*
JRACE's POV
Pasigaw lang po ng isa. Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Yan. Medyo okay na ako. Kahit paano, nabawasan ang kaba ko nang 1/4. Grabe naman kasi. Sa aming mga trainee, eh, ako ang unang nagka-POV. Sobrang nakaka-pressure, dudes!
My name was Jrace, by the way. I was 19 years old and I have been a trainee of SMENnt. for almost 3 years now. At dahil kami ang gagawin ni LSM na girl counterpart ng EXO, he decided to let those boys train us. It was a perfect idea, actually. Pabor pa sa amin dahil bukod sa napakagagaling ng mga magte-train sa amin, fandom pa namin sila. It was like hitting two birds with one stone. But something happened. Nakaaway namin sila at mukhang hanggang ngayon, eh, dala pa nila ang galit sa amin.
"Hop in. Sa black van ang trainees ng EXO-M. Sa white naman yung sa EXO-K. Now move!" -Kris
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko. Kanina pa 'tong si Kris, eh. Una, basta-basta na lang pumasok sa apartment namin at nambulabog. Ngayon naman, maka-utos, wagas. Ano? Aso lang? Tch. Hindi porke't mga trainee pa lang kami, ganito niya kami tratratuhin. Even LSM never treated us like that. Nakakagigil talaga! Kung hindi ko lang inaalala ang mga kasama kong trainee at ang sasabihin ni LSM, masasaktan talaga 'tong Kris na 'to.
"Uh, oppa. Pwede bang mag-usap muna kami saglit?"
Marahas akong nilingon ni Kris. "Anong sabi mo?!"
Napangiwi ako dun. Halos mabingi ako sa sinabi niyang yun. "Y-you don't need to shout. Saglit lang kami, I swear."
He rolled his eyes. "Fine." Pumasok na ito sa loob ng black na van at sinara ang pinto nun.
Nun ko pinakawalan ang tawang pinipigil ko. I didn't expect he would do that. "Grabe! That was so gay. Nakakatawa talaga!" Nagsimula na ring tumawa ang iba pa. Siguro, pinigil lang din nilang tumawa kanina. Well, who wouldn't? The sight of Kris rolling his eyes upwards was really hilarious.
"Nakita nyo rin pala yun," natatawang kong sabi sa kanila.
"Kami pa ba? Nakunan ko pa nga ng picture, eh," sabi ni Joona habang pinapakita ang phone nito.
"Uy. Wag nyo ipahalata. Baka magalit pa lalo sa atin yan," saway ni Julie.
"Hayaan mo siya. Kung hindi nga lang ako pinigilan ni Loi, hihilahin ko baba nun." -Xhelle
"Oh, siya," awat ko sa kanila. "Tama na. Seryosong usapan 'to. Can I have your attention?"
They all gathered around me. Haay. Mahal na mahal ko talaga sila. Kahit napakakulit nila, they knew when to be serious, to laugh and to have fun. Most of all, they knew the word respect. At bilang eonni nilang lahat, ramdam na ramdam ko yun lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
"Okay. Girls, remember what LSM told us last night? Yung 'Be Ready.' Eto na yun. Hindi lang 'to basta-bastang training. Artists mismo ng SMEnt. ang magte-train sa atin. I know they're expecting a lot from us. We have to do our best!"
"Teka lang, Jrace. Alam naman nating we're not in good terms with them, eh. For sure, makakaapekto yun sa training," nag-aalalang sabi ni Anje.
Bumuntong-hininga ako. "I'm completely aware of that, Anje. That's why we need to give them our best. Dapat ipakita natin sa kanila na hindi nagkamali si LSM sa pagpili sa atin. We can do this."
I gave them all a smile. Inilahad ko ang kamay ko sa kalagitnaan namin at gumaya na rin sila. Palagi naming ginagawa 'to dati pa man.
"FIGHTING!"
![](https://img.wattpad.com/cover/15819621-288-k707969.jpg)
YOU ARE READING
Once Upon a Time in South Korea
FanfictionEXO ang isa sa mga tinitingalang boy group sa South Korea. Paano kung sa kabila ng pagiging sikat nila, may ma-encounter silang mga babae na parang walang pakialam kung sugurin ang mga ito ng mga sasaeng nila sa pang-iinis ng mga ito sa mga idolo ni...