Untitled Part 38

1.4K 66 16
                                    


BUMUKAS ang pinto ng hospital room. Babae ang pumasok.

"Oh, my, God..." Bulalas nito. "Olivia?" Parang atubili itong lumapit sa kama, "Is it really....oh, my God, it's you! Olivia!" Sumugod na ito at padapang niyakap si Olivia, "Saan ka nanggaling? Bakit ka nawala? Look at you---" tumuwid ito, "Hindi ka nagbago..."

Nakamasid lang si Olivia sa babae. Fascinated siya sa buhok nito. Mahaba, medyo brown, tuwid na tuwid at makintab na makintab.

"Hindi ka man lang tumanda, my God! I can't believe it." sabi pa ng babae. Nakasuot ito ng tight-fitting na blusa, nakapaloob sa maong, may belt na brown, katerno ng dala-dalang bag.

Maganda ang kutis ng babae. Pinong-pino. Pero hindi pa masabi ni Olivia kung maganda talaga. Parang may mali sa ilong nito.

"Hindi mo ba ako kilala? Wala ka ba talagang matandaan?"

Hindi alam ni Olivia kung tatango o iiling siya sa tanong. Nanatili na lang siyang nakatingin sa babae.

"Magkaklase tayo nung highschool." Sabi pa nito, naupo sa gilid ng kama, hinawakan ang kamay ni Olivia, "I'm your bestfriend, Olivia."

Kahit wala siyang naaalala, may kung ano sa sinabi nito na nagpapitlag sa kanya.

"Si Marife ako, Olivia. Don't worry, sabi ng duktor, babalik din lahat sa 'yo eventually. And I will help you remember. Ang saya natin noon, ang dami nating kalokohan--" napalinga ito sa pinto dahil may pumasok, "Hon, where were you?" Binitiwan nito si Olivia, nilapitan ang lalaki, suminghot, "You promised to quit, Greg." Sabi nito.

"No, I did not." Sabi ng daddy ni Olivia, nilampasan ang babae at nilapitan siya, "How are you, sweetheart?"

"Okay lang po. Hanggang kelan po ako dito?"

"Hintayin na lang natin ang result ng CT scan. 'Yung iba namang tests, maganda ang results. Normal. Wala ka namang sakit or infection. Gusto ko lang masiguradong walang problema sa brain mo."

P-Paano po kung...hindi ako ang Olivia na anak n'yo?" Lahat nang kakilala at kamag-anak na nagpunta doon para makita siya, iisa ang sinasabi. Hindi siya tumanda. Paano nangyari iyon kung siya nga ang Olivia na nawawala noon?

Dapat ngayon ay kasing edad na siya ni...tumingin siya sa babaeng nakakamangha ang buhok. Ito dapat ang kasing edad niya dahil magkaklase daw sila.

Magkaibigang matalik.

Noon lang niya na-realize ang dapat ay na-realize na niya nang pumasok ang kanyang daddy.

"She's your girlfriend?" Aniya sa ama.

"Yes. Yes." Sagot nito, parang resigned.

"I know how it looks." Sabi naman ng babae. "Pero...ganun talaga ang buhay, eh. Nangyayari ang mga hindi inaasahan. Nung nawala ka kasi, lahat kami apektado. Tumigil ang mga mundo namin."

Nanunumbat ba ito?

Nagpatuloy ito, "Tuwing anniversary ng pagkawala mo, nagkikita kami ng daddy mo sa simbahan, nagtitirik kami ng kandila. Siguro, kasi we share the same loss and grief, nagkalapit kami. Eventually, here we are."

Parang hindi pinansin ng daddy niya ang sinabi ng babae, bagkus ay hinaplos nito ang noo ni Olivia, "Naisip ko na rin ang tinatanong mo kaya nag-request ako ng DNA test. Medyo matatagalan ang result. Kung hindi man ikaw si Olivia na anak ko, makikita naman sa test na 'yun kung magkadugo tayo. Wala pa ring magbabago. We'll take care of you."

"At kapag bumalik na ang memory mo, I'm sure, maliliwanagan tayong lahat sa kung ano ba talaga ang nangyari." Sabad ni Marife. Hinaplos nito ang binti ni Olivia, "But no pressure. Huwag mong pilitin na maalala agad lahat. Kailangan daw, kalmado ka lang."

May narinig silang malakas na katok. Si Marife ang nagbukas ng pinto.

"Micky--" ganoon na lang ang tuwa ni Olivia nang makita ang lalaki.

"Hi. Ahhm, good afternoon, Sir, Ma'am."

"Good afternoon...what's your name again?" Sabi ni Marife.

"Micky po. Micky Carlos."

Napanganga si Marife, "Oh, my God! You're Trini's son! Look at you--ang laki-laki mo na. Last time I saw you, toddler ka pa lang."

Biglang napawi ang ngiti ni Micky, tinutop ang dibdib nakangiwi.

"Micky?" Napabangon si Olivia.

"W-What's wrong?" Tanong naman ni Marife.

"W-Wala po...hindi lang makahinga..." may dinukot sa bulsa si Micky at sininghot. "O-Okay na po ako." Pero mukhang hirap pa rin itong huminga.


"Tatawagin ko ang nurse nang matingnan ka, hijo." Sabi ng daddy ni Olivia.

"Wag na po...sanay na po ako. Tatalab na po ang gamot."
"Tatawag pa rin ako ng nurse." Lumapit sa pinto ang daddy ni Olivia.

Sumunod agad si Marife, "I know what you're up to." Sabi nito. Nilinga si Olivia, "I've been nagging your dad to quit smoking, ang tigas ng ulo."

"Hindi ako maninigarilyo, okay?" Tanggi nito.

"I don't care. I'm going with you."

Time After TimeWhere stories live. Discover now