Untitled Part 20

1.4K 56 1
                                    


ANG PROM RAW O PROMENADE BALL AY GABI RIN NG PAMAMAALAM. Nagpapa-alam na sila sa paaralan, sa mga kaklase, sa mga guro. Nagpapaalam na sila sa buhay high school.

Principal na nila ang nagsasalita. Nagsimula ito ten minutes na ang nakalilipas, pagkatapos ng National Anthem at dasal. Hindi naman talaga nakikinig si Olivia pero tinamaan siya sa sinabi ng ginang tungkol sa prom.

Pamamaalam. Tinamaan siya in a way na, nagkaroon ba siya ng chance dati na magpaalam? Hindi siya nakapagpaalam sa kanyang mommy. Nalaman na lang niya, wala na iyon. Hindi man lang niya nakausap o nayakap.

Nang magdesisyon ang daddy niya na ilipat siya ng school, bigla rin. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga kaibigan. Pinili niyang huwag nang tawagan ang mga iyon dahil simula naman nang mamatay ang kanyang mommy, parang wala na rin siyang mga kaibigan.

Now she thought of them. Siguro, nagpa-prom din ang mga iyon, o magpa-prom pa lang. O tapos na. Naalala kaya siya ng dati niyang school?

"This night will never happen again. You will never be sixteen forever. I want you all to have a great time. Let this be a night to remember with a smile and a joy in our hearts. So, without further ado, young ladies and young gentlemen, let's make memories."

Everybody cheered. Namatay ang ilaw sa entablado, natira lang ang disco lights. A song played and unplayed , seemingly in sync with the lights as the DJ scratched the record again and again.

Stop and go, atras-abante ang tugtog habang patuloy na pinaglalaruan ng dj ang plaka. Pati sayaw nila, ganoon rin. Kagrupo si Olivia ng mga kaklase sa dance floor pero para rin siyang nag-iisa. But it was her, not her classmates. Siya ang may detatchment sa mga ito dahil, to be honest, she didn't mind saying goodbye to them. She had no memories to make with these people.

You to me are everything, the sweetest song that I can sing, oh, baby..oh, baby...

She thought of Corey. She thought she saw him earlier. Inutusan siya ng isang guro na hanapin ang janitress, may nagkalat na agad sa may stage. Siya ang inutusan dahil siya ang walang kausap habang naghihintay na magsimula ang programa.

Pero guni-guni lang siguro niya dahil miss na miss na niya si Corey. Kaya saan man siya tumingin, there is always something there to remind me...

Time After TimeWhere stories live. Discover now