First Encounter II

119 4 2
                                    

CHEN'S POV

Napalingon ako sa paligid ko at pagkatapos, sa relo ko. Halos kalahating oras na any nakalipas, ah. Nasaan na kaya as Xiumin-hyung?

"Ang tagal naman ni hyung."

Inangat ni Luhan ang tingin niya mula sa phone niya. Natatawang ipinakita niya ito sa akin.

"Nag-text na 'ko sa kanya. Sabi ko, bilisan niya." -Luhan

"Great. Parang gusto ko na rin tuloy kumain ng baozi." Lay followed it with a laugh. Maski ako, natawa sa sinabi niya.

"Don't tell me nahahawa ka na sa pagiging baozi lover ni hyung."

Lay pouted. "Medyo lang. Masarap kaya."

I suddenly froze. Luminga-linga ulit ako sa paligid, hoping na may makikita akong sagot as problemang dinaranas ko ngayon. Ugh. Bakit kasi ngayon pa? Hindi ba pwedeng i-delay muna?

"M-may problema ba, Chen?" -Luhan

Napatingin ako bigla sa kanilang dalawa. "B-bakit?"

"Nag-aalala ka ba kay hyung? He'll be fine, don't worry." Lay then smiled.

"Oo nga. Pabalik na siguro yun." - Luhan

Ita-tap na sana ni Luhan ang balikat ko pero iniwas ko yun.

"Whoa! Bakit?" -Luhan

The two gave me prying looks. Napaiwas tuloy ko ng tingin.

"Oo. Nag-aalala ako pero hindi yun ang dahilan kung bakit hindi ako mapalagay."

I put my two knees together and bent over. Kailangang mailabas ko na ang pesteng nagbibigay sa akin ng uneasiness na 'to.

"Chen, okay ka---" -Lay

"I-I need to pee!"

Then, there was silence. After a few seconds, bigla na lang silang tumawa. Naiinis akong tumayo at tinungo ang bike ko.

"Hanap ka na lang ng public toilet!" -Luhan

Sumakay na ako sa bike ko at tumingin sa kanila. "That's what I'm gonna do, okay? Hintayin ninyo ko, huh?"

Natatawang kumaway sa akin si Lay. "Sumabay ka na kay hyung, Chen!"

Lampas limang minuto na akong nagba-bike nang may makita akong public toilet. Dali-dali kong p-in-ark ang bike ko at pumasok dun.

"Ugh...Sa wakas... Whew!"

Lumabas ako agad dun at pinuntahan ang bike ko na naka-park sa hindi kalayuan. Palapit na ako dun nang may babaeng kumuha ng bike ko at sumakay dun.

"T-teka! Bike ko yan!"

Parang walang narinig yung babae. Tuloy-tuloy lang siyang nag-pedal palayo.

"Hoy, magnanakaw! Ibalik mo bike ko!"

Hinabol ko agad yung magnanakaw ng bike ko. Grabe, huh? Kababae niyang tao, ganyan siya?!

"Aray!" -Girl 1

"Sorry."

"Hey! Magdahan-dahan ka nga." -Boy 1

"Uhm, sorry."

Ang dami ko nang nabangga kaya ang sakit na ng mga braso ko. Kulang na lang, madapa ako sa kakahabol ko sa babaeng yun. Pero nakakainis kasi kahit nasa 4th octave na ang taas ng boses ko, hindi pa rin niya ako marinig.

"Tigil!"

Lalo lang niyang binilisan ang pagba-bike. Nang-aasar talaga 'to, eh. Nag-smirk ako. Ayaw niyang tumigil, huh? Let's see.

I ran as fast as I could. At nung naabutanko siya, literal siyang napanganga.

"Chen-oppa?! Bakit---Bakit mo ako hinahabol?!"

"Anong bakit?! Ninakaw mo kaya bike ko!"

"Hindi ko 'to nina---Aaaaahhhh!!!"

Bigla na lang siyang nawalan ng balanse at natumba. Teka! Ano bang ginawa ko?

Lalapitan ko na siya para tulungan nang mapatingin ako sa bike ko. Muntik na akong mapamura nang makita ko kung anong nangyari dito.

"Aww..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya at tumayo. "Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay habang napagpag siya ng damit niya. "Ano sa tingin ko ang ginawa ko? Hinabol kita dahil gusto ko lang namang kunin ang bike konaninakaw mo."

She mimicked me. "Ninakaw?! Hiniram ko lang ang bike mo."

"Hiniram? Nagapapatawa ka ba?"

"How I wish pero hindi, eh."

Sinulyapan ko ulit ang bike ko at napapikit sa inis. Asar naman! Ang gusto ko lang naman, eh, mailabas na ang pesteng nagpapahirap sa akin tapos ganito pa ang nangyari. Sira na ang bike ko! Paano ako makakauwi niyan? Nakakainis naman, oh.

"Tingnan mo nga ang ginawa mo sa bike ko!"

Nun naman siya napatingin dito. Na-deform ang gulong nun sa unahan at naputol pa ang kadena. Ugh! Nag-iinit ang ulo ko kapag napapatingin ako sa bike ko.

"U-uhm, sorry, oppa. Hindi ko naman gustong masira ang bike mo, eh. Ikaw kasi. Bigla ka na lang sumulpot tapos parang gusto mo pang humarang. Malamang, iiwasan kita kaya---"

"At talagang ako pa ang sinisi mo! Hadn't you stole my bike, hindi sana 'to masisira."

Her face suddenly went stern. "Bakit hindi mo muna tanungin kung bakit ko ninakaw yung bike mo? Baka naman kasi valid, di ba?"

That left me chuckling. "Don't try to push your luck, lady. Valid man o hindi, mali pa rin yung ginawa mo. But don't worry. Hindi kita ipapapulis. Mabait ako, eh."

Yun lang at iniwan ko na siya bitbit ang sirang bike ko. Kainis talaga. nasira pa bike ko but at least, nabawi ko, di ba?

Haay. Bahala na. Lalakarin ko na lang pabalik kina Lay-hyung.

Once Upon a Time in South KoreaWhere stories live. Discover now