Untitled Part 4

2K 76 3
                                    


ACID washed na jeans ang suot ni Trini. Nakatupi ang laylayan para makita ang medyas na dilaw sa suot na K-Swiss sneakers. Oversized ang pink polo. Lalo itong nagmukhang mataba. Medyo dismayado si Olivia. Nasisimplehan siya sa get-up ng kaibigan. Kaso, si Lotlot ang idol, kaya wholesome.

Pero at least, pinakawalan ng kulot na buhok, nag-mousse pa kaya buhay na buhay ang curls. Naka-tease ng mataas ang bangs. Gaya ni Lotlot, mestisahin naman nga si Trini, pero sa tingin ni Olivia, mas kahawig ito ni Matet dahil malapad ang noo.

"Nasabit ka sa bakod?" Sabi nito nang lapitan niya sa harap ng Mercury Drug, nakamulagat sa hiwa-hiwa niyang jeans.

Natawa si Olivia, "Hiniwa ko 'yan ng steak knife." The best iyon pang-slash ng maong unlike gunting na halatang sinadya ang finished product. Pag steak knife, mukhang authentic ang pagkagulanit ng maong dahil serrated ang edges niyon.

Puti ang polo niya pero hindi naka-tuck-in. Imbes ay may malapad siyang black and studded belt sa bandang balakang, katerno ng boots niyang hanggang calves. Nakatupi ang manggas ng polo para makita ang metal studded rin niyang wrist band.

Natural na deretsong-deretso ang buhok niya at kinaiinisan niya iyon ng husto. Masyadong bagsak, parang kay Atoy Co. Para umalsa, tiniease niya sa harap, likod at mga gilid. Pinasuko sa Aquanet.

But her get-up would not be complete without smokey eyes ala Robert Smith ng The Cure. Actually , sa singer rin niya ginaya ang buhok niya.

"Tara na." Aya niya kay Trini. "Magtatraysikel ba tayo?"

"Maglakad na lang tayo. Malapit lang 'yun sa post office." Hinaltak na siya ni Trini patawid.

"Puta ka, 'wag mo ipaalala sa 'kin ang post office, baka masamid ang inay, malaman pang wala ako sa kwarto."

"Tumakas ka?"

"Dumaan ako sa bintana. Maaga naman matulog ang mga 'yon tsaka hindi na 'ko inakatok pag alam nilang nasa kwarto ako." Inilagay niya sa tapat ng bintana niya ang aluminum ladder, doon siya bumaba at pumuslit sa gate na hindi naman talaga nila-lock.

Time After TimeWhere stories live. Discover now