Untitled Part 43

1.5K 80 4
                                    


PAANO KA---" BUKOD SA HINDI MAKAPANIWALA, KANDA LINGA SA PALIGID SI MICKY.

"Wala akong kasama." Sabi ni Olivia. Kung kanda tingin si Micky sa labas ng kuweba, kanda silip naman ito sa loob. "It's not really a cave."

"Oo. Tunnel. Ginamit daw ng mga gerilya noon pero hindi sila ang gumawa. Mas matanda pa 'to sa gera. Sabi ni Sir Rius, baka daw tunnel ng mga sinaunang minero." Halos perpekto ang dome ng kuweba pero sapat lang ang taas ng bubong para makatayo siya ng maayos. Kung tatangkad pa siya, yuyuko na sila. Katutubo nga siguro ang gumawa. Maliliit ang mga iyon. Isang sasakyan lamang ang kakasya sa luwang. "Baka may nakakita sa 'yo na papunta dito?"

"Uh, wala naman akong napansin na nakapansin sa 'kin. Aso lang." Nakakita si Olivia ng batong mauupuan, naupo ito doon, "May dala akong tubig. Pinabaon ni Sir Rius kasi daw maglalakad ako ng malayo."

"Kanina pa nga ako hindi umiinom. Pero may mga bukal naman dito sa paligid." Kinuha ni Micky ang water tumbler at nakiinom. "Buti hindi ka naligaw."

"Naligaw ako." Amin ni Olivia. "Kanina pa ako dapat..ayoko lang sumuko, kailangan kitang makita."

Napangiti doon si Micky, "Miss mo na 'ko?"

Gumanti ng ngiti si Olivia, "Kailangan kong makigamit ng cell phone mo. Para kay Tiff." Ipinaliwanag nito ang problema ng kapatid.

"Sige. Kahit dalhin mo na lang. Pa-load-an n'yo na lang, wala na yata akong load, eh."

"Thanks." Ganoon na lamang ang titig ni Olivia, "Ano'ng balak mo, Micky? Hanggang kelan ka dito? Hinahanap ka ng mga pulis--"

"Hindi ko alam. Gusto ko munang mag-isip. A-Anong sabi ng ninong?"

"May kakausapin daw s'yang lawyer. Kailangan mo daw sumuko eventually, haharapin mo ang kasalanan mo. Gusto lang n'yang masigurado na hindi ka maaabuso kung ide-detain ka--"

Napasipol si Micky sa ideya ng kulungan. Tumingin siya sa labas ng kuweba.

"I don't like it, Micky." Sabi ni Olivia.

"Ang ano?"

"Ang iniisip mo. Mas gusto mo pang magtago na lang..." Tumayo ito, "Ginagawa nila Sir Rius at Tito Ante ang makakaya nila para tulungan ka dahil mahalaga ka sa kanila. Isipin mo rin sila, Micky. Gawin mo 'yung tama."

"Ano ba 'yung tama? Hindi ko na alam, eh. Pinatay ang mama ko pero wala nang nagpupursige na hanapin ang salarin. Tama ba iyon? Mali. Maraming mali." Kinuha niya sa backpack na nasa sahig ang notebook ng kanyang ina. Binuklat niya sa unang page at ibinigay kay Olivia, "Nakita ko sa kahon ng mga gamit ni Mama."

Tahimik na binasa ni Olivia ang nakasulat. Maya-maya ay napatingin ito kay Micky.

"Basahin mo pa." Udyok niya.

Pagkatapos ng ilan pang pahina, hindi na nakatiis si Olivia, "Could it be true? Si Tita Fe...Marife, pinatay n'ya si...Corey?"

"Pero sa pagkakaalam ko, hindi naman papaniwalaan ng mga pulis ang ganyang ebidensya. Hindi naman ebidensya 'yan. Kutob lang ng mama ko 'yan base sa mga pinagsasabi ko nung maliit pa 'ko."

Nakarating sa huling entry si Olivia. Binuklat pa nito ang kasunod, parang nagsisigurado kung wala na ngang ibang nakasulat. Wala na. Halos kalahati pa ng notebook ang blangko.

"Wala na 'yan." Sabi ni Micky. Two days mula sa petsa ng entry, napaslang na ang kanyang mama. Tinabihan niya si Olivia at muling binasa ang nakasulat sa notebook.

Time After TimeWhere stories live. Discover now