First Encounter VI

76 4 0
                                    

KAI'S POV

"Uh, Jjangga, stop it! Nakikiliti ako!!" saway ko kay Jjangga na patuloy akong dinidilaan sa pisngi.

Hindi naman ito tumigil kaya ibinaba ko na ito at hinaplos ang ulo nito. Nun ako napatingin kina Monggu. Naka-puppy eyes ito at si Jjanggu naman ay naka-tilt ang ulo. Those two sure were jealous. Natatawa ko silsng kinuha at nilaro.

"Oh, nagseselos kayo?" Bilang sagot ay kumahol ang mga ito.

"I knew it. Na-miss niyo ako,'no?" They both jumped. Nakakatuwa. I missed them all.

"Subukan mo silang buhating tatlo. Tingnan mo kung gaano sila kabigat.."

Ngitian ko siya. "Oo nga,eh. Si Monggu at Jjanggu pa nga lang buhat ko, mabigat na, eh." Inilapag ko na si Monggu. Si Jjanggu naman ay iniwan kong nakaupo sa lap ko.

"Lalo ka na. You seem to be getting heavier everytime we meet. Nag-e-exercise ka ba?"

Napatawa ako nang humiga lang si Jjanggu. Binuhat ko naman siya hanggang sa mapatapat na siya sa mukha ko. "Ano? Jogging tayo?"

"Mabuti pa nga. Baka sakaling lumamig pa ulo ko."

Napatingala ako kay hyung. Nakaupo naman kasi ako, okay? At siya naman, nakatayo. So wag na kayong magtaka. Yun nga, napatingala ako sa kanya. He wore a straight face.

Nag-pout ako. "Ano ba kasing nangyari? Hindi mo pa nakukwento, eh." Umupo siya at hinawakan ang ulo nila Jjanggu, Jjangga at Monggu.

"Mamaya ko na sasabihin. You don't want to spoil your mood, right?"

Tumayo na siya. Napilitan din tuloy akong tumayo. Bakit parang ang drama ngayon ni hyung? Oh, well.. Lagi naman.

***

I panted and let the cold evening breeze calm my fast heartbeat. Napatingin ako sa relo ko. Lampas 30 minutes na pala kaming natakbo

Napa-smirk ako.

"Ano? Kaya pa?" Sabi ko kay Suho.

Nakaupo siya at humihingal na lumingon sa akin. He gave me a chuckle in return.

"Pahinga muna tayo, Kai. Kanina pa tayo natakbo, eh."

"Fine, hyung." sagot ko at saka tumawa nang mahina.

Napatingin ako sa mga aso ko. Maski sila, pagod. Nakaupo si Monggu. His tongue was stuck out. Si Jjangga naman, nakahiga sa semento. At si Jjanggu naman, siguradong yun ang pinakapagod. Malamang-- si Jjanggu?! Napatingin ako sa mga leash na hawak ko. Dalawang leash lang! Wide-eyed akong tumingin kay Suho.

"W-what?" tanong niya.

Pasimple kong tinitigan kung nandun si Jjanggu sa tabi niya. Baka kasi natripan lang nun na tumabi kay Suho. Tumayo pa ako at umikot sa paligid niya.

"Hey! Bakit ba? Nahihilo na ko sayo, eh."

Napakamot pa siya ng ulo. Magsasalita pa ata siya nun pero naunahan ko ng pagtulak sa kanya palayo.

"Kai, ano ba?!"

Nun ko siya hinarap. Nag-umpisa na akong kabahan.

"Hyung, s-si..."

"Sino?"

"S-si Jjanggu kasi... Nawawala, eh!"

Halos mapatalon siya sa gulat. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano.

"That's not a good joke,Kai."

I tsked. "Who's joking here, hyung? Seryoso ako pagdating sa mga alaga ko."

Once Upon a Time in South KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon