Cold Dragon's Promise

10 1 0
                                    

*
JOONA's POV

Pinasadahan ko muna ng tingin yung kwartong binuksan ko at saka nakinig nang mabuti. I knew it was so dark at wala pang source of light pero tuloy pa rin ako. Hindi naman ako nahirapan sa ginagawa ko. Afterall, witch ako kaya sanay ako sa dilim. Hahaha! Maniwala, hahaba baba! Wahahaha! Hindeee. Hindi naman kasi ako takot sa dilim at lalong hindi rin ako takot sa multo.

"K-Kris?" sabi ko.

Wala namang sumagot. Ni kaluskos, wala. Hmm. Next room.

Eh, bakit ko nga ba hinahanap ang katana'ng yun? Ganito kasi yun...

Flashback starts...

"W-wait, Kris-oppa! Malapit na..." sabi ko sa trainor kong mamamatay na sa takot habang busy akong magpasok ng susi sa keyhole ng posas.

He tsked. "Stop talking and get this handcuff off my wrist! Now!"

"Makapag-utos 'to. Kung ginamit mo lang sana kanina yang baba mo para mabuksan 'tong posas, edi sana hindi tayo natagalan sa paghahanap ng susi at pagtatanggal nito!" asar ko sa kanya.

Lakas maka-utos ng baba'ng 'to! Akala napakadali ng mga ginagawa ko, eh, hindi ko nga ganung makita sa dilim. Kung ngumiti kaya siya para lumitaw yung gums niya na nagsiya-shine like diamonds, edi nakatulong sana siya para magkaliwanag kahit konti. Hahahaha!

"Tss."

I smiled with pride. Hahaha! Kada na lang mag-a-argue kami nitong si Kris, eh, lagi na lang ganun sinasabi niya. Masyado na ba talaga kaming close para bumait nang ganito sa akin ang baba'ng 'to at hayaan na lang akong manalo palagi sa arguments namin? Wahahahaha! Close na pala kami. Enebe. Kahit naman kasi mahaba ang baba niya at makinang ang gums niya, gwapo pa rin siya. So...yun nga. Enebe.

After a minute, nagawa ko ring kalasin ang posas namin. "Okay na, Kris!!! Natanggal ko na! Me is so brilliant tala---Eh?"

Tumingin ako sa buong kwarto at nakita ko na wala na pala akong kasama rito. Bukas na rin yung pintuan. Saan nagpunta yun?

"WAAAAAHHHH!!! MONSTERS!!! HEEELLLPPP!!!"

That made me jerk in surprise. Nakaramdam din ako ng kaba. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa pangit nang pagkakasigaw nun, alam ko na kung sino yun.

"KRIS!" Wala na akong inaksayang oras at agad na lumabas ng kwarto.

Flashback ends...

And that's what happened. Lumabas uli ako sa kwartong pinuntahan ko. Tulad ng mga nauna, there were no signs of Kris there. Napa-sigh ako. Hindi ko maiwasang mag-alala. Nakita ko kasi kung gaano siya katakot, masahol pa sa pagkatakot niya sa akin dati. Partida, kasama pa niya ako kanina. Ngayong mag-isa siya, eh, paniguradong takot na takot yun. Ayoko nang imagine-in kung anong itsura niya. For sure, hindi yun kaaya-aya.

"Kris? Nasaan ka ba? Kris-oppa?"

Umupo ako sa isang silya sa hindi kalayuan. Malapit na pala ako sa mga staircase. Ibig sabihin, naikot ko na buong second floor. Na -clear ko na 'to. Next naman yung ground floor.

Sumandal ako sa upuan. Hindi ko na tiningnan kung maalikabok o kung may mga sapot dito. Ang mahalaga, makapagpahinga ako saglit. To be honest, I was really tired and sleepy. Pero dahil hinahanap ko ang trainor ko, wala munang pahi-pahinga. Kahit naman cold guy siya, masungit at medyo snob, alam ko namang kaibigan na rin ang turing niya sa aming trainees. Hirap lang siyang i-express ang sarili niya kaya dinadaan niya sa pagsusungit. But Kris was fine the way he is now. That was what makes him stand out. Buti nga at okay kami, eh, even though I was fully aware that it was only because of Ellie.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now