Dare

26 2 0
                                    

*
XIUMIN's POV

Isang pamilyar na tunog ang lumabas sa tiyan ko. Napahawak tuloy ako rito. Nakakain na naman ako, eh. Kaya lang, may hinahanap na lasa ang dila ko. Na parang kahit kumain pa ako nang napakarami, hindi pa rin ako masa-satisfy. To cut the story short, nagke-crave ako sa baozi. Ilang araw na kaya akong hindi nakakakain nun. Mga two days na. Kasama ko pa nga si Ellie nun.

Napaisip ako. If ever, that was the longest time I have spent with her, so far. Kung hindi kasi dahil sa training, I wouldn't last even a minute na kasama siya. Sa tuwing magkasama kami, she never failed to show me how she dislikes me at ayoko nang ganun. Kahit naman inagawan niya ako ng baozi dati, gusto ko pa ring makasundo siya for her training's sake. Ewan ko lang kung may pagbabago ngayong may peace agreement na sa EXO at sa trainees. Sana.

Napapitlag ako nang may marinig akong yabag mula sa hagdan. I gulped in fear. Pakiramdam ko, naulit yung nangyari kaninang madaling-araw. Yung pagsi-sleepwalk ni Joona na trainee ni Kris. I wasn't the coward type pero yung makita mo yung mga napapanood mo lang sa mga pelikula, ibang usapan na yun. Medyo hindi pa ako maka-get-over sa nangyari kaya ganito ang reaksyon ko.

Conscious na lumingon ako sa mga kasama ko sa salas. Wala pa kasing gising na trainee kaya mga dongsaeng ko lang ang nandito.

"That's so gay, hyung!" natatawang comment ni Sehun sa akin. Maski ang katabi nitong si Chen, eh, natawa na rin.

"Hah! Nahiya naman ako sa tumili kanina." Tapos ay nag-smirk ako.

"Haha---ha." Kasabay ng pag-fade ng tawa ni Sehun ang pagpalis ng ngiti nito.

"Tili pa more! Hahaha." -Chen

Inalis ko ang tingin ko sa dalawang nagpi-pillow fight na ngayon at ibinalik sa hagdan. Sakto namang nasa last step na ang kung sino mang gumagawa ng mga yabag. My lips formed a big smile when I saw who that was. Awtomatikong napatayo ako at mabilis siyang nilapitan.

"Ellie! Bakit ngayon ka lang nagising? Ang tagal, ah," masiglang bungad ko sa trainee ko na ipinagtaka naman niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ellie. "Huh? Eh, ano kung ngayon lang ako nagising?"

Nag-smile ako, yung smile na mukha akong chipmunk. Hahaha. Mukha naman siyang disgusted dahil dun though hindi ko alam kung anong disgusting sa ginawa ko. Hindi ko na lang yun pinansin at inakbayan siya.

Pumalag naman agad. Ganun ba siya ka-disgusted sa akin Para palagan niya yung simpleng pag-akbay?

"Teka! Bakit---"

"May lakad tayo, di ba? Tara na!"

Nanlaki naman yung mga mata niya sa gulat. "Lakad?!" She then looked at Sehun and Chen as if she was asking for help.

At dahil nakita ko yun, an idea crossed my mind. I smiled sweetly at her and winked.

"Oo. We have a date, remember?"

Hindi ko na binigyan ng pagkakataong makatanggi si Ellie. Mabilis ko siyang hinila palabas ng bahay, leaving the two guys looking puzzled. For sure,, dahil yun sa "date." Napailing na lang ako. Maski yata 'tong kasama kong si Ellie, eh, hindi pa rin naiisip na bibili lang naman kami ng baozi. What else to do, right? Dun lang naman kami nagkakasundo.

-

"Anje, I choose you!"

Nasa salas kami ngayon and when I say "kami," ibig sabihin, lahat kami. Dahil nga binigyan kamini sonsaengnim ng freedom para pumili ng trainee o trainor, I used it as an opportunity para maging trainee ang babaeng sa umpisa pa lang ay kinatuwaan ko na. Sino pa? Edi, si Anje. Samantalang yung iba, nagkakagulo na. Hinayaan ko na lang sila. Suho could fix that. Besides, solved na ako, eh. Hahaha.

Once Upon a Time in South KoreaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu