Untitled Part 19

1.4K 57 1
                                    


AYAW niya sa traditional, lalong ayaw niyang magmukhang bridesmaid kay siya talaga ang nag-isip ng design ng kanyang prom dress. Nasunod naman ng modista ang mga instructions niya kahit panay ang iling sa kanya. Hindi raw pang-JS Prom ang gusto niya. Pero siya ang costumer, siya ang masusunod.

And Olivia got the dress she wanted. A hot pink number with black lace and tulle accents.

Corset top at ang palda ay layered na hindi pa umabot sa tuhod. Ang mga layers ay sinipian ng itim na tulle at lace. Itim rin ang sash na mistulang malaking rose ang pagkakalaso sa likod.

Walang comment si Inay Doris nang makita si Olivia sa salas. Hindi pa yata makapag-decide kung natutuwa sa suot niya o hindi. Naka-lace stockings na itim rin siya at high heels na itim.

Ipinakulot rin niya ang buhok para umalsa kagaya kay Diana Ross. Ginamit niyang headband ang retaso ng damit. Layered rin ang kwintas niya. Pinagsama-sama niyang suotin ang mga rosary, faux pearl chokers na black and white, gold and silver chains.

This girl's gonna have so much fun.

"Ahmm, Madonna, tara na." Sabi ng daddy niya, "Dadaanan pa natin si Cindy Lauper."

"Huh?"

Tumawa ito, "Si Marife. Mukha kang Madonna, malamang Cindy Lauper 'yun."

"Bakit natin s'ya dadaanan?"

"Hindi ba sabay kayo? Katatawag lang, tinatanong kung nakabihis ka na."

Talaga naman, sa loob-loob ni Olivia. Hindi talaga sumusuko si Marife, sige pa rin sa pagpapanggap na magkaibigan pa rin sila. Lalo na sa kanyang pamilya.

At kailangan na niyang tapusin iyon,"No, Dad. We're not taking her. Kung magpupumilit kang daanan s'ya, s'ya na lang ang ihatid mo. Magtatraysikel ako." Maski nangingiwi siya sa idea.

"Daig n'yo pa ang aso't pusa. Away-bati." Sabi ng daddy niya.

"Hindi kami magkabati."

"O, de hindi kung hindi. Tayo na."
Lihim a napangiti si Olivia. Kung inaasahan ni Marife na may sundo ito....well, screw you, Marife! Ito ang magtraysikel papunta sa prom. May diprensya daw sa paa ang papa nito at hindi maalam magmaneho ang ina, naikwento minsan, kaya walang maghahatid.

"Paalala lang ha." Sabi ng daddy niya nang nasa kotse na sila, "Wag iinom ng nakakalasing---"

Olivia just smiled, Oh, daddy dear you know you're still number one, but girls-- they wanna have fun.... Oh, girls, just wanna have fun...

Time After Timeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें