First Encounter X

51 4 0
                                    

CHANYEOL'S POV

"Nandyan na yung makchang!" sabi ko habang inaabot ang apat na portions ng makchang na inorder namin..

I grunted as I heard my stomach growl. Ugh. -.- Gutom na talaga ako. Well, palagi naman akong gutom, eh.

"Tao, paabot naman ng tongs."

Habang inaabot yun sa akin ni Tao, inulit niya ang pagkakabigkas ko nun. At dahil mali ang pagkakasabi niya, ilang beses niya yung inulit, making our table the noisiest one in the area.

"Wow! Ang ganda ng pagkaputi nyan, ah." -Baek

Ngumiti na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Gustuhin ko man siyang tanungin tungkol dun sa babae kanina, pinili ko na lang na manahimik. It was obvious that he didn't want to talk about it. Pwede ko naman siyang tanungin pagdating sa dorm mamaya.

Habang hinihintay naming mag-brown yung makchang, yung onions tuloy ang pinuntirya namin. Wala pa kasing ibang pagkain bukod dun.

"Uhh, duizhang, noodles ba yan? Kinakain mo yang onions parang noodles." - Baek

Sunod ay tumawa si Baekhyun. Kris froze pero itinuloy pa rin ang pagkain. Natawa na rin tuloy kami.

"Excuse me. Can you tone your voices down? Hindi lang kayo ang customer dito. Nakakaistorbo kayo."

Nabitin ang pagsubo ko ng "noodles" nung narinig ko yun. Hinanap agad ng mga mata ko ang nagsabi nun at nahinto ito sa isang nakatayongbabae sa gilid ni Tao at nakapamewang pa. Her brows were crossed. Mukhang galit talaga. Nagkatinginan kaming lima. Talagang natahimik kami sa narinig namin.

Biglang tumikhim si Kris at umayos ng upo. Napatingin ako sa kanya. Actually, lahat kami.

"Uhm, Miss, I apologize for what we caused you. Don't worry. We'll lower our voices para hindi ka na maistorbo."

Was it just me o talagang sarcastic niya yung sinabi??

Mukhang hindi naman yun napansin ng babae. She just raised an eyebrow at bumalik sa table niya na nasa likuran lang pala namin. Naiwan kaming tahimik. I found the situation awkward kaya tumikhim ako, breaking the ice.

"Oh, wag kayong maingay, huh? May maistorbo tayo, eh."

Nag-chuckle si Tao at umiling. Baekhyun was silently laughing. Si Kris at Sehun ay halatang nagpipigil lang ng tawa.

Naramdaman kong siniko ako ni Baekhyun. "Maririnig ka nung babae, eh." bulong nito.

"Hindi yon. Mahina--"

"Mahina nga but it was enough for me to hear it clearly."

I jerked upon seeing her standing beside Tao again. Seryoso, narinig pa niya yun? Dahan-dahan ko siyang tinignan sa mukha. When our eyes met, napalunok ako sa takot. She sure looked scary.

"What? Got cold feet now, huh? Chanyeol?"

I gulped again. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Argh. I need to control my heart next time.

"It wasn't as if I was being sarcastic or what. Pinaaalalahanan ko lang sila na wag kaming mag-ingay."

"Honestly, ayokong-ayoko sa maiingay. Kung hindi ninyo makontrol ang mga sarili ninyo, go find another resto."

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niyang yun. Sino ba siya para paalisin kami dito?

"Whoa! Teka, Miss. Kung ayaw mo talaga ng maingay, bakit sa ganitong resto ka pumunta? You should've eaten dinner at your house."

She leaned a bit closer. Napasandal tuloy sa akin si Tao .

"If I could, then I would. Kaso, hindi, eh. Ugh, why am I explaining myself to you, anyway?"

Once Upon a Time in South Koreaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن