Untitled Part 10

1.8K 74 14
                                    


NAKARATING naman sila sa San Lucas na buhay pa. Iyon nga lang, namamanhid ang mukha ni Olivia sa tama ng hangin at daig pa ng buhok niya ang binuhusan ng Aquanet. Hindi lang mahangin. Maalikabok rin.

"Bakit mo alam ito? Naisama ka na ni Trini dito?" Tanong niya. Nasa town proper sila, mabagal na ang patakbo ni Corey dahil ino-orient ang sarili sa daan.

"Ahhmm, may uncle ako dito, baka alam n'ya."

"Paano malalaman ng uncle mo? Kilala ba n'ya si Trini?"

Sinulyapan siya ni Corey, "Sumakay ka na lang muna, ha." Nakita naman nito ang kalyeng lilikuan, basta na lang din tumawid papasok doon.

"Hindi ba nasisira ang sasakyan kapag hindi nagkakambiyo?" Sabi niya.

"Wag ka na lang maingay."

"Kanino ba ito?"

"Sa pinsan ko."

Lumiko sila sa unang kanto pakaliwa at huminto sa tabi ng gate na berde. Dalawang palapag ang bahay sa kabila ng gate. Nasa gitna iyon ng malawak na bakuran. Sa isang gilid ay may mga nakasampay na damit.

"Sino'ng nakatira d'yan?" Tanong ni Olivia.

"Tito ko. Tara." Tumango si Corey sa kanya. Nauna itong bumaba ng sasakyan, nag-tao po sa gate.

May lumapit na ale, nakilala si Corey, "O, ano na naman kailangan mo?" Parang hindi natutuwa, sa tingin ni Olivia at nagsisimula na siyang magtaka.

"Si Tito Raffy?" Tanong ni Corey. "May itatanong lang. Pakitawag. Alam kong nand'yan, 'yan ang sasakyan, o." Turo nito sa bagong-bagong Toyota Corolla. Pula. Box type rin.

Parang nag-isip muna ang ale bago gawin ang gusto ni Corey. Pinagmasdan ito at nang nakita siguro na hindi ito matitinag, saka lang tumalikod at pumasok sa bahay.

"Sino 'yun?" Tanong uli ni Olivia.

"Si Salud. Mayordoma ni Uncle."

"Hindi man lang tayo pinapasok." Komento niya. "Ang init dito." Tanghaling tapat ba naman.

"Wala kang payong?" Sabi nito.

"Ba't ako magdadalang payong?" Who brings umbrella? Really.

Natawa si Corey, "Muka mo." Turo nito sa mukha niya pagkatapos ay kumapit sa grille ng gate, isinandal doon ang gilid ng ulo at kanda ngisi sa kanya, "Akalain mo." Anito.

"Ano?"

"Ka-date ko sa prom ang pinakamagandang dilag ng St. Filomena." He chuckled some more. "Hindi ko maarok, I cannot believe. Ikaw pa mismo ang lumapit sa 'kin. Ako na ang pinakamaswerte, talaga."

Lalong nainitan si Olivia, partikular na sa mukha. Pati puso niya, bumilis ang tibok.

Because that close, Charles was indeed good-looking. Pero hindi lang iyon ang nakikita niya. He was also...nice and funny. In a strange way.

"Hindi ka naman pala kamukha ni Gary Valenciano." Sabi niya.

"Mas guwapo ako dun, excuse me."

"Kamukha mo 'yung nasa Menudo. Si Charlie."

"Menudo? Yuuuck! Ang baduy...ang bakya mo neneng." Inuga nito ang grilles, astang inuuntog ang ulo doon.

"E, kahawig mo talaga." Curly hair, strong jawline at ang paborito niya sa features ni Corey, his wide smiling mouth. He looked like he was always ready to laugh his heart out. Tapos, mapuputi ang ngipin, pantay-pantay. Pwedeng model ng Close-Up, you're just a smile away...

"Bakit ayaw mong mag-aral nang mabuti?" Tanong niya, natatawa sa sarili. Bakit ba niya itinanong iyon?

"Nakakapasa naman ako, eh. Bakit pa 'ko mag-e-effort?"

"Paano pag nagtatrabaho ka na, hindi ka rin mag-e-effort?"

"Naks! Deeeep!"

"Magsasayaw ka lang ba habangbuhay?" Hirit pa ni Olivia. Kung bakit biglang importante sa kanya ang future ni Corey, ewan.

"Pwedeng dumalaw sa bahay n'yo?"

"Uh...bakit?" Her heart wasn't beating anymore, it was fluttering. Charles was making her uncomfortable but at the same time, giving her warm feelings.

"Papractice tayong sayaw para sa prom."

"Ha? Hindi ako sumasayaw--" sa disco lang at pwede na doon kahit kilay lang ang gumagalaw.

"Tuturuan kita--" napalinga sila pareho. May lalaking palapit sa gate.

Matangkad at mestiso rin. Parang wala pang trenta ang edad.

"Corey." Sabi nito, hindi nakangiti.

"Tito Raffy, si Olivia, schoolmate ko at best friend ni Trini. Baka naman alam mo kung nasaan si Trini, alalang-alala na 'tong si Olivia." Wala ring affection para sa tiyuhin si Corey. Obvious iyon sa tono nito ng pananalita.

"Hindi ko alam." Tumingin kay Olivia ang tito ni Corey, "I'm sorry, Miss. Pero, I'm sure, Trini's fine. Huwag kang mag-alala."

"Baka naman pwedeng ipakausap mo?" Sabad ni Corey.

"Hindi ko talaga alam kung nasaan si Trini. Hindi ka sana nagpunta dito para hanapin si Trini sa akin."

"No choice, eh." Sagot ni Corey.

Nakiusap na rin si Olivia, "Baka naman po pwede. Please po.."

"Sorry. Umuwi na kayo." Tinalikuran na sila ng lalaki.

"Anak ng--" kinalog ni Corey ang gate.

"Watch your mouth, young man!" Sabi ng uncle ni Corey pero ni hindi na lumingon.

Biglang sumigaw si Corey, "Tita! Tita Annie, yoohooo! May sasabihin ako!"

Biglang preno ang uncle nito, "Shut up or I will kill you, Corey. Hindi ako nagbibiro. I'm gonna fucking kill you!"

"Nasa'n ba talaga si Trini?" Giit ni Corey.

Buuntonghininga ang tito nito, lumapit uli ng kaunti sa kanila, "She's okay. She's in Manila. Doon s'ya manganganak. Kailangan n'ya ng bed rest kaya kung maaari, huwag n'yo s'yang guluhin."

Napamata kay Corey si Olivia.

Iniwan na uli sila ng uncle nito.

"Okay naman pala. Wag ka na tayong mag-alala." Sabi ni Corey.

"Madami kang dapat ipaliwanag sa 'kin, Corey."

"Sa isang kundisyon."

"Ano pa nga ba?" Lagi na lang may kundisyon.

"Kain muna tayo, hindi pa 'ko nagla-lunch."

Napangiti si Olivia, "Ako rin gutom na." Hindi naman niya nakain ang sandwich niyang pisak na.

Time After TimeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz