First Encounter IV

72 5 0
                                    

LAY'S POV

Tumayo si Luhan—-pagkatapos niya akong sipain sa binti—-at pinuntahan yung babaeng sinabihan niyang matakaw. Ewan ko kung anong problema nun at nanipa na lang bigla. Sinagot ko lang siya ng maayos at tapat, yung walang bahid ng kasinungalingan at pagkukunwari. Anung masama dun? Haaayy... Ang gulo talaga niya minsan.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa lamesa. Mabilis lang sana ang pag-uusap nila nung babaeng matakaw. Inaantok na ako eh...

"Hi! Oppa!!"

Nag-angat ako ng tingin. Napansin kong may babaeng nakatayo sa tabi ko. Walang paalam niyang in-occupy yung inupuan kanina ni Chen at humarap pa sa akin.

"Hello..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Malay ko ba kung anung pangalan niya.

"J-Jessie. Jessie ang name ko." sabi niya sabay lahad ng kamay.

I reached for her hand and shook it. "Jessie... I-ikaw yung kasama nung kausap ni hyung, diba?"

She enthusiastically nodded. " Yeah! She's my friend."

"Ahh.."

Wala pang dalawang segundo ang lumilipas, nagsalita agad siya.

"Ah, Lay? Alam mo ba, fan ninyo kami. Matagal na. Hindi naman sa naumpisahan namin kayo pero 2012 pa din yun. Ikaw ang pinakagusto ko sa inyong lahat!" She then spread her arms. Siguro para i-emphasize yung word na "lahat". Nakangiti ko lang siyang tinitigan. Nakakatuwa syang panuorin eh.

"Really?"

Tumango siya. "Oo! Pero nung una, si Chen ang gusto ko. Sa inyo kasing EXO-M, mukha niya ang pinakatumatak sa akin. Tapos may nakita pa kong picture ni Chen na naka-duck face siya. Ayun! Nalaglag ang puso ko."

Tumawa siya pagkatapos. Madaldal pala siya. Wala sa itsura niya, huh? She looked like a snob. Isa pang napansin ko, medyo singkit siya.

"Nun ko nakita si Kai. Inakit niya ko kaya siya na naging bias ko. Ang sexy niyang sumayaw, ang gwapo niya, ang cute niya at ang hot niya pag nakangiti..."

"Eh, pano mo..."

"... Parang bina-vacuum niya lahat ng oxygen sa katawan ko..."

"...ako naging..."

"...Ganun ang epekto niya sa akin!"

"...bias?"

Habang sinasabi ko yun, unti-unting nawala yung ngiti ko. Nakakatuwa lang pala siyang panuorin. Pag kausap mo na, manghihina ka. Parang hinihigop nya ang energy mo habang nagkukwento siya. Madedrain ka at tuluyan nang mawawalan ng gana.

"B-bias? Anung meron sa bias?"

"W-wala." She shrugged her shoulders.

"Ganun? Hmm...Sige. Nasaan na nga ba ako?"

I looked away. "E-ewan ko. Alam mo naman ako makakalimutin—"

Pumitik siya bigla, napatigil tuloy ako sa pagsasalita. "That's it! That's one of the reasons kung bakit kita naging bias. Nag-umpisa lahat nung may makita akong edited picture mo. May kasama ka dung puppy and you were so adorable then kaya ayun! Hindi ko ine-expect na may ganung soft side ka. New EXO Stan pa lang ako nun kaya month lang ang alam ko. To be honest kasi, takot ako sayo dati. You look so strict tapos di pa kita nakikitang nakangiti. Nung nakita ko yun, naging bias na din kita. Idagdag mo pa ang galing-galing mong sumayaw."

Napakunot-noo ako nang makita ko siyang inangat ang kamay at ikinumpas. Sasayaw ba talaga siya??

She paused, took a deep breath and talked again. Akala ko, titigil na siya. Yung tipong napagod na ang panga niya. Parang naririndi na kasi ako. Ang daldal niya! At isa pa, kailangan ba niyang i-act lahat ng kwento niya??

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon