AFTER lunch, ibinaba nila sina Trini at Rius sa plaza. Ayaw pa ni Trini sumabay kina Olivia pagluwas. Sa pasukan na raw ito luluwas, tutulungan muna si Tito Ante magdeliver ng negosyo niyong uling. Si Rius, sa pasukan na rin daw luluwas.
"Dad? Ano'ng batch ka nga sa Filomena?" Tanong ni Olivia nang paandarin na ng ama ang sasakyan.
"'ti-four." Sagot nito.
Tumawa si Ate Ellen, "Basta wala pang kulay ang TV no'n."
"Huuus, nagsalita ang batang-bata."
"Ano nga? Dad?" Olivia whined, sinipa pa niya ang likod ng upuan nito.
"Ba't mo ba tinatanong?"
"Kilala mo si Joel Alarcon?"
"Tatay ni Marife 'yun." Sagot nito. "Hindi mo alam?"
"Alam ko na nga. Sa Filomena rin pala 'yun nag-highschool. Hindi mo ka-batch?"
"Ka-batch ko mga 'yon."
"Pati 'yung mama ni Marife."
"Oo, nga. Ang kulit."
"Alam mo din na lumpo na 'yung Joel?"
Bumuntonghininga ang kanyang daddy, "Oo."
"Nag-parachute daw, hindi bumukas."
"'yun ang sabi ni Marife?"
"Hindi si Marife. Si Aling Yolly, 'yung janitress sa school. " Dumukwang siya at kumapit sa likod ng upuan ng ama, "Alam mo ang tungkol dun?"
"Hindi." Mabilis na sagot ng kanyang daddy.
"Dad?"
"Ano?"
"Mag-e-enroll na 'ko sa UE."
"UE?"
"Dun kasi si Trini." Sagot ni Ate Ellen.
"Ano'ng kurso gusto mo?"
"Accounting."
"Wow, ha." Si Ate Ellen. "Parang ang talino sa math."
"Sigurado ka ha? Walang atrasan 'yan. May diploma after four years."
Olivia giggled, "Papagawa sa Recto."
![](https://img.wattpad.com/cover/191713243-288-k243290.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Time After Time
RomanceThe year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was year 2005. She was still sixteen. Everyone she knew told her she'd been missing for over fifteen years.... But she could not remember anything...