kay Tao. Sa pag-oobserba niya, napansin niyang iba ang tuwang ipinapakita nito sa trainee. Marahil ay dahil sa distinct Korean features ni Annah. Well, maski nga siya ay naaaliw din.

"Yuck!" sigaw ni Annah. "Mas lalong ayoko nyan."

Nakita niyang lumungkot ang mukha ng maknae ng EXO-M at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Habang si Annah naman ay tumayo na at dumiretso sa kusina. Desperada na yatang makahanap ng pagkaing gusto niya. Napailing na lang ang trainor nitong si Suho.

Isang linggo pa lang pala ang nakakalipas but it felt like a month to him. Na-realize niyang marami pa silang dapat malaman tungkol sa mga trainee. Though they were getting used to being with them, they were still strangers.

-

Bumalik si Chen sa kinauupuan niya at lumingon sa kanilang lahat. Siya kasi at ang maknae'ng si Sehun ang naatasang mamili ng papanuoring movie ngayong gabi. At syempre, sinamantala niya ang opportunity na yun para mang-troll.

He winked at Sehun. Ngumiti naman ito at umayos nang pagkakaupo sa tabi ng pandang si Tao na bestfriend nito.

Napatingin siya sa mga trainees. Ang lalakas kasi ng loob ng mga babaeng 'to na manakot. They would see. Ganti-ganti rin kapag may time. Bwahahaha.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now