Untitled Part 100

1.1K 65 8
                                    


Nagising si Olivia na nasa isip ang imahe ng kutsilyo sa dibdib ni Trini. Pero sa panaginip lang niya mali ang posisyon niyon, hindi sa totoo....hinagip niya ang nagba-vibrate na cell phone sa bed side table.

"Tito Ante." Sagot niya sa tumatawag.

"Nandito ako, malapit sa building mo. Hindi ko alam kung gusto kitang kausapin o hindi."

"Tito, tumuloy ka na dito. Para ka namang hindi sanay."

"Baka daw bukas ay may resulta na ang ginawa nilang pag-eksamin kay Trini..."

Nagtagis ang bagang ni Olivia, "They won't find anything."

Tumahimik si Tito Ante.

"Tito? And'yan ka pa? Akyat ka na lang dito."

She heard a sigh and the call ended. Nagbihis siya at nag-init ng tubig. Pero malamig na ang tinimpla niyang kape nang kumatok si Tito Ante.

Pinatuloy niya ito, "Kala ko nagbago na ang isip n'yo, hindi ko matawagan ang phone n'yo"

"Na-drain." Sabi ng matandang lalaki. Payat pa rin ito. Medyo humukot na ang likod. Makintab na ang ulo. Nakasalamin. He was in his sixties o baka seventy na, hindi sigurado si Olivia sa edad nito.

Pinaupo niya ito sa salas, "Kape na lang muna tayo, kain na lang tayo mamaya sa ibaba, dun sa favorite mo."

Napangiti ito, "Salamat."

"Wag kang mag-alala sa result nung exhumation, Tito. Idedemanda ko pa 'yang sina Ricky pagkatapos. Hayaan natin silang umasa. Hintayin natin ang sasabihin nila--"

"K-Kung kukunin ba kitang abogada, atin-atin lang ang sasabihin ko?" Tanong ni Tito Ante.

"M-May demanda ba kayo?" Mahilig rumaket si Tito Ante, kug minsan ay nalalagay sa alanganin, pero hindi naman nauuwi sa nadedemanda talaga ito. Kapag napayuhan ni Olivia ng gagawin ay nagkakaige na.

"Hindi ko rin alam kung sa 'yo ako dapat lumapit."

"Ano po ba 'yun?"

Napahikbi ang tiyuhin ni Trini, "Mapatawad mo sana ako sa ginawa ko. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko pero wala akong nagawa para sa kanya nung buhay pa s'ya--"

"Minahal mo s'ya Tito. Inalagaan mo s'ya nung walang gustong dumamay sa kanya. Alam ni Trini 'yun, mahal na mahal ka rin n'ya. Ikaw ang totoong ama para sa kanya."

"Makinig ka, Olivia. Makinig kang mabuti. Pagod na pagod na si Trini noon. Araw-araw s'yang umiiyak, ayaw kumain, ayaw lumabas. Wala akong magawa. Kahit ano'ng sabihin ko, kahit ano'ng gawin ko, pagod na s'ya. Nagmamaka-awa s'ya, bitiwan ko na s'ya. Pakawalan ko na s'ya."

""Wag, Tito...please--" Nanginig ang katawan ni Olivia, "Please don't. She had been doing well....masaya s'ya nung nagkita kami kina Rius noon, ang takaw pa nga n'ya --"

"Dahil 'yun ang gusto n'yang ipakita sa 'yo. At kahit paano nga siguro, kapag kasama ka n'ya, sumasaya s'ya. Pero hindi kayo laging magkasama. Imposible 'yun, eh."

"Pero may trabaho s'ya....n-namasukan pala s'yang yaya."

Tumango ang matandang-lalaki. "Hindi ko rin alam noong una. Siya na rin ang nagsabi sa akin. Doon raw s'ya namasukan sa nakatanggap ng puso ni Corey. Nalaman n'ya kakatugaygay kay Marife. Naaalala daw nung bata ang nangyari. Napapanaginipan. Pinagdugtong-dugtong ni Trini ang mga kinukwento nung bata, inalam niya kung totoo.

Time After TimeWhere stories live. Discover now