Trainees' Orientation IV

99 4 0
                                    

LUHAN's POV

I let out a deep breath and jogged in place a couple of times. Habang ginagawa ko yun, ginagalaw-galaw ko din yung kamay ko. How I wished these could help me.

Napatigil lang ako nang marinig kong may nag-tsk. I knew it was none other than the cold guy, Kris. Ito na lang naman ang kasama ko dito sa elevator, eh. Lumabas na kasi si Thehun, I mean, Sehun kanina sa 12th floor. Sa 20th pa ako at sa 23rd pa si Kris.

"What on Earth are you doing, Luhan?" He even looked at me as if he was disgusted with what I was doing.

Napakibit-balikat ako at bumalik sa ginagawa ko. "Nag-aalis ng kaba."

He chuckled. Totoo yun, nu. Grabe talaga yung kaba ko at kahit well-airconditioned ang SMEnt, pinagpapawisan ako. Ayoko namang mag-isip nang negative sa nararamdaman ko ngayon. Siguro sobrang excited ko lang talaga.

"And you think matatanggal ang kaba mo sa ginagawa mong yan?" Muli akong napatigil. And this time, hinarap ko na ito at inakbayan pa. "Kesa naman sa itago ko, di ba? Mas mahirap yun." Then I patted his back.

Tumaas ang kilay nito. "What do you mean? Na kinakabahan din ako?"

I smilingly shrugged. I felt a poke on my arm. Si Kris yun, malamang.

"Tbh, I was nervous," he told me with a worried face.

Natawa ako dun. "Halata nga."

Ito naman ang bumuntong-hininga. "I don't know what to do, Luhan! How can this freaking nervousness leave me alone?" seryoso nitong tanong.

"Try mo yung ginagawa ko kanina."

I gave him a pat on the back again before stepping outside the elevator. Bumukas na kasi, nagulat nga ako, eh. Di ko napansing nasa 20th floor na pala kami.

"L-Luhan!" tawag ni Kris sa akin.

"Oh?"

"Goodluck." He flashed a small smile and waved goodbye.

"Goodluck din, Kris."

And the elevator doors closed. Medyo madrama ang scene na yun, ah. Ang odd sa personality ni Kris. Haha. Joke lang. Hindi lang talaga yun showy kaya ang dating sa iba, eh, ang cold nito.

Anyway, I was now heading to Neverland. Dun ko kasi imi-meet yung trainee ko. Corny? Oo, alam ko yun. Sa cafeteria talaga ako pupunta. Wag kayong magtaka dahil may mga private rooms dun para sa mga executives ng SMEnt.

Paliko na ako sa kaliwang corridor nang may nakasalubong akong babae mula dun. Humahangos siya kaya hindi ko na nakita yung mukha niya. Pagdaang-pagdaan niya, natigilan ako. It caught me off-guard. Her scent... My eyes followed her. Natukso tuloy akong sundan siya kung di ko lang naalala yung trainee ko. There was something in her scent that got my attention. Weird pero dahil dun, na-attract ako sa kanya.

I shook the thought off. Napatingin ako sa relo ko at napailing. 10:30 am pa lang. Aga-aga, ganito iniisip ko. Mapuntahan na nga lang trainee ko.

Pagdating ko sa kwartong naka-assign para sa orientation namin, wala akong trainee'ng nakita. All I could see was a half-full cup of coffee and an empty saucer. Hmm. Umalis ba siya dahil sa inip sa akin? Ganun ba ako katagal? Nakakakonsensya.

Umupo ako sa pinakamalapit na upuan. Nagulat ako dahil may kulay pink na hanky akong nakita sa sahig. When I got it, napangiti ako. It was a Hello Kitty hanky.

"T-teka. Si Joona kaya yung trainee ko?" kausap ko sa sarili ko, referring to my fangirl who I just met yesterday. Mahilig din kasi yun sa Hello Kitty.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now