Untitled Part 83

1.1K 51 6
                                    


ILANG hakbang lang ang layo ni Olivia sa nakasarang pinto. She was filled with dread. Her entire body was cold and shaking.

"No, please, no...don't do it..no.." pakiusap niya. Nagsimula na siyang lumuhod, "Don't open it, please..."

Pero ngumisi lang si Marife sa kanya at balewalang binuksan ang pinto.

Olivia screamed. And screamed.

"Ate! Ate!"

Bumalikwas siya.

"Binangungot ka na naman." Sabi ni Tiff.

Hingal na hingal si Olivia, "S-Sorry. M-Matulog ka na uli, may pasok ka pa bukas." Inalalayan niyang mahiga uli sa tabi niya ang kapatid at kinumutan ng maayos kahit nanginginig pa ang mga kamay niya.

"Napapanaginipan ko rin si Ate Tri, pero...masaya s'ya, Ate. Kasama n'ya ang baby n'ya."

Napahagulhol na si Olivia.

It was the eve of Trini's first death anniversary. Babang-luksa. Tinawagan siya ni Tito Ante, may kaunti raw salo-salo sa mga iyon. Imbitado siya. She declined.

Kinabukasan matapos ng party kina Rius noong isang taon, natagpuan sa isang silid sa Valencia's ang katawan ni Trini. Nakabulagta sa kama. Nakatarak pa ang kutsilyo sa dibdib nito.

Iyon ang nakita niya nang madatnan ang nagkakagulong mga tao at mga pulis sa resort. Nakalusot siya at nakalapit sa silid.

And saw her best friend.

Inaresto si Marife pagkalipas ng ilang araw. Nakita sa mga gamit niyon ang mga ebidensyang sinasabi ni Trini. Mga bagay na magpapatunay na si Marife rin ang sumaksak kay Corey. Bukod doon, may finger prints ni Marife ang kutsilyong ginamit kay Trini.

Tumatanggi si Marife. Inaasahan na iyon ni Olivia. Pero guilty pa rin ang hatol ng korte kay Marife. Nasa correctional na iyon, mananatili na doon hanggang pagtanda.

Nangyari ang gusto nila. Naparusahan si Marife. Nagdurusa na iyon sa mga kasalanan sa kanila.

But Olivia couldn't find peace.

Because she could have prevented Trini's fate. Ang panaginip niya. Binalewala na niya iyon at nakalimutan na niya.

Hanggang makita niya ang duguang labi ni Trini.

Ang silbi ng panaginip na iyon kung wala naman siyang kayang baguhin? Pinabayaan niya si Trini. How could she ever live with that?

Time After TimeWhere stories live. Discover now