Untitled Part 64

1.1K 54 5
                                    


ANG kakapal ng mukha n'yo na lokohin kami sa sarili naming pamamahay." Dinuro sila isa-isa ni Inay Doris, pero kay Ate Ellen huminto ang kamay nito, "Umalis ka na sa pamamahay ko. Hindi kita matatanggap kahit kailan. Dalhin mo 'yang bastarda mo! Hindi ko apo 'yan!"

"Inay--"

"Huwag mo akong matawag-tawag na inay! Dahil sa kalokohan mo, Gregorio, namatay ang ama mo! Pinatay n'yo s'ya! Kayo ng babae mo! Pati n'yang anak mong luka-luka! Wala ka nang dinala sa bahay na ito kung hindi kahihiyan! Niloko mo pa kami! Umalis na kayo! Lumayas kayo!"

"Inay, wala kang kasama..wala na ang tatay--"

"Pinatay mo ang ama mo! Patayin mo na rin ako! Pabayaan mo na ako! Hindi ko kayo kailangan! Kahihiyan lang ang alam n'yong ibigay sa akin! 'yang anak mo, kriminal! Mamamatay-tao! 'yang babae mo, puta! Magnanakaw!"

"E, di umalis." Sabi ni Ate Ellen, "Halika na, Olivia, tulungan mo ako mag-empake."

Sumunod si Olivia. Naiwan sa salas ang daddy niya na nakikiusap, humihingi ng tawad kay Inay Doris.

"Paano nila nalaman?" Tanong niya kay Ate Ellen pagpasok nila sa silid na ginagamit nito.

"May nagtsismis."

"Si...Manang Udes?"

"Hindi. S'ya nga ang nagsabi sa 'kin na alam na ng Inay Doris. May tumawag daw noon bago mag-collapse ang Tatay Primo. Pagkatapos, de sinabi ng inay sa tatay kung ano ang sinabi nung tumawag. Dinig daw ni Manang Udes, nangangatal sa galit ang inay habang nagsusumbong tungkol sa amin ng daddy mo. Mayamaya, sumisigaw na. Natumba na pala ang tatay."

And they had just buried him. Kauuwi lang nila galing sa sementeryo. Ni hindi pa dumarating ang mga kapatid at iba pa nilang kamag-anak na doon rin muna tutuloy sa bahay.

Hindi na nakatiis si Inay Doris. Sinumbatan na sila.

"S-Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay Ellen.

"Doon muna sa townhouse. Nasa akin pa naman ang susi. Bahala na ang daddy mo sa sarili n'ya kung susunod s'ya."

Lihim na natuwa si Olivia. Mas gusto niya sa bahay nila sa Maynila, kung siya ang tatanungin. Isa pa, inis na inis na siya sa kanyang lola dahil sa pagtrato niyon kay Ate Ellen at Tiff.

Nalulungkot lang siya para sa kanyang yaya. Nasasaktan siya sa masasakit na salitang naririnig patungkol dito.

"Sino kaya ang makating-dila ang tumawag at nagsumbong?"

"Si Marife." Sagot ni Ate Ellen, pinagkukuha na ang mga damit sa aparador. Kanda tulong si Tiff, tuwang-tuwa akala ay naglalaro sila.

"Ha?"

"Sabi ni Manang Udes. Siya ang nakasagot sa telepono, eh. Kakausapin daw si Inay o si Tatay. S'ya ang mas dapat sisihin ng lola mo. Kabata-bata pa ay intregera."

Time After TimeWhere stories live. Discover now