Fulfilled Promise

11 1 0
                                    

*

JRACE's POV

"Annah?!" -Tao

"Hmm? Ano nga yun, oppa?" -Annah

"Tama na kasi yan. That can wait. Impatient ako, remember?"

"Alam ko yun, nu. Eh, kaso hindi pa yun sure. Magpapaalam ako."

"Kahit wag na, Annah. Tara na kasi. Nami-miss ko nang maggala, eh."

"Tao, isa! Wag ka ngang magulo. A-ah, Minho-oppa, sorry dun, huh? Uhh... Hihi. Sige, gagawan ko ng paraan."

I stifled a laugh when I heard what Annah said. Akala ninyo, ito at si Tao ang magkausap, nu. Nagkakamali kayo. Si Choi Minho ang kausap ni Annah sa phone at si Tao, eh, nasa tabi lang nito at nangungulit kahit kita naman niyang busy ito sa UB (ultimate bias) nito.

Well, in our trainings, Tao has asked all informations he could think of concerning Annah. Sinagot ko naman ang mga yun. Tinanong ako, eh. Malamang, sasagot ako. Hehe.

Hindi na ako nagtaka sa eagerness ng pandang trainor ko na makilala talaga si Annah. Una pa lang kasi, he has never failed to show how fond he is with her. Overprotective ako sa mga co-trainees ko but with their case, I wasn't that troubled compared with the others. Siguro kasi, trainor ko si Tao at palagay ako sa ugali niya. I knew Annah's in good hands with him. Sa iba, uh, never mind. Nag-o-observe pa rin kasi ako ngayon pero meron na akong mga napapansing kakaiba.

Natatawang lumayo ako sa dalawa. Hindi kasi nila alam na nandito ako sa malapit at nakikinig sa kanila. Anyway, tapos na naman ang nakakatawang convo nila featuring Choi Minho. Makita man nila ako, they wouldn't have even the slightest idea that I eavesdropped. Hehe.

Dumiretso ako sa kwarto para magpahinga kahit saglit. Matindi kasi yung ginawa namin ni Suho para sa evaluation kanina. Kumanta kami.

Hindi ko maiwasang mag-straight face kada naaalala ko yun. It wasn't that I don't sing at all. Hindi lang talaga ako ganun ka-confident dun. Pagsayaw talaga ang gusto ko.

Upon reaching our room, dumiretso agad ako sa kama ko at pabagsak na humiga dun. "At last... The comfort of my bed, we met again..." nakapikit kong sabi. Oo na, feel na feel ko na ang paghiga. Eh, ang sarap kaya. Haha.

Mabagal na kinapa ko sa jacket ko ang phone ko nang marinig ko yung mag-ring. Mabagal kasi tinatamad ako. Nung nakaramdam na ako ng awa sa kung sino mang tumatawag sa akin, tsaka ko lang sinagot yung tawag. "Hello?" I drawled. Keketemed keye.

[Tinatamad ka, Grace? Napilitan ka lang yatang sagutin ang tawag ko, eh. Ibaba ko na lang 'to.]

Sa pag-iinarte at pagdadramang yun ng tumawag, alam ko na'ng si Hyeonsu 'to, yung ka-close naming back-up dancer sa SMEnt. Isa pa, ito lang naman ang natawag sa aking Grace, eh. Ano naman kayang kelangan ng lalaking 'to at tumawag na lang basta?

"Push mo yan, Hyeonsu. Akala mo, ikinagwapo mo yan? May abs ka lang, nu."

[Lait pa, Grace. Baka kapag nalaman mo kung bakit ako napatawag, eh, i-compliment mo ako nang i-compliment.]

Tapos nag-chuckle pa ito. Nakaka-miss din pala 'tong feeling gwapo naming friend. Ito lang kasi ang nakakatiis sa kabaliwan at pagiging pabebeuseu namin. Paano? Eh, isa rin 'to sa amin. Si Hyeonsu talaga ang first recruit namin. Hahaha.

