Untitled Part 52

1.6K 71 8
                                    


SHHHH, here's Micky..." Sabi ng babaing namulatan ni Olivia. May hawak itong stuffed toy na sinlaki ng unan.

Mickey Mouse.

Kilala niya ang laruan. Lagi niyang katabi iyon. It was her mother's last gift to her.

"S-Sino ka?" Tanong niya sa babaeng nakaputi. Pati ang silid na kinaroronan niya, putting-puti. A hospital?! Madmi siyang gustong itanong pero hirap siyang magsalita. Malat na malat siya at hindi sigurado sa mga sasabihin. Everything was confusing.

Ngumiti ang babae, "Ako si Beth. Ako ang nurse mo."

"Beth..." kilala niya ito, pero hindi siya ang maysakit, "Where's Tiff?"

"Ha?"

"My sister." Olivia hissed which sent her to a coughing fit.

Binigyan siya ni Beth ng tubig, "Wala ka namang kapatid. Only daughter ka."

"But..."

Umayos ng upo sa tabi ng kama ang nurse, hinagod ang buhok ni Olivia, "Isang taon mahigit kang walang malay, after ka barilin dun sa police station.

"You were in a coma. Few weeks ago, you woke up. Pero disoriented ka, tsaka nilagnat ka ng mataas. Pero okay ka na ngayon, wala na 'yung impeksyon. 'yung mga panaginip mo, dala na 'yun ng antibiotics. Lagi kang nananaginip, may kausap kang Micky. Liipas din 'yun."

Ano ang sinasabi ng babaing ito? Iginala ni Olivia ang paningin sa paligid. She stared at the window and thought of Corey in her bedroom window one night...when was that?

Tumingin siya kay Beth, "A-Anong petsa na?"

"April , 1989."

Olivia didn't know what to make of that.

Kitang-kita siguro sa mukha niya ang pagkalito, "Confusing talaga." Sabi ni Beth. "But eventually, mapi-piece together mo ang mga nangyari. Sa ulo ka nabaril kaya may mga bagay kang hindi mo maaalala pero it doesn't mean na maaapektuhan na ang buhay mo. Eventually, mag-a-adjust ang brain mo.

"Sa ngayon, confused ka pa sa reality at dreams. Hindi mo pa ma-distunguish alin ang panaginip, alin ang totoo."

"Sabi mo binaril ako ...why? I didn't kill Corey, I just wanted to see Micky, he knows the truth--" bumukas ang pinto. Matandang babae ang pumasok. Si Inay Doris.

"Kumusta si Olivia?" Sabi nito.

"Okay naman po." Sabi ni Beth, tumayo. "Hindi po bumalik ang lagnat."

"Salamat naman sa Diyos." Lumapit ang matanda kay Olivia, "Salamat ng marami sa Diyos, ibinalik ka Niya, Olivia. Akala namin ay tuluyan ka nang nawala."

Matamang tiningnan ni Olivia ang kanyang lola. Panaginip raw ang lahat, pero totoong-totoo sa kanya, "G-Gusto kong makita ang mga sulat ni Trini." Sabi niya.

Napasinghap si Inay Doris, "P-Paano mo....nakakarinig ka noon--"

Base sa reaction ni Inay Doris, tama ang panaginip. Nangyari iyon talaga iyon...pero buhay pa ang lola niya....ano ba talaga?
Nawala siya ng seventeen years....

'Akala namin, tuluyan ka nang nawala....' Kasasabi lang niyon ni Inay Doris.

Iyon ba ang totoo?

Hindi siya nawala.

She was in a coma.

And everything was a dream.

She stared at her favorite toy.

Mickey Mouse.

Micky.

"Inay--" anas niya sa matanda.

"Ano 'yun apo ko?"

"Ang mga sulat ni Trini, please--"

Nagtataka pa rin na napatingin sa nurse si Inay Doris.

Nakibit-balikat ang nurse, "Baka po naririnig n'ya ang mga pinag-uusapan n'yo dito, humahalo sa panaginip n'ya."

Napaisip muli sa narinig si Olivia. Kung ganoon...kung tama ang nurse, ibig sabihin...

"Gusto kong makita si Trini." Anas niya at muling naubo.

Bumuntonghininga si Inay Doris, "Sige at uutusan ko ang tatay Primo mo na alamin kung nasaan ang batang 'yun. Wala kaming balita sa kanya."

Time After TimeWhere stories live. Discover now