Untitled Part 56

1.2K 57 1
                                    


DAD?"

Gulat itong napalingon buhat sa bintana ng kanilang bahay, "Olivia? Nakakalakad ka na...I mean, kaya mo nang lumabas? Kaya na ng katawan mo?"

Tumango siya. Dalawang araw na siyang nakauwi. Bagamat nanlalambot pa siya at bigla-biglang nahihilo, kaya na niyang maglakad-lakad. Nilapitan niya ang ama, "Dad, you must send me to jail."

Lito ang mukha ng kanyang ama, "Hindi ka naman nakasuhan bakit ka magpapakulong?"

"But I killed him. Dapat lang na maparusahan ako, Dad. Kahit mabitay pa ako, tatanggapin ko." Sana nga, bitayin na lang siya. After learning the truth, hindi na niya alam paano mabubuhay na taglay ang katotohanang iyon.

"Hindi mo alam ang ginawa mo. Naiintindihan naman 'yun ng hukuman, anak. Wala ka pa sa hustong edad. Hindi mo na kailangang makulong. Kung ako ang tatanungin, nakabayad ka na sa kasalanan mo. Isang taon kang nawala sa 'min, Olivia. Akala ko, hindi ka na babalik. Kung ano man ang nagawa mo, hindi mo 'yun lubos na naiintindihan. Patawarin mo ang sarili mo anak, mas importante 'yun para maibalik natin sa maayos ang buhay mo. Para makapagsimula ka uli."

"I'm sorry, Dad. I'm so sorry--"

Niyakap siya ng ama, "Anak kita, Olivia. Mahal na mahal ka ng daddy, okay? Hindi ako galit. Ang mas mahalaga sa 'kin, buhay ka. Kasama kita. Maiitama pa natin ang mga pagkakamali. Maniwala ka sa akin, hindi kita pababayaan. Hindi ka rin pababayaan ng mama mo, naniniwala ako, binabantayan ka n'ya."

"P-Paano ba, Dad? Paano magsimula? Hindi ko alam...hindi ko kaya..."

"Isa-isang hakbang. Parang...eroplano, bago lumipad...bago payagang lumipad, may flight plan. One thing at a time." Hinagkan nito sa ulo si Olivia, "Makakalipad ka pa, anak. Hindi pa huli ang lahat. Pwede ka pang mangarap. Magsimula ng bagong pangarap. Ang unang-una na kailangan mong gawin, magpalakas, magpagaling." Iginiya nito si Olivia pabalik sa silid.

"Siguro, next week kaya mo nang bumiyahe. Ipapasyal kita sa beach para maarawan ka. Gusto kong makitang masigla ka na uli. Isama natin ang mga inay pati 'yung kaibigan mong si Fe."

Tumango na lang si Olivia. Hinagkan siya ng ama sa noo, "Goodnight, sweetheart."

She closed her eyes, wishing for sleep. But it wouldn't come. Sana bumalik na lang siya sa coma....sana tulog na lang siya habangbuhay....para kasama niya si Micky. Para mukha nito ang nakikita niya, mga tawa nito ang naririnig niya. Hindi kay Corey.

But she was wide awake now. It was Corey's face she sees, his laughter, his eyes...reminding her of what she had done.

She didn't deserve to live. Kahit ano pa ang sabihin ng kanyang daddy, mali ito. Wala na siyang karapatan. Hindi na siya matatahimik habang buhay. Kung wala na si Corey, dapat na rin siyang mawala.

Time After TimeWhere stories live. Discover now