Untitled Part 81

1.1K 49 1
                                    


PAGKATAPOS NG INSIDENTENG IYON, DALAWANG LINGGONG DEPRESSED SI TRINI. Alalang-alala si Olivia sa kaibigan. Tatlong araw lang yata pumasok si Trini noong mga panahong iyon. Umuuwi raw ito ng Tres Cruces pero hindi naman maipaliwanag ng maayos kay Olivia kung bakit. Parang ayaw magkwento ni Trini. Umiiwas. Ayaw ng kausap.

Parang nakatuntong sa eggshells si Olivia. Gusto niyang iparamdam kay Trini na mahal niya ito pero natatakot siya na may masabi siya o magawa na hindi magugustuhan ng kaibigan. Trini was irritable. Nagagalit basta-basta. Ang hirap timplahin o basahin ng mood.

Ang payo kay Olivia ni Tito Ante, hayaan daw muna niya si Trini. Ito na lang ang bahalang magbantay kay Trini. Olivia made the man promise to never, ever let Trini out of his sight.

Hanggang isang Martes, sumulpot na lang sa pinto ng classroom ni Olivia si Trini. Maayos ang itsura. Mukhang masaya--though with Trini, hindi mo talaga masisigurado. Pero dumaan lang daw ito sa room niya para magpakita sa kanya, tutuloy na daw ito sa klase nito.

Late that afternoon, nagkita sila at parang walang nangyari. Trini was back to her old self, to Olivia's relief. Dumating na sa punto na naisip niyang nag-alala siya sa wala. Mukhang may inasikaso lang naman talaga sa probinsya si Trini. Tinulungan si Tito Ante. Over thinker lang talaga siya, nag-aalala sa kaliit-liitang bagay.

Habang palapit nang palapit ang summer vacation, padalang nang padalang na nilang nakakasama si Rius. Busy sa school works. Silang dalawa ni Trini, tuloy sa pagbubulakbol. Manonood ng sine kapag naisipan. Magdi-disco sa tanghaling tapat. Gagala. Nagche-check-in pa sila sa motel para lang mag-inuman. Just the two of them. They weren't interested in making more friends. They weren't interested in boys.

Kapag pumapasok sila sa motel, pinag-iisipan silang mga tibo ng mga nakakakita, to the point na kumalat na iyon sa campus. They didn't mind. Hindi sila tibo.

Hindi lang talaga sila interesadong magka-boyfriend. Olivia was yet to meet a man who would replace Corey.

Ang katuwiran naman ni Trini, para ano pa? Hindi naman daw ito magkakaanak, bakit pa makikipagrelasyon?

And they were happy. Just the two of them.

Nang dumating ang summer vacation, dinala sila ng daddy niya sa Boracay. ISang linggo sila doon. Doon na nila idinaos ang third birthday ni Tiff. From Boracay, sa hometown ni Ate Ellen sa Ilo-ilo sila tumuloy. They went trekking, hiking. Naligo sa ilog. Nagbilad sa beach..beach..beach.

Pero bago magpasukan uli, nang tinatanong na ni Olivia si Trini kung kailan ito mag-e-enroll para sabay na sila, siya na lang daw. Ayaw na daw magbigay ng sustento ni Raffy. Kailangan na ni Trini magtrabaho muna dahil wala rin itong aasahan sa ina at mga kamag-anak. Kung matutuloy raw siguro ang mga iyon sa abroad, baka sakali, maituloy ni Trini ang pag-aaral. For the meantime, tutulungan naman daw ito ni Tito Ante makahanap ng trabaho. Walang magagawa doon si Olivia kung hindi tanggapin.

At kahit naman hindi na nag-aaral si Trini, nagkikita pa rin sila every weekend dahil, ironically, sa Makati ito nakahanap ng trabaho. Just not in Jupiter Street. Utusan, taga-timpla ng mga kape raw ang trabaho nito sa isang opisina doon, walking distance raw mula sa tinutuluyan nitong boarding house sa bandang Guadalupe.

Nagbago man ang circumstances nila, ang friendship hindi. Mas lalo pang lumalim at tumibay. While Trini seemed to be enjoying her working girl status, Olivia was struggling with her course. Ayaw talaga niya pero natatakot siyang magsabi sa ama na gusto na niyang magpalit ng kurso. Panindigan raw niya, eh. Isa pa, ano ang ipapalit niya? Hindi pa rin niya alam.

At twenty-one, nag-aaral pa rin siya habang ang mga kasabay ay nagsi-graduate na ng college. At twenty-one, clueless pa rin siya sa kung ano ba ang gusto niya sa buhay. At twenty-one, she still feels like she were sixteen.

Buti pa si Tiff, magge-grade one pa lang, alam na kung ano ang gustong maging.

'I want to be a pilot!'

Like their dad. At pinaghahandaan na iyon ng kanilang daddy. Mahal daw ang flying school pero makakaya basta determinado. Kung si Olivia ang tatanungin, parang mas dapat unahin ng kanyang daddy na ayusin ang pangalan ni Tiff. As in, pakasalan si Ate Ellen nang magamit na ni Tiff ang family name nila. Kawawa naman ang kapatid niya, walang middle name. Kapag tinatanong ng teacher, ang isinasagot Deborah.

Pero nagsawa na siyang magtanong. Pati yata si Ate Ellen, nagsawa nang umasa. Parang tinanggap na lang na common law wife lang ito imbes na legally wedded wife. Nagsawa na siyang magtanong dahil paiwas naman lagi ang sagot ng kanyang daddy. At nasa punto na rin siya na umiiwas kausapin ang ama dahil sa mga failing grades niya. Pinagtatakpan lang siya ni Ate Ellen pero pinapagalitan na rin siya.

And when you were twenty-one, twenty-two was just around the corner. Couple of weeks after her twenty-second birthday, natanggap niya ang tawag ni Rius. Lunes iyon ng umaga.

He passed the board. May selebrasyon sa bahay ng mga ito sa Tres Cruces. Despidida party na rin daw iyon dahil lilipad pa-Singapore si Rius. May Engineering firm doon na naghihintay, nag-aabang kay Rius.

Napatakbo si Olivia sa banyo matapos ibaba ang telepono. Masaya siya para kay Rius. Matalino naman talaga iyon. Cum laude noong grumaduate. Naiyak lang siya dahil kay Corey.

Kung hindi iyon namatay, siguro...siguro...ewan, hindi niya alam. Ang alam lang niya, sa araw na iyon, damang-dama niya ang panghihinayang. Corey might not be a scholarly type, but he was smart. And funny and everyone liked him. He could be anything.

Ninakaw si Corey. Sa mundo. Sa pamilya nito. Sa mga kaibigan.

Sa 'kin.

She could not stop crying because the loss was still as palpable as before. There was a huge hole in her heart. A gaping space. It throbbed with longing. It ached to close in on something...something she could never find again.

Kinatok siya ni Ate Ellen.

Inayos niya ang sarili bago lumabas pero halata pa rin pala na galing siya sa pag-iyak.

"May..nangyari? Sino kausap mo sa phone kanina?" Tanong nito.

"Ate...how do you unlove a person?" She asked back.

"Kung alam ko, de wala na 'ko dito." Sagot ni Ate Ellen, inakbayan siya, "Mawawala na lang siguro."

"Paano kung hindi?"

"Malas natin."

Time After TimeWhere stories live. Discover now