Untitled Part 7

1.8K 69 3
                                    


DAD, can I ask a favor?" sabi ni Olivia sa ama, nasa kotse na sila pauwi. Dismissed na ang mga klase pagkatapos ng forum.

"What favor?" Nasa magandang mood naman ito. Obvious na nag-enjoy sa atenyon ng audience kanina. Ito ang pinaulanan ng mga iyon ng mga tanong sa open-forum.

"Gusto kong makausap si Trini." Saad niya. Wala siyang pakialam nasa backseat man ng box type Mitsubishi Lancer si Marife. Lumapit ito sa kanilang mag-ama kanina, kesyo magpapaalam.

Pero magpapa-cute lang talaga. Alam nitong generous at maginoo ang kanyang daddy dahil minsan na niyang naisama sa bahay si Marife at nakilala na ito ng kanyang daddy. Turned out, magkaklase pala ang mga tatay nila noong highschool.

Ayun, gaya ng gustong mangyari ni Marife, ihahatid nila ito ngayon.

"'yung kaklase n'yong buntis. 'Yung kasama mo sa party nung tumakas ka sa mga Inay." Anang daddy niya.

"I'm really sorry about that, Dad. Hindi ko na talaga uulitin."

"Aba'y dapat. Kamuntik nang atakehin ang inay sa 'yo, eh. Akala ay kinidnap ka na."

Olivia winced. Totoo, sobrang nag-alala ang lola niya kaya naman ganoon na lang ang galit nang malamang nagpunta lang siya sa party. Hindi siya sinermunan. Dinabugan siya at hindi kinakausap hanggang dumating ang kanyang daddy Linggo ng gabi. Isinumbong siya nang harap-harapan.

Hindi niya naisip na mag-aalala ng ganoon ang dalawang matanda. Ang inisip lang niya, ang kagustuhan niyang umatend ng party.

"Sorry." Ulit niya sa ama.

"Okay na. Tapos na."

"Pwede mo ba 'kong samahan kina Trini? Gusto ko talaga s'yang makausap, Dad. Please. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya, hindi s'ya pumasok ngayon."

"Saan ba 'yon nakatira?"

"Dun daw sa Ibaba. Ipagtanong na lang natin, madaming Carlos dun."

"Paano mo ba naging kaibigan 'yun? Nagsasasama ka sa ganun? Buti hindi ikaw ang nabuntis."

"Dad, please. Hindi naman salbahe si Trini."

"Bakit nabuntis? Sixteen? Ano'ng mangyayari dun?"

"Wag na natin s'yang sisihin. Wala na nga s'yang kakampi, eh."

"Sasamahan kita pero umiwas ka na pagkatapos nito, ha. Please, Olive. Mumultuhin ako ng mommy pag ikaw ang nadisgrasya d'yan."

Hindi makaimik si Olivia.

"Ano? You have to promise me you'll stay away from that girl. Kung ayaw mo, uuwi na tayo..hahatid lang natin itong si Marife."

"I promise." Halos hindi niya iyon mabigkas.

Because it was a lie.

"Good." Hinaplos pa siya ng ama sa buhok, "Ang mabuti pa, bago tayo makarating kung saan, kumain muna tayo--" tiningnan nito sa rearview mirror si Marife, "Saan mo gustong kumain, Miss Princess?"

Marife giggled, "Nakakahiya, hindi naman po ako princess."

HAHA ang sagot ng daddy ni Olivia, "Saan tayo?"

"Dad, I have to--" angal niya.

"Nagugutom na 'ko, eh. Kain muna tayo."

Wala nang nagawa si Olivia.

Time After TimeWhere stories live. Discover now