Untitled Part 44

1.2K 59 1
                                    


MALALIM na ang gabi, gising pa rin si Olivia. She could not stop thinking abut Micky. Nag-aalala siya sa lalaki. Nasa gubat iyon, baka nilalamig...baka may mabangis na hayop...iniisip rin niya ang mga bagay na gusto niyang baguhin sa nakaraan kung makakabalik siya.

At some point, she realized she had to write them down dahil...paano kung makalimutan niya?

Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Sa komedor siya nakahanap ng ballpen at papel. Aakyat na sana uli siya nang marinig niya ang mahinang sitsit.

Si Tiff, nakasilip sa pinto ng silid nito.

Nilapitan niya ang kapatid, "Hindi ka pa natutulog. Kailangan mong magpahinga para lalo kang lumakas." Higit pang masigla sa ngayon si Tiff kaysa nang nakaraang araw. Sana nga ay tuloy-tuloy na ang paggaling nito.

At isa iyon sa babaguhin niya sa nakaraan. Titiyakin niyang hindi mapapalapit ang kanilang ama kay Marife. Maybe that would prevent Tiff from getting sick since she wouldn't be heartbroken from her mother's absence.

"I can't sleep. I slept all day already. My mind can't stop thnking---"

Nakaka-relate doon si Olivia, "Me too. I'm feeling crazy thinking of the past that I can't even remember... that i don't have." Namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng silid ng kapatid.

Sabay silang sumampa sa kama, "Iniisip ko ang sakit ko." Sabi naman ni Tiff. May dinukot itong notebook mula sa punda ng isang unan, "Inulit kong basahin ang diary ko. Sinimulan ko 'to when I got sick, few days after I went home here from the resort." Binuklat-buklat nito ang diary.

Napamulagat si Olivia sa handwriting.

She had just read another diary....another person's diary. And yet, parehong-pareho ang handwriting ni Tiff sa handwriting ni Trini.

Could it be that....

Patuloy si Trini, unaware sa reaction ni Olivia, "Dun kasi kami tumuloy ni Mama sa Valencia's. May two days pa naman bago 'yung flight n'ya kaya sabi n'ya, mag-stay kami sa resort at dun na lang ako sunduin nila papa."

It took several breaths before Olivia realized what she just heard.

"Come again?" Aniya sa kapatid.

"Huh?"

"'Yung name ng resort?"

"Valencia's. Malapit lang dito."

Iyon rin ang pangalan ng resort kung saan napaslang si Trini ayon kay Micky.

"I wrote about it kasi malungkot ako nun...magkahiwalay na kami ni mama after that. Lumuwas na s'ya, dinala na 'ko nila papa dito. I dwelt on my feelings--" binuklat nito ang mga pahina ng diary, "See, I used up two pages just describing how I felt...but here, near the end, I mentioned the masseuse--she's old na and she told me something weird which I didn't write here pero I remember pa rin what she told me about one of the rooms." Tumingin ito kay Olivia, "Sabi n'ya may namatay daw sa kwarto na nasa dulo kaya sarado na 'yon. My mom freaked out but I just felt...weird. ..i...just cried because I felt so sad. So sad, there's nothing like it."

Time After TimeWhere stories live. Discover now