Untitled Part 42

1.3K 57 3
                                    


SA katatanong sa bawat makasalubong, natukoy rin ni Olivia kung saan nakatira si Sir Rius. Dalawang palapag na gusaling malapit sa palengke at may tindahan ng mga electronics sa ibaba.

"Nandito ba si Sir Rius?" Tanong niya sa lalaking nagpuputol ng cable mula sa malaking rolyo sa harapan ng tindahan.

"Kelangan mo kay Boss?"

"Uh, pakisabi si Olivia. Importante lang."

Iyong binatilyong kasamahan ang inutusan ng lalaki para tawagin si Sir Rius. Mayamaya naman ay sumulpot ito mula sa loob.

"Olivia, halika sa loob."

"S-Salamat..." she paused before adding, "po."

"Ang weird ano?" Natatawang sabi ni Sir Rius. "Hindi ko rin alam kung tatawagin kitang ineng o ano."

Deretso sila sa makitid na hallway--pinakitid ng mga electrical supply boxes, spools at kung anu-ano pa. Itinulak ni Sir Rius ang pinto sa dulo.

Maluwang na backyard ang tumambad kay Olivia. Nababakuran iyon ng yero sa tatlong gilid. Mga lumang makina, bakal, appliances ang nakatambak. Sa gitna, military jeep at isang steel box na hindi niya maipaliwanag.

"That's the jeep you came with. Ang nasa likod ang reactor na ginawa ko noon." Sabi ni Sir Rius. "Ang purpose ng machine ay i-convert ang mga basura, lalo na ang mga plastic into fuel. Diesel." Humarap ito kay Olivia, "Higit pala dun ang nagawa ko." Itinuro nito ang contraption, "I've created a time machine."

"Pero---"

"Walang ibang explanation, eh. This thing disappeared with you. It reappeared with you. Sabay kayong nawala. Nang sumulpot ka, sumulpot din ito.

"May thunderstorm noon. Sa katunayan, sinusudlong pa lang namin ni Corey ang reactor papunta sa court, tinamaan na 'yan ng kidlat. Sana noon pa lang naisip ko na na, delikado. Na noon pa lang, nagkaroon na ng glitch sa computer system. Nung buksan ko kahapon, the system was fried. Toast. I'm trying to recreate it para maintindihan ko kung ano ang nangyari.

"Tingin ko kasi, sumobra ang load ng koryente dahil sa mga kidlat. And I think, isa sa inyo ni Corey ang nakapindot ng power kaya nabuhay."

"H-Hindi ka...kayo nagdududa na ako nga si Olivia?"

"You can't be anyone else. Hindi ka tumanda dahil sa...bilis. Sa palagay ko ay kisapmata lang. Hindi naranasan ng katawan mo ang paglipas ng mga taon."

"Bakit nawala ang ala-ala ko?" Gayong nasabi naman muna niya kay Micky ang pangalan niya. May ala-ala siya....na biglang nawala.

"Alam mo ba 'yung mga manok, pag bigla mong pinugot ang ulo, tumatakbo pa. Hindi pa agad nila alam na wala na silang ulo. I think the same thing happened to you. It happened too fast, your mind thought you're still in 1988 but when it realized you aren't, it couldn't adjust because there is nothing to remember, Olivia. There is nothing connecting your past to the present. Your mind doesn't know how it got here. Ano'ng ala-ala ang maiilagay mo sa isang kisapmata?"

"Liwanag. Pag pinipilit kong isipin ang nakaraan, wala akong nakikita sa isip ko kundi liwanag. Nakakasilaw na liwanag. Kahit nakapikit ako, nasisilaw ako."

"That's why you need to go back, Olivia. May kutob akong hindi babalik ang ala-ala mo hanggang naririto ka sa panahong ito. Dahil gaya ng sinabi ko, wala kang ala-ala na babalikan. You just literally skipped seventeen years. Wala kang amnesia. Literal ka lang walang ala-ala sa pagitan ng 1988 at ngayong 2005. When you tried to look back to that night, hindi mo na magawa dahil wala palang koneksyon. You mind just compensates by showing you a bright light. Or it was probably the only thing it remembers."

Napatango si Olivia. Somehow, she believed this man.

"How can I go back to the..past?"

Tumigin sa reactor si Sir Rius, "I'm doing what I can."

"But..but if I go back..." Hindi na niya maituloy ang sinasabi. Si Micky ang nasa isip niya at kaya siya naroroon ay, "He's missing. Si Micky."

"Ha?"

"Nagpunta ako sa bahay nila. Walang tao. Sabi ng kapitbahay nila, umalis daw si Tito Ante kasama ang mga pulis. Hahanapin si Micky. Nagtanong-tanong lang ako kung saan ka nakatira, I'm hoping na may idea ka kung saan pumunta si Micky. I get the impression na malapit rin s'ya sa 'yo kasi ninong ka n'ya."

Tumango si Sir Rius, "Parang anak ko na si Micky...pero minsan, may pakiramdam akong kilala ko na s'ya dati pa. Lagi niyang kina-claim noon na siya raw si Corey. Kaibigan ko si Corey. Ngayon, naiisip ko, hindi kaya totoo? Nang namatay si Corey, lumipat ang kaluluwa niya kay Micky."

"R-Reincarnation? Totoo ba iyon?"

"Wala akong panahon sa mga religious belief. Naniniwala lang ako sa energy." Hinawakan nito ang reactor, "Lahat tayo ay enerhiya--"

"You think...that has something to do with Micky and..Corey?"

"Miracle baby ang tawag ni Trini kay Micky. "Isinugod namin s'ya sa ospital noon dahil dinugo s'ya nung gabing mawala ka at mamatay si Corey. Akala naming lahat ay wala na ang sanggol. Pero himala, hindi naano si Micky."

Napanganga si Olivia.

"I was there. Kami ang nagdala kay Corey sa ospital. Kahit nasa labas ako ng ER, I knew he just died. Nag-iba ang pakiramdam ng paligid. I felt a sense of loss. But as soon as the feeling came, it was gone. Normal uli ang lahat. Malakas pa rin ang ulan, kumikidlat...I could feel the energy.

"But I'm not sure about any of this." Bumuntonghininga si Sir Rius, "I think he's in the cave. Si Micky. Nasa property 'yon ng pamilya ng papa n'ya. I knew about the cave because Corey and I used to hide in there. Nag-iinuman kami noon doon. When Micky was ten, he simply discovered it. He told me about it. I guess, hindi na ako nagtaka."

"Because he's Corey." Sabi ni Olivia.

"And I might give him up to the authorities at some point. Nagkasala s'ya, dapat n'yang panagutan. Pero kakausapin ko muna 'yung brod kong lawyer."

"Paano pumunta sa kweba?"

"Hindi ka ba hahanapin ng daddy mo?"

Napayuko si Olivia. Tumakas lang siya sa bahay. Nasa trabaho na ang daddy niya, instructor na iyon sa isang flight school pero bukod doon, piloto rin ng mga crop planes. Si Marife nasa opisina. Sa bangko nagtatrabaho ang babae.

Nagpaalam si Olivia kay Manang Udes pero hindi siya pinayagan. Malilintikan daw ito sa daddy niya.

Tumakas na lang siya.

"N-Nagpaalam naman ako...sandali lang naman ako." Sabi niya.

Binigyan siya ni Sir Rius ng instructions paano makarating sa kweba ni Micky.

Time After TimeKde žijí příběhy. Začni objevovat