Untitled Part 13

1.6K 66 7
                                    


HINDI na naka-uniform si Corey. And Olivia had never seen a boy so handsome, napabuntong hininga na lang siya.

Corey had on a pair of Levis 501 which fitted his hips and thighs so wonderfully. Naka-tuck in doon ang beige na polo, long sleeves pero itinupi hanggang biceps ang manggas. Reeboks na blue and gray ang sapatos.

The sides of his hair were swept..gelled away from his face pero ang bangs, hinila pababa sa mukha, natatakpan na ang isang mata. Medyo mahaba na rin ang buhok nito sa likod. A mullet. Favored by rock and pop stars everywhere.

May dala nga itong pichi-pichi. Nasa maliit na bilao, natatakpan ng dahon ng saging.

"Thanks. Paano mo naman nalaman 'tong bahay?" Aniya pagkakuha ng bilao.

"Kilala naman si Tatay Primong beterinaryo. Dali lang ne'to puntahan."

Lumabas na mula sa komedor si Inay Doris. Ipinakilala niya dito si Corey bilang schoolmate. Sinimpat nang matanda si Corey. Mukhang pasado naman. Inanyayahan itong maupo, ipaghahanda raw sila ng juice.

"Ano, kumusta ka na, my loves?" Sabi agad ni Corey pagkaiwan ni Inay Doris sa kanila.

"Shhh!" Saway agad ni Olivia.

Corey grinned, "Kumusta ka na , schoolmate?"

Natawa si Olivia, "Okay lang, schoolmate."

May kinuha sa pitaka si Corey. Kapirasong papel, ibinigay sa kanya.

"Ano 'to?"

"Basta, tingnan mo."

She unfolded the paper. Address ang nakasulat doon. Apartment sa Malibay, Pasay.

Napatulala siya kay Corey.

Tumango ito.

"P-Paano--" anas niya.

"Tinawagan ko si Tito Raffy, piniga ko 'yan sa kanya. Pero hindi mo pwedeng ipagsabi kahit kanino. Papatayin ako nun pag may nakaalam sa lihim n'ya."

"Thanks." Kung wala sila sa kanilang bahay, tiyak na niyakap na niya sa tuwa si Corey. "Thank you talaga, Corey. Hindi ko pa alam kung paano ako makakaluwas pero pwede ko na s'yang sulatan." Kinuha niya ang kamay ni Corey at pinisil iyon, "Thank you so much."

He squeezed her hand back.

Bumitiw lang sila sa isa't isa nang maramdaman nilang pabalik na sa salas si Inay Doris.

Nang ibaba ng matanda ang juice nila sa mesita at iwan sila ulit, balik sila sa holding hands. Hindi sila nag-uusap. Nagtitinginan lang at nagngingitian.

"Para tayong timang." Sabi ni Corey at some point.

Sa tuwing mararamdaman nila si Inay Doris, kalas-buto ang mga kamay nila. Pag lumayo ang matanda, hawak-kamay ulit.

Time After TimeWhere stories live. Discover now