OH, SHIT...OH, GOD...OH, SHIT. I'M OUTTA HERE..." DALI-DALI NIYANG ISINUOT ang pantaloon, hinagilap ang backpack at ipinagsisilid doon ang mga gamit. "Nasaan pa? Nasaan pa?" Hindi puwedeng may maiwan siya doon, delikado. "Ah!" Pumasok siya sa banyo, kinalkal ang basurahan hanggang makita ang hinahanap. Gamit na condom.
Ano'ng gagawin niya?
Finlush niya sa toilet.
At para na siyang itinudla palabas. Pero may nakaharang dalawang higanteng security guards sa daraanan niya.
"Mr. Tuazon." Sabi ng isa, nasa fifties, mukhang retired na wrester.
"Uh, yes, sir." Sagot niya. What is going on?
"May natanggap kaming complain tungkol sa 'yo. Iimbitahan ka muna namin sa opisina."
Complain? Nicky had the gall to complain about him?!
"I didn't do anything...where is she?"
"Sumama ka na lang muna sa office namin, sir."
"Ano ba 'yung complaint?"
"Disrupting the peace and quiet, Sir." Sabi ng Hulk Hogan look-alike.
"Ha?"
"Nangangalampag ka ng pinto ng may pinto, sir." Sabi ng kasama ni Hulk Hogan, si Mr. T minus the blings.
"Ah..." Tango niya. "I can explain that. Kasi Sir, nananaginip ako. Naglalakad ako ng tulog. Bata pa ako, nangyayari na 'yun...pasensya na po kung may naabala."
"Sa opisina ka na magpaliwanag, para magkaintindihan kayo ni Attorney."
"Attorney?"
"Opo, Sir. Si Attorney Teves ang nagrereklamo."
Pag minamalas ka nga naman, sa loob-loob niya. Attorney. Abogado. Lawyer. Pag tumakbo siya, tiyak ipapa-blotter na siya. Pag hinarap naman niya, baka hanapan pa siya ng pruweba galing sa therapist.
Hinawakan na siya sa likod ng mga braso ng dalawang higante.
![](https://img.wattpad.com/cover/191713243-288-k243290.jpg)
YOU ARE READING
Time After Time
RomanceThe year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was year 2005. She was still sixteen. Everyone she knew told her she'd been missing for over fifteen years.... But she could not remember anything...