Untitled Part 74

1.2K 56 0
                                    


UNFORGETTABLE NGA RAW KAY MANONG FRED ANG PROM NIGHT NINA OLIVIA, pero dahil iyon sa nangyari kay Corey. Ang malinaw lang sa ala-ala ng security guard ay kung paano ito nakiusap sa isang may sasakyan doon na ihatid ito sa bahay nina Corey para masabi sa magulang nito ang nangyari. Nagkakagulo pa daw ang mga teacher, mga taranta. Hindi makatawag dahil nasa opisina lang ang telepono at nakasusi iyon. Kaya nagkusa na si Manong Fred sadyain ang bahay nina Corey. Mama pa lang daw ni Corey ang nasa bahay, isinakay na rin iyon nina Manong Fred papunta sa ospital.

Nanghihilakbot si Olivia habang ikinukuwento iyon nina Rius. Gaano kasakit sa mama ni Corey ang nangyari? Hindi pa niya nakikilala ang mama ni Corey pero nababanggit nito ang ina noon. Corey was fond of his mom and little sisters. Sa ama medyo asiwa si Corey na magkwento. Olivia got the impression that the man was overbearing and domineering. She was right. The man wanted her dead.

Huminto si Olivia nang makalabas sila ng wet goods section. Hindi dahil sa pagod. It was just a short walk, kailangan lang nilang sumiksik sa mga fish stalls at umiwas sa mga talsik ng tubig na iwiniwisik ng mga tindera sa paninda. She had to stop to calm herself or she'd burst into tears.

She didn't want to think about Corey's family. She had avoided thinking about them especially his mother and siblings. But now...hindi niya matakasan.

"Pwede naman tayong magtraysikel na lang." Sabi ni Rius, akala ay pagod na si Olivia.

"No, I'm fine." Huminga siya ng malalim. "Lakarin na lang natin." Mga limang bloke lang naman ang St. Filomena mula sa palengke.

Wala raw maalala si Manong Fred tungkol sa mga damit ng prom goers. Parepareho naman daw iyon sa paningin ng security guard, just as Rius thought. Pero baka raw ang misis ni Manong Fred, may natatandaan.

Laking gulat ni Olivia nang malamang iyong janitress ng school ang misis ng security guard. Ganoon rin daw ang reaction ni Trini kaninang kausap ng mga ito si Manong Fred.

Gulat rin naman si Rius na hindi pala nila alam iyon maski ang pangalan mismo ng janitress. Si Aling Yolly. At hindi kagaya ni Manong Fred na wala na sa St. Filomena dahil inilipatng ahensya sa ibang establishment, si Aling Yolly ay nasa school pa rin.

"Napanaginipan ko rin 'yun. Si Aling Yolly." Sabi niya kay Trini. Paunti-unti niyang ikinukwento dito ang panaginip niya. "It's...frustrating. If my dream was supposed to tell me what will happen, why can't I piece it together like I should?" Hindi pa rin niya alam ang sagot sa palaisipan.

"Ganun naman ang panaginip. Akala mo may sense pero paggising mo wala." Sabi ni Rius.

"Napapanaginipan rin kita ng madalas." Sabi naman ni Trini. "E, di ba, pag close daw ang dalawang tao, ung iniisip ng isa, napapanaginipan nung isa. May telepheutic connection--"

"Telephatic." Pagtatama ni Rius.

"E, di ikaw na ang honor." Sagot ni Trini.

It was a Tuesday kaya tiyak na nasa school ang janitress. Pasado alas-dos ng hapon at nagpasya sila na puntahan na rin ang ale, tutal magkakasama na sila.

Might as well, since we're at it.

No left turn stone, sabi nga ni Trini. Sinabayan nito si Olivia sa paglalakad, magkapulupot ang mga braso nila gaya ng nakagawian. Nasa likuran nila si Rius.

"Hindi naman galit sa 'yo masyado si Manong Fred." Sabi ni Trini. Iyon ang rason kaya takot magpakita sa security guard si Olivia. "Kasi daw tayong mga kabataan, kung anu-ano ang naiisipan. Kagaya ko." Tumawa ito. "Ako pa ang nasermunan. Alam daw n'ya na buntis na ako noon kasi itinuro ako ni Aling Yolly. Buntis daw 'ika ang batang iyan.Hilot pala 'yon, eh. Kumadrona rin. Tingin pa lang daw, alam na kung buntis ang babae." Pero pagkasabi niyon, natahimik si Trini.

Alam ni Olivia kung bakit kaya pinag-ige niya ang pagpulupot sa braso ng kaibigan.

"Kung....hindi nalaman ng asawa ni Raffy na umuwi ako noon..." Sabi ni Trini na parang sarili ang kinakausap.

"Hindi mo ba tinanong si...Raffy?" She didn't know how to address the man. Mas matanda iyon sa kanila pero dahil sa naging relasyon kay Trini, hindi tasahang matawag ni Olivia na Mang Raffy o Sir Raffy.

"Wala s'ya sa kanila non, eh. Pero sabi raw ng maid may tumawag sa bahay tapos biglang nagmamadali nang umalis. Galit na galit."

"Sino raw ang tumawag?" Kung si Olivia ang tatanungin, kasalanan ng caller na iyon ang nangyari kay Trini. Hindi muna inisip ang consequences ng gagawin. Makakatulong ba o mas makakagulo?

Naalala niya si Tatay Primo. Inatake dahil sa tawag ni....biglang huminto si Olivia, nilinga si Rius, "Is there a chance na nalaman ni Marife ang plano n'yo ni Corey noong prom?" Tanong niya.

"Bakit?" Si Trini pero agad nitong nakuha ang iniisip ni Olivia, "Shit."

"H-Hindi ko masabi." Kunot-noo si Rius, "Bakit?"

"Hindi lang si Corey ang nawala that night." Sagot ni Trini.

Napa-OH sa realization si Rius, "O-Oo, nga pala. Sorry." Anito kay Trini. "Pero...may kinalaman rin dun si Marife?"

"May tumawag daw sa asawa ni Raffy kaya nalaman na nandito si Trini noon. Sinugod s'ya. Naisip ko lang kasi si Marife rin ang tumawag kay Tatay Primo bago 'yun atakehin. Hindi iniisip ni Marife ang kakahintatnan ng mga ginagawa n'ya, basta makapagsumbong lang s'ya."

"Mali ka." Sabi ni Trini. "Alam ni Marife 'yun. Kalkulado n'ya ang ginagawa n'ya. Gusto lang n'yang mapahamak tayong lahat. Hindi siguro n'ya ini-expect na aatekehin ang lolo mo, pero ganun pa rin, ang purpose n'ya ay manggulo."

Hindi nahirapang sumang-ayon si Olivia kay Trini. Pagdating kay Marife, she would believe the worst.

"Bukod ba sa inyo ni Corey may iba pang nakakaalam ng plano n'yo?" Tanong niya kay Rius. "Someone na pwedeng connected kay Marife or something?"

"Naririnig siguro nung ibang tropa pag pinag-uusapan namin. Kaso, asar naman lahat 'yon kay Marife. Pero banggitin ko na rin kay Bogs." Tukoy ni Rius sa isang katropa ng mga ito noon. "Magkatabi kaming boarding house, eh. Nakakasabay ko minsan. Kaso, sa pasukan ko na siguro makikita 'yun."

Time After TimeOnde histórias criam vida. Descubra agora