Untitled Part 45

1.2K 57 1
                                    


TINABIHAN NI OLIVIA SA LABABO SI MANANG UDES, "HINDI PO BA PAPASOK 'YUN?" Bulong niya, si Marife ang tinutukoy. Pasado alas-otso na ay nasa bahay at hindi pa ito nakabihis ng pang-office. May kausap sa cell phone.

Nag-panic si Manang, pagalit na bumulong din, "Ano na naman ang iniisip mo? Aalis ka na naman? Maawa ka naman, Olivia. Naihi na ako sa salawal kahapon."

"Sorry, po." Totoo naman ang takot ni Manang. Namumutla ito pagdating ni Olivia kahapon. Dahil papunta na rin daw si Marife sa bahay. Doon matutulog, bagay na pangkaraniwan nap ala. Kasal na lang ang kulang sa babae at sa kanyang daddy. Minuto lang ang pagitan nila ni Marife kahapon. "Pero kailangan ko pong puntahan si Micky. May sasabihin ako sa kanya."

"Itext mo na lang. Makitext ka kay Beth."

"Hindi po pwede. N-Nasa 'kin ang cell phone ni Micky. Hiniram ko para kay Tiff kaso wala pong load."

"Pa-loadan ko mamaya...pero ineng, hindi ka puwedeng umalis. Maawa ka sa 'kin, malilintikan ako sa madrasta mo. At ikaw rin, paanp kung may mangyari sa 'yo sa labas?"

"Wala naman po. Uuwi po ako ag---" nakarinig na lang nila ng sigaw na sinundan ng pagsambulat ng mga babasagin sa sahig. "Tiff!" Tumakbo na si Olivia sa silid ng kapatid.

Kasunod niya sina Manang at Marife.

"Tiff?" Dinaluhan ni Olivia sa kama ang kapatid. Nakaupo ito, yakap ang mga tuhod. Nasa sahig si Beth, pinupulot ang mga piraso ng basag na bowl at baso. Nasa sahig rin ang almusal ni Tiff. Oatmeal at gatas. Nagkumahog si Manang na kumuha ng basahan.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Marife.

"Ayaw po kainin ni Tiff ang almusal n'ya." Sabi ni Beth. "Tinulak n'ya, natapon."

"Bakit na naman, Tiff?" Sabi ni Marife sa tonong parang paubos na ang pasensya. "Ano ang gusto mong kainin? 'yan ang mabuti sa 'yo dahil kailangan mo ng fiber...ano ba Manang! 'yang pwet mo!"

All fours si Manang sa pagliligpit ng kalat, naatrasan ang binti ni Marife.

"Sorry, Mam."

"Gumawa ka ng bago, Beth. Igawa mo na rin si Olivia at doon mo sa kusina pakainin ang dalawa. Baka kailangan lang ni Tiff ng kasalo. Kasi naman, nakita mo nang masigla, susubuan mo pa. Isa ka ring gaga at kalahati. Paano lalakas 'yan, ginagawa mong sanggol?" Tumingin naman kay Tiff si Marife, "Hindi porke may sakit ka eh pwede ka nang mag-asal walang modo. Matuto kang gumalang. At ikaw Olivia, pagsabihan mo 'yang kapatid mo."

"I'm not hungry." Sabi ni Tiff.

"Pwede bang hindi?" Singhal ni Marife, "Tumigil ka na sa kakainarte mo, please. Ang laking problema na n'yang sakit mo, 'wag mo nang dagdagan, utang na loob."

Sinigawan ni Tiff ang babae, "You're making me sick! You're feeding me poison! You're killing me slowly!"

"Oh, please..." Marife rolled her eyes. Pagkatapos ay iiling-iling na tumingin kay Tiff bago lumabas ng silid.

Mayamaya ay lumabas na rin sina Manang at Beth. Humawak ng mahigpit si Tiff sa braso ni Olivia.

"Don't eat anything from her." Sabi nito. "Lalasunin ka rin n'ya."

"Sigurado ka ba, Tiff?"

"Dito lang naman ako nagkasakit. Pag nawawala ng ilang araw si Tita Fe, bumubuti ang pakiramdam ko."

"Pero...mabuti ang pakiramdam mo lately kahit nandito s'ya."

"Busy s'ya. Tsaka...dumating ka...nakita mo 'yung gatas."

"Pero Tiff, we can't just accuse her--" naalala niya ang kutob nila ni Micky.

"You know it's true, Olivia. Alam ko, naniniwala ka sa 'kin."

"We need to tell Dad."

Umiling si Tiff, "Kayang-kaya magpalusot ni Tita Fe. Naniniwala si dad sa kanya. Kung sana pwede kong mapatunayan na may lason ang pagkain ko."

Napatitig si Olivia sa kapatid, "Ako bahala."

"Olivia?" Bulong ni Tiff.

"What?"

"I'm really hungry."

Time After TimeWhere stories live. Discover now