"Mommyyyyyyyyyyyyyy!" sigaw pa nito.
"Omygod!" pagyakap ng ina dito.
"Mommy ba't ka ba naiyak?" nakangusong tanong nito sa ina matapos kumalas ng yakap.
"Ikaw kasi, Joy! Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Alice dito.
"Saan ka ba nagpunta, baby?" tanong ng kaniyang ina.
"Ah... nagpapasama po kasi ako kay Ma'am kasi pu iihi pu aku e. Di rin po kasi kita makita, Mommy kaya pu kay Ma'am po sana kaso po di pu aku pinapansin pu kaya pu ako nalang pu mag-isa hihi!"
Ang lahat naman ay napatingin sa tinurong guro ni Joy at makikitang agad namang namutla ito dahil sa sinabi ni Joy.
"H-h-hindi ko po alam---" pagdedepensa ng guro habang umiiling pero natigil siya ng tumayo si Eliza at nilapitan ito.
"Pagkatapos ng tour na 'to, siaiguraduhin kong masisisante ka na!" pagbabanta nito na lalong ikinaputla ng guro.
"M-ma'am wag po! Ma'am s-sorry po---"
"Tara na, baby."
"Okay, kids! Tara na sa bus at tuloy na ang tour!" masayang sigaw ng announcer at napuno naman ng hiyawan ang buong court dahil sa mga bata.
"YEHEY!"
"Hindi ba masyado ka namang naging harsh doon sa teacher, Eli?" nag-aalalang tanong ni Alice.
"She deserved that." naisagot na lamang ni Eliza sa kaibigan at nagpaalam na ng sumakay na silang mag-ina sa bus.
Nakangiti pang kumakaway si Alice sa nakangiti ring mag-ina aa loob ng bus bilang pamamaalam. At nang makaalis na ng tuluyan ang bus ay saka sumeryoso ang mukha ni Alice at napangisi.
"You deserve to die naman..." mahinang bulong nito.
"Papunta na sila sa Aquahoney Building. Ihanda niyo na ang bomba." usap ni Alice sa cellphone at sumakay na sa kotse.
"Baby, dapat nagpasama ka sakin, hinanap mo dapat ako. Hindi 'yung mawawala ka ng gano'n. Don't repeat it again, okay?" sambit ng ina sa anak.
Nakangiti namang tumango ang bata sa ina at muling tumingin sa bintana ng bus saka nawala ang ngiti nito.
'Bakit kaya biglang sumama 'yung tingin ni Tita Alice kanina?'
aniya sa isipan.
"What are you thinking, baby?" tanong ni Eliza.
"Hahaha! Naisip ko po, Mommy... masasaulo ko na po 'yung honeybunch song hihi! Tapos nagiging kaboses ko na po 'yung batang kumakanta! Hahahaha!" masayang usap nito at hindi sinabi ang tunay na iniisip.
Napangiti naman ang ina at hinaplos ang buhok nito.
"Good job, baby." aniya at niyakap ang anak.
"Mommy, binigyan pala ako ng pera ni Daddy hihihihi!" bumubungisngis na sabi ni Joy.
"Oh?" nakangiting tugon ng ina, "Magkano naman?"
"Wantawsan! Hahahahaha!" masayang masayang wika ng batang si Joy na ikinatuwa naman ng ina.
"Ano namang ibibili ng baby ko sa one thousand?"
"Secret! Hihihihi!" sagot nito at tumawa na lamang ang ina sa kakulitan ng anak.
Ilang oras pa ang itinagal ng byahe kaya naman nakatulog na ang mga bata sa loon ng bus at tanging mga magulang na lamang ang gising. Habang si Eliza naman ay pinagmamasdan ang anak at siyang haplos nito sa buhok ng bata.
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
Chapter 26: Flashback 0.1
Start from the beginning