"Oh, sige na, Hyeonsu. What's with the call?"

[Ay, grabe! Wala man lang pangangamusta?! Tindi mo talaga, Grace. Two weeks tayong hindi nagkita, nagkausap o nagka-text-an man lang. Didn't you miss me?]

I rolled my eyes, na para bang nakikita ako nito. "I miss you. Oh, bakit ka nga napatawag?" sarcastic kong sabi.

I heard him laugh. [Ang sweet mo talaga, Grace. Anyway, remember my promise?]

What he said made me jumped out of bed. Literally. Hindi ko na lang pinansin ang kirot sa may balakang ko gawa nung pagkabagsak ko. Masyado akong na-occupy sa narinig ko mula rito. Yung promise...

"It's okay if you didn't get a chance to talk to V. Don't worry, Grace. Next time, ako na mismo ang magdadala kay V sayo. Promise."

Sinabi yun sa akin ni Hyeonsu nung time na una kaming nagkita ni Tao (kung saan nandun din si V). I was so down then and I knew he was just cheering me up. Being the funny and care-free guy that he was, hindi ko na inasahang maaalala nito yun. I even thought of it as a joke but here he is, reminding me of it.

I was dying in curiosity. Paano niya madadala si V sa akin? Papupuntahin ba niya ito dito? Makikipagkita ba ito sa amin sa Seoul? Paano?!

Sa dami ng tumatakbo sa utak ko, sumuko na 'ko. Curiosity just killed me. I was about to utter something when he interrupted me with a chuckle.

["Natahimik ka na dyan. Naalala mo na, nu? Hahaha. Basta, i-ready mo lang ang sarili mo, Grace. Tomorrow, you'll be seeing V."]

*

JESSIE's POV

Tahimik ko lang pinanunuod si Yixing habang imersed na imersed siya sa pagpa-piano. I couldn't help but smile at the sight of him. Obvious kasing mahal na mahal niya ang music. He was playing his own composition now at pinaririnig niya yun sa akin.

His music was so lovely that I had to mentally note myself not to gasp or squeal or even to breathe. Sobrang focused niya kasi sa pagtugtog na para bang nasa loob siyang sarili niyang mundo at tuluyan nang nakalimutan na kasama niya ako. Hindi naman ako na-hurt sa unintentional niyang paglimot sa akin. Masaya na akong pinapanood siyang gawin ang bagay na mahal niya.

Napunta ang paningin ko sa mga kamay niya, sa mga daliri niyang patuloy pa rin sa pagtugtog. Bigla ay gusto kong hawakan ang mga yun. They were so gentle against the piano keys which had me thinking. How could those beautiful, gentle hands create such wonderful music, touching people's heart to the core?

When I looked back at his face, nakatingin na sa akin si Yixing. Nagulat naman ako. Akala ko, nakalimutan na niyang kasama niya ako.

But what really surprised me was his smile. Lumabas tuloy yung dimple niya. Lalo akong nawala sa wisyo, ni hindi ako makangiti pabalik. Nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya. He looked so radiant, especially with that smile on his face.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming ganito. I was just stunned when I didn't hear him playing anymore. Awkward man (para sa akin siguro) susubukan kong basagin ang katahimikan.

"Uh, Yixing-ah---"

I then felt something warm enveloped my hand. Nang tumungo ako, nakita kong hawak-hawak na ni Yixing ang kanang kamay ko. That caught me off-guard and speechless.

"Jessie, alam mo bang ikaw pa lang ang nakakarinig ng c-in-ompose kong yun?"

Napatingala ako sa kanya sa sinabi niyang yun. Nakangiti pa rin siya na lalong nagpabilis sa kanina pang mabilis na tibok ng puso ko. I showed him an uneasy smile. "T-talaga?"

"Yeah. That's what makes you special."

He squeezed my hand and intertwined his fingers with mine. Eyeke ne! Gusto kong humiyaw sa sobrang kiliiiigggg! Pwede ba? Bawal. Kfine.

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon