First Encounter VIII

50 4 0
                                    

TAO'S POV (@ Hongdae)

"Wow! This is cool." excited kong sabi pagkapasok namin sa isang shop.

Kasalukuyan kaming nasa Hongdae at naggagala kasama sina Duizhang, Chanyeol, Baekhyun at Sehun. Kanya-kanya kaming tingin sa mga gamit na nakita namin dun.

May sasabihin sana ako kay Kris-hyung nang marinig kong magsalita si Chanyeol.

"Eto, maganda, oh."

He was holding a printed black and white coat. Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang sleeve nito. The fabric was soft and it was fab. Parang ang sarap isuot.

Binalingan ko agad si Chanyeol. "Tao, wala akong pera."

That left me pouting. Humiwalay na ko sa kanila at pumunta sa section ng hats at caps. My lips formed a smile as my eyes feasted on the sight of those stuffs. Kumuha agad ako ng isa at sinukat ito sa kalapit na salamin.

"Hmm.. Yung isa kaya?"

Hinubad ko ang sinukat kong hat at bumalik sa mga rack kung saan naka-display ang iba't-ibang susumbrero. Ibinalik ko sa dating lalagyan ang hat at kinuha naman ang isang pulang hat. Pabalik na ako nun sa salamin nang mapansin kong tumahimik bigla. Inilibot ko ang paningin ko sa buong shop. Nasan na sila?! Ugh.. Naiwan na ako.

Pumwesto muna ako sa harapin ng salamin. "Bagay ba??"

Tsk. Makaalis na nga. Baka makalayo pa yung mga yun. Ibinalik ko na sa rack ang pulang hat.

"Whoa! Tabi."

On reflex, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Pero paglingon na paglingon ko, isang matigas na bagay ang tumama sa baba ko.

"Ya! Aww..."

Napapikit ako sa sakit. Ang lakas kaya ng impact nun! Halos naramdaman ko na naalog ang utak ko.

"Yan kasi. Pinatabi na kita, eh."

Napanganga ako at tinitigan nang masama ang walang pusong bumangga sa akin na nakuha pa akong sisihin. She wore a cap at halatang tinatakpan niya ang mukha niya. Oo, babae siya. A brave one, for that matter.

Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya. "T-Tao?!"

"H-huh? Ah, yeah. Ako nga si Tao." pakilala ko at saka nag-bow.

Muntik na akong mapa-face palm sa ginawa kong yun. Sinigawan na nga niya ako, ganun pa ang reaksyon ko? Oh, well. Mabait naman ako at gentleman. Tama lang yung ginawa ko.

My lips twitched when instead of returning my bow. She frowned.

"Bakit ka ba kasi humarang dyan? Hindi ka sana nabangga."

Yung pagkainis naramdaman ko kanina, nag-surface ulit. Kelan ba niya ako binigyan ng warning na mababangga niya ako kaya kelangan kong tumabi? Nung isang metro na lang ang layo niya sa akin? Sarcastic akong napangiti.

"Nangisi ka pa talaga? Ano bang nakaka—"

"GRACE!"

Kitang-kita ko ang panic sa mukha niya. Siya ba yung Grace??

"U-uh, T-Tao, patago naman, oh. Kanina pa ako hinahabol nun, eh. P-please???"

My brows raised as she held my arms. Hindi siya mukhang naninindak. Malambot na ang expression niya. Did she just ask for my help ? Pagkatapos niya akong sungitan?

Her grip tightened, yung halos bumakat na ang mga kamay niya sa braso ko.

"Sige na, Tao.. Kanina pa ako hinahabol nun, eh. Natatakot na ako." She pleaded again.

"GRACE!"

Nag-jerk siya at walang paalam na pumunta sa likuran ko. Teka! Pumayag na ba ako?"

"Wait, Miss. I need to go now. Naiwanan na ako—"

Hinila niya ang black coat na suot ko. "Tao naman! Stalker ko yun, eh. Maawa ka naman."

Pagkarinig nana pagkarinig ko ng salitang "stalker," I already decided to help her. Bahala na kung maiwanan nila ako. I'll just call them later.

I drew in a deep breath. Magsasalita sana ako nang may narinig akong boses.

"GRACE!!"

I glanced at the woman behind me. Nakapikit siya at halatang natatakot. Bigla-bigla, pakiramdam ko, gusto kong sapakin yung stalker niya.

Binalingan ko ang lalaki na nakatayo na ilang metro mula sa akin. He was tall and slim, too at mukhang kaya ko namang labanan. Isang maling kilos lang nito, lagot to sa akin.

"Grace, kanina pa kita—"

"Wag kang lalapit..." warning ko dito at itinago si Grace sa likod ko.

The guy looked puzzled pero lumapit pa din.

"Sino ka ba?"

" I am... I am Tao."

Of course I am Tao. Parang gusto ko tuloy batukan yung sarili ko. Ang tanga nung naisagot ko.

"Grace, ano bang sinasabi nito?"

Napamaang ako rito. Seriously, hindi siya naniniwala na ako si Tao? Ganun ba ako kagwapo sa personal para isipin niyang hindi ako yung nakikita niya sa tv??

Si Grace naman, hindi nag-react. She was quite shaking. Maybe, in fear. Yung lalaki naman, patuloy na lumapit. Ang kulit naman nito. Umurong kami nang bahagya.

"Grace, bakit ba—"

Tuluyan na akong nainis. I punched him hard on the face. "Stay away from her!"

"T-Tao?!" -Grace

She instantly drew herself away from me. Napanganga ako nung makita ko siyang lumapit sa lalaki.

"B-bakit ka lumapit dyan—"

"Bakit mo siya sinuntok?!"

Kumunot ang noo ko. "Anung Bakit? Eh, di ba stalker mo siya?"

Kitang-kita ko kung paano nagusot ang mukha niya. Mali ba yung ginawa ko? Ipinagtanggol ko lang naman siya, ah. Bakit parang ako pa ang masama??

"Sinabi ko bang saktan mo siya?"

Whoa. Parang kanina lang, humihingi siya ng tiling kasi hinahabol siya ng stalker niya. Tapos ngayon, sinasabi niyang hindi niya stalker ang lalaking 'to? Nakikipaglokohan ba siya sa akin?

"Pero ang sabi mo—"

"Hindi mo dapat siya sinuntok! Ugh.. Let's go, Hyeonsu. Baka lalo ka pang masaktan dito."

Tinalikuran na nila ako and I was left wide-mouthed. Tumulong lang ako, ako pa nagmukhang masama?

"Shouldn't you thank me?"

Tumigil sila ng paglalakad. Marahas akong nilingon ni Grace. "Thank you? Eh, sinaktan mo na nga si Hyeonsu, mamagpapasalamat pa ako? Okay ka lang?"

I tsked when she turned her back from me again. Napa-face palm ako. I helped someone but it all turned out that I wasted my time. Mas okay pa ata na pinabayaan ko na lang siya kanina but I know guilt would not let me sleep. Ayt. Bahala siya! Basta ako, ginawa ko ang kaya ko para matulungan ko siya. Wala na akong pakialam kung iba ang maging dating nun sa kanya. At least, makakatulog pa din ako nang ayos mamaya.

Once Upon a Time in South KoreaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora