Trainees' Orientation V

72 3 0
                                    

*

SUHO's POV

Iilang hakbang pa lang ang layo ko sa elevator nang makaramdam ako ng sakit sa braso ko. Napahawak ako dito. Tss. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. May nabangga pa tuloy ako.

I bent my body forward and bowed. "Sorry."

"N-no. It's fine. J-Joonmyeon?"

Napaangat ang mukha ko dahil dun. "Minho!"

Yes. Tama po kayo. He was none other than SHINee's Choi Minho.

I excitedly gave him a high five. "'Sup?"

Natawa ito at ipinasok ang mga kamay sa bulsa. "Ayos lang naman. Ikaw?"

"Medyo stressed gawa nung mga 'bata' pero masaya," ngiting-ngiti kong sagot.

Natatawang napailing ito. "That's good to hear. Anyway, I'll go ahead. I need to catch them. Naaliw kasi akong kausap yung isang trainee, eh."

"O-oh. Ganun ba?"

Hindi ko na naitago ang panghihinayang ko sa sinabi kong yun. We were really close with SHINee. As in CLOSE. Factor na rin siguro yung pagiging magkaibigan nila Kai at Taemin. Sa ngayon kasi, bihira ang mga pagkakataong nagkaka-bonding kaming lahat. Magkaroon man kami ng free time, hindi naman nagkakasabay-sabay.

"Oo, eh. Di bale. For sure, makakapag-bonding din tayo ulit. See you when I see you, Joonmyeon," sabi nito na ikinangiti ko.

"Yeah. See you, too."

Yun lang at naglakad na si Minho palayo. Kahit sandali lang yung pag-uusap namin, at least I got to see one of them. For sure, matutuwa ang mga "batang" yun kapag nalaman nila 'to. Ugh. Couldn't wait to tell this to them!

A thought hit me. Before anything else, I still had to meet my trainee. Tsk. Oo nga pala. Nawala sa isip ko. Kung malalaman ni sonsaengnim na of all EXO members, eh, ako pa yung muntik nang makalimot sa orientation, baka sermonan ako nun nang wala sa oras. Napangiti ako sa naisip kong yun.

[Imbes na ngumingiti ka dyan, puntahan mo na kaya yung trainee mo.]

Sabagay. Mapuntahan na nga yung trainee ko. Baka mainip na yun, eh.

Isang ordinaryong room dito sa 7th floor ang na-assign sa amin ng trainee kong si Annah. This, perhaps, was one of the rarely used rooms here. Kahit kasi mahilig kaming mag-fieldtrip sa SMEnt. ng EXO kapag wala kaming magawa, hindi kami masyadong nagagawi dito.

Upon arriving at the room, huminga muna ako nang malalim at inihanda ang napaka-charming kong ngiti. I would give her a very warm welcome.

"He likes my eyes daw," at sinundan pa yun ng isang mahinang tili.

Halos kakabukas ko lang ng pinto nun at ganun pa ang bumungad sa akin. Out of curiosity, niluwangan ko ang pagkakabukas ko ng pinto. My eyes automatically searched for her. Malamang, yung nagsalitang yun ay ang trainee kong si Annah. Pero wala akong ibang makita dito kundi...

L-LEGS?! Muntik na akong masamid sa nakita kong yun. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa nakakatuksong tanawing yun. Eh, paano ko ba kasi mare-resist ang oh-so-perfect legs na yun?

"I can't. Y-yung feels ko! MINHOOO!" at isa pang tili.

Fangirl na fangirl ang dating, ah. At kay Minho pa. Unti-unti kong binaling ang ulo ko sa mukha niya. Baka kung anong isipin niya kung mahuhuli niya akong nakatingin sa legs niya.

"A-Annah?!" Halata naman siguro kung ano ang reaksyon ko, di ba? Wide-eyed and jaw-dropped. Eh, paano? She was just the girl who was allergic to dogs. Geez. Kaya pala pamilyar yung pangalan niya. Siya pala yun. Argh!

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now