Superman? No.

10 1 0
                                    

*
3RD PERSON'S POV

"S-sige na, Se. Bumaba ka na. For sure, hinahanap ka na ng mga hyung mo," utos ni Suho sa nakaupong si Sehun sa tabi niya. Yes, people. For the first time ay late nagising ang mahal na leader ng EXO. Hanggang ngayon, nakahiga pa rin siya sa kama kahit na 7:30am na, na siya namang oras ng breakfast nila.

Nag-pout naman si Sehun. "Ayoko, hyung. Hindi ako kakain hanggang hindi ka pumapayag na sabihin ko sa kanila na---"

Agad namang tinakpan ni Suho ang bunganga ni Sehun. "Please, wag na lang at wag ka ring maingay. Itatapon ko si Pinkeu Pinkeu, sige ka."

In fairness, natakot ang maknae sa lame na pananakot ng hyung niya sa kanya. Mahalaga sa kanya si Pinkeu Pinkeu, hindi siya makakatulog kapag wala ito sa tabi niya. Kaya kahit hindi siya pabor sa paglilihim ng kanyang hyung, wala na siyang nagawa kundi ang tumango. He loved his plushie that much.

Nagbuntong-hininga si Sehun. "Sige, hyung. Uhm, itatakas na lang kita ng food tapos dadalhin ko dito. Okay na ba yun?"

Ngumiti naman si Suho at itinaas ang kamay para sana guluhin ang buhok ni Sehun pero na-realize niya na nakahiga pala siya at kahit na nakaupo ang maknae nila ay hindi pa rin niya ito maabot kaya t-in-ap na lang niya ang braso nito. #GwapoPeroMaliitProblems

"Salamat, Se. Baba ka na. Uminom ka ng gatas, huh?" bilin niya rito.

"Yes, hyung," sagot nito bago tumayo at isinara ang pinto.

Ipinatong ni Suho ang braso niya sa noo niya at pumikit. He let out a loud sigh. Teka, nakaka-bother na. Ano nga ba talaga ang problema ni Gramps? Perks of being matanda na ba ang nararamdaman niya?

He coughed and coughed and coughed again. Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya, hoping to stifle another cough that was threatening to come out of his now dry mouth. Pero dahil ilang araw na niya itong iniinda at pinababayaan ay lumala ang simpleng ubo niya. Hindi lang yun. He was burning, literally. (Pwede rin daw figuratively. Naks, si Joonmyeon. Kumi-Kris ang level ng confidence!)

Napailing si Joonmyeon sa pinagsasabi ng kung sino mang nagna-narrate ng chapter na ito. Napaubo na naman siya and this time, hindi niya ito napigilan. Sunod-sunod yun at natakot siyang may makarinig kaya dumapa siya sa kama at ibinaon ang mukha sa unan niya.

He was grateful they were free the whole week. He couldn't imagine what would happen if they have any appointments. He looked bad. He felt bad. Ni hindi siya makatayo. Sa pagkakaalala niya, may lagnat at ubo lang siya. Bakit parang nalumpo na rin yata siya?

His train of thoughts were interrupted by a soft knock. Nanlaki ang mga mata niya. That should be Sehun! Dahil kung hindi, matinding paliwanagan ang mangyayari at yun ang huling bagay na gusto niyang mangyari ngayon.

"U-uhm, L-leader Kim?"

For some reason, he felt his heart race. Si Jrace! He panicked. Hindi pwedeng may makaalam na may sakit siya bukod kay Sehun.

He stayed silent. Sana, isipin na lang nito na tulog siya. But then again, nasira ang plano niya. Tulad ng biglang pagsulpot ni Jrace sa harap ng kwarto niya, bigla rin siyang napaubo at huli na para mapigilan pa yun. Napasabunot siya ng buhok. Naiinis siya!

Katok. "L-Leader Kim, okay ka lang ba?" Katok ulit. "B-buksan mo yung pinto, please?" Katok pa more. "Kim Joonmyeon!"

That surprised him. Ngayon lang siya tinawag nang ganun ni Jrace at first time rin siya nito gamitan ng ganung tono. She sounded so annoyed.

He coughed again. "I-I... I c-can't, Jrace. I... I just can't."

Nakarinig siya ng footsteps palayo. He sighed in relief. Okay, hindi talaga siya na-relieve dun. He was more like, uhm, disappointed? Kahit naman kasi gusto niyang umalis si Jrace, he somehow hoped she would stay. Haay. Ganun ba talaga kapag may sakit? Magulo ang utak?

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now