Untitled Part 59

1.4K 84 4
                                    


IKINANDADO ni Marife ang pinto at kinuha ang supot sa bag bago sumalampak ng upo sa kama ni Olivia.

Sabik na binuksan ni Olivia ang supot. May laman iyong mga chocolates, pastries, mga hiwa ng cake--chocolate at mocha, brownies, bukayo. May maliit na jar pa ng peanut brittle.

Pero bigla siyang nanlumo, "I can't eat these. I'm not supposed to anymore." Twenty-pound na siyang overweight. Pre-diabetic na daw siya at kung hindi siya titigil sa kakakain, magiging diabetic na siya. Side- effect raw ng iniinom niyang anti-depressant ang over eating.

Ilang buwan na siyang umiinom nga gamot para sa depression. Simula noong magtangka siyang magpatiwakal.

"Pero kailangan mo ang sweets kasi, pampaganda ng mood ang sugar. Kailangan ng brain natin ang sugar." Sabi ni Marife, binalatan ang Reese, "Tsaka, once a week lang naman kita dinadalhan n'yan."

Once a week nga, good for a month naman ang dala-dala nito. Napabuntonghininga si Olivia. Kung hindi naman niya pagbibigyan ang cravings niya sa matatamis, hindi naman siya mapapakali. She would be restless, agitated, anxious.

Eating calmed her.

"Uy, may bago ka na namang pimple." Itinuro ni Marife ang mukha ni Olivia. "Sobrang in love ka na." Tumawa pa ito.

Ayaw nang manalamin ni Olivia. Hindi niya kilala ang nakikita doon. Pangit na babae.

And yet, she had no desire to look good.

Wala siyang pakialam.

Basta gusto lang niyang kumain.

Kumagat ng Reese si Marife, "Binangungot ka na naman daw?" Itinapat nito sa bibig ni Olivia ang Reese.

Kumagat siya, "Oo, raw. Hindi ko alam. Hindi ko natatandaan kung ano ang napanaginipan ko. Basta nagising lang ako na sumisigaw."

"Wala talaga? Hindi mo natatandaan?"

Bakit ba masyadong interesado sa panaginip niya si Marife? Hindi pa rin siya lubusang nagtitiwala dito. Wala rin siyang pakialam kung makita niya ito o hindi. Si Marife lang ang punta nang punta sa kanya. At some point, she just tolerated her. Dinadalhan naman siya ng mga chocolates, e di hayaan. "Hindi nga. Hindi ko alam." Kinuha niya ang maliit na kahon ng chocolate cupcake at binuksan.

"Ay, teka, may Coke nga pala..."hinagilap ni Marife ang bag, "sana malamig pa." Inilabas nito ang Coke in can, "Pwede pa." Tinanggal nito ang tab, uminom muna bago ipinasa kay Olivia ang inumin.

Hinawakan lang ni Olivia ang softdrink, "Napuntahan mo 'yung apartment ni Trini?" Sa Maynila na nag-aaral si Marife. Business Administration daw ang kurso. Hindi raw alam ni Inay Doris kung may telephone number. May kutob si Olivia na hindi naman talaga nag-e-effort ang kanyang lolo at lola na kontakin si Trini.

"Hindi pa, eh. Exam week kasi namin, di ba? Kaya sabi ko last week, hindi ako sure. Pero after exam, mapupuntahan ko na." Sabi ni Marife.

"Please." Binalak ni Olivia na sulatan na lang uli si Trini pero wala na siyang tiwala na makakarating ang sulat niya. Bukod doon, baka buksan pa ang basahin ng kung sino na sipsip kay Inay Doris. Hindi na lang siya sumulat. May iba pa namang paraan para makontak niya si Trini.

Itinaas ni Marife ang kanang kamay, "Oo, promise. After this week, sembreak na namin...ayain ko ulit daddy mo na magswimming tayo. Malay mo,this time, kasama na natin si Trini--"

Time After TimeWhere stories live. Discover now