Untitled Part 46

1.2K 60 0
                                    


SORRY." Tinabihan ni Olivia sa unahang pew si Micky. "Ngayon lang ako nakalabas."

"Tumakas ka na naman."

"Nagpaalam ako. Kay Dad." Pero hinintay muna niyang umalis ng bahay si Marife bago pinatawagan kay Manang ang ama. "Sabi ko, magsisimba ako." Hindi nga lang niya sinabi kung saang simbahan. Hinayaan niyang isipin ng ama na doon siya pupunta sa kanilang simbahan. "Ito pala." Ibinigay niya kay Micky ang dalang paperbag, "Tinapay lang 'yan, ha. Binili ko sa bakery d'yan sa malapit. Ayokong dalhan ka ng galing sa bahay. Baka may lason."

"Ha?"

Sinabi niya ang kutob nila ni Tiff.

"P-Paano kayo kakain?" Tanong ni Micky pagkatapos.

"Kutob namin 'yung mga groceries ang may lason. Gatas, oatmeal, Milo. Pero 'yung mga niluluto ni Manang, wala kasi 'yun rin ang kinakain nila dad."

"Testengin n'yo sa...pusa." Sabi ni Micky.

"Kawawa naman ang pusa."

"Yun nga lang. Sa daga na lang."

"Wala naman daga sa bahay."

"Sa langgam. Pag hindi nilanggam kahit matamis....o kaya, pag nangamatay ang langgam or langaw--"

"We have a better idea." Sabi niya. "May sinabi pa sa 'kin si Tiff...punta tayo sa Valencia's Micky. Hanapin natin 'yung matandang hilot."

"Valencia's....dun..."

"Kilala ng matandang hilot doon ang mama mo, Micky. Pwedeng alam nun kung sino ang pumatay kay Trini. Nakausap si Tiff ang matanda, nagkuwento daw tungkol sa babaing pinatay doon."

"Ano'ng pangalan nung hilot?"

"Yolly."

Time After Timeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن